Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Tuesday, October 27, 2009

Pasko sa gitna ng Pagsubok

Unti-unti nang nagbabago ang panahon. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Naglipana na ang iba't ibang matitingkad na ilaw sa mga lansangan. Sa mga malls, kapansin pansin ang hilera ng iba't ibang christmas tree na ibinebenta ng mga tindahan. Hindi pa man sumasapit ang araw ng patay at ang halloween, tila mas nangangamoy na ang kapaskuhan.


Pero sa isang bansa na sunud-sunod na dinaanan ng mga pagsubok, marami ang nagtatanong: may pasko pa ba sa ating mga pinoy? Magkakasunod na bagyo ang tumama sa Pilipinas partikular sa Metro Manila at ibang probinsiya. Sa isang iglap, libu-libong pamilya ang nawalan ng matitirhan, akabuhayan at higit sa lahat, mga mahal sa buhay. Nilamon ng tubig-baha ang buong Luzon. Napuno ng kalungkutan sa bawat Pilipino. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha ng bawat nilalang. Walang mayaman, walang mahirap. Halos lahat ay umiyak.


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mapapansin ang likas na bayanihan ng mga pinoy. Sa isang iglap, milyun-milyong donasyon hindi lamang dito sa Pinas kundi pati na rin sa iba't ibang bansa. Naramdaman ang pagkakaisa ng bawat tao na may mga busilak na puso. Ang mga mukhang puno ng lungkot ay unti-unting nasilayang ng mga ngiti at pag-asa. Pag-asang makakaahon muli sa putik na kinasadlakan ng bansa.


Sa mga pagtulong at pagmamalasakit na ipinakita ng bawat Pilipino sa isa't isa, Pinatutunayan lamang nito na hindi kailanman matitinag ang matinding mithiin ng bawat isa na muling bumangon. Ngayong panahon ng kapaskuhan, wala mang maihahandang masagana sa hapagkainan, tuluy-tuloy pa rin ang buhay. Hindi man ngayon, darating ang panahon na unti-unti tayong babangon at muling magiging makulay ang bawat pasko ng bawat pilipino hindi lamang dito sa Pinas kundi saan mang sulok ng mundo.










Sunday, October 18, 2009

Balik tanaw sa Dekada 80 (Batang 80s ka ba?)

1983 ang taon ng aking kapanganakan at mahigit isang buwan na lamang ay magdidiwang na ako ng akin'g ika-26 na kaarawan. Hindi ako nahihiya na banggitin ang aking edad. Naniniwala ako sa kasabihang "kalabaw lang ang tmatanda". At humigit kumulang 26 na taon ko dito sa mundo'ng ibabaw, inaamin ko'ng nag-enjoy ako sa panahong hindi pa talo ng mga cable shows ang mga tv stations, hindi pa naaadik ang mga bata sa mga online games, uso pa ang patintero, luksong tinik, taguan at marami pang mga bagay na aking kinalakihan noon'g dekada 80. Kaya para sa mga mambabasa ko at mga kapwa blogero, laking 80s ka ba? Alamin (taken from http://www.tagalabo.com/index.php?topic=351.0)


1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang SperryTopsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green , Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.

2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.

3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina 's in Shoppesville.

4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.

5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.

6. Wala pang videoke kundi karaoke.

7. Ang preso lang may tattoo.

8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.

9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.

10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.

11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.

12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.

13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.

14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.

15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.

16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.

17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.

18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.

19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.

21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.

22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.

23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.

24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.

25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.

26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.

27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.

28. Herbert Bautista was a campus politician.

29. P18 to $1 ang palitan sa black market.

30. May black market pa noon.

31. Illegal pa ang mga paputok.

32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians

34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.

35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.



Idagdag ko lang ang mga biglaang pagsulputan ng mga sentai gaya na lamang ng maskman, ganun na rin si shaider, machine man, turbo rangers, jetman, fiveman atbp.


Kung alam mo ang karamihan sa mga yan, malamang, isa ka ring batang 80s.


Monday, October 5, 2009

Pangit!!!


Pumapangit ang sulat ko.


Tama.

Papangit ng papangit ang mga naisusulat ko sa blog.


Napapansin ko'ng nawawala ang abilidad ko sa pagsulat ng mga lathalain, artikulo, tula atbp.


Bakit kaya?



Gawa ba ito ng mga problema'ng aking nararanasan? Oh dahil my mga blogero'ng inaamin ko'ng mas magaling magsulat sa akin.


Sa mundo ng blogging, maraming mas maabilidad. Maraming mas talentado. Maraming mas matalino kaysa kay Bino. Taon'g 2006 nang magsimula ako'ng magblog. Sa loob ng 3 taon na pagsusulat, hindi ko namamalayang nauubusan ako ng mga ideya. Dumating sa punto na isinara ko ang damuhan na isang taon mahigit na umere sa cyberworld. Pero muli ko iton'g ibinalik dahil na rin sa mga loyal readers ko.


Pero heto ako ngayon, nagsesenti na naman, naturingang humor ang kategorya ng blog na ito, nagdadrama ako ngayon. Hay, kailan kaya babalik ang galing ko sa pagsulat?


Kailan uli ako magkakaroon ng pagkakataon na lumikha ng mga tula, mga kwento at mga makabuluhan ngunit nakakaaliw na lathalain? Kailan ko uli ako liligaya sa pagsusulat? Ayoko'ng mawala ang passion ko sa bloggin lalo na sa writing. Ano ban'g kulang? Inspirasyon?


Ang daming mga katanungan na kung tutuusin ay ako lang ang makakasagot. Kung ganun, sana'y madali ko'ng masagot ang mga tanong na yan. Dumating sana ang panahon na gumaling uli ako sa pagsusulat.


Sana.