Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, September 28, 2009

Bagyong Ondoy, Kalamidad at Jacque Bermejo

Nagdulot ng napakalaking pinsala ang bagyong Ondoy sa kalakhang Maynila partikular sa Lungsod ng Pasig, Quezon Rizal atbp. Maraming tao ang namatay at nawalan ng tirahan karamihan ay mga nakatira sa mga exlusive villages.Ang bidyo sa ibaba ay nagpapatunay kung gaano kalala ang ginawang pinsala ng nasabing bagyo:

Karamihan ng mga Pilipino, pati mga dayuhan ay nagkaisa at nagtulung-tulong para maiahon sa lusak ang mga tao'ng nasalanta ng bagyo. Dagsa ang mga donasyon mula sa iba't ibang foundation. Pagpapapatunay na marami ang nagmamalasakit. Ngunit maliban sa mga may puso'ng handang tumulong, mga tao'ng nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, isang tao ang nagstand out hindi dahil sa kabutihang ginawa kundi dahil sa may apog pa siya para imock ang nangyari at tila walang pakialam sa kapwa.

Dumagdag sa listahan ng isang fashion designer, UP cat killer, the Chinese girl na nagkomento sa lindol, at ang famous Mr. Chip Tsao. She comes along with this statement.



Gumawa na ng isang Facebook group para sa tao'ng ito na walang kaluluwa at walang konsensya. Pasearch na lang sa FB.

Mensahe ko sayo, mamamatay ka rin ng maaga! Nawa'y walang kamag-anak mo dito sa Pinas ang namatay at nasalanta dahil sa Bagyo'ng Ondoy! At please lang, wag kan'g magpilit mag-english. Barok na barok!!!







Sunday, September 27, 2009

Ikaw at Ang Buwan

Kanina lang nasalubong ko ang litrato mo sa net. Nakangiti, mayroong sinasabi ang iyong mga mata na kahit kailan ay hindi ko nakita nang makapag-usap tayo sa parking lot ng Ateneo. Dun sa bench na nakasandal sa malaking puting pader ng kung anong building.



Makulimlim ang langit noon. Tanghaling tapat pero hindi dumudungaw ang araw. Baka nagsawa na rin sa ating dalawa, nainip dahil inabot na tayo ng isa’t kalahating taon ay hindi pa rin tayo sigurado kung gusto natin ang isa’t isa. Isang malaking kulay abong ulap ang pumayong sa atin, parang naghihintay ng signo kung kelan niya ibubuhos ang kanyang humahagulgol na ulan.



Kahit na tayong dalawa lang sa lugar na iyon, mayroon pa ring malaking patlang sa pagkakaupo natin, nagtataka na rin ang mga kuliglig kung bakit tayo ganun. Matagal na pala iyon. Mas maganda ka ngayon kumpara nung nakaraang dalawang taon, noong huli tayong magkita sa Ateneo. Kung hindi kasi tayo nag-usap noon malamang hindi kita ngayon hinahagilap sa net.



Sabi ko sa iyo marami ka pang makikilala sa darating na panahon --na hindi natatapos ang araw sa pagbaba natin ng telepono matapos tayong mag-usap ng ilang oras. Tanong ko sa iyo, “mag-ano ba talaga tayo?” Isang taon na tayong nakikipaglaro kay kupido, malamang siya rin ay napagod na sa pakikipaghabulan sa ating dalawa, nawalan ng pag-asang iakma ang kanyang pana at tamaan tayo sa isang kumpas. Pero walang panaang naganap. Walang nangyari.



Tinanong ko sa iyo kung gusto mo ba akong mawala sa buhay mo para maging masaya ka. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para hindi na tayo mahirapan ipaliwanag ang malabong litrato nating dalawa. Binulong mong hindi. Binulong mong huwag kong gagawin yun. Binulong mong mas ok kung hindi tayo mawawalan ng komunikasyon sa isa’t isa habang gumigilid ang luha sa iyong kaliwang mata.



Sabi ko kahit hindi tayo dumating sa isang romantikong relasyon, basta hindi natin babasagin ang manipis na salaming naghihiwalay sa atin, upang hindi tayo malayo sa paningin ng isa’t isa. Basta huwag.



Matagal na pala iyon. ‘Ni hindi ko na sigurado kung ito nga ba ang tunay na nangyari.



Naalala ko pa noong isang pasko, nang una kitang pinuntahan sa bahay niyo. Bitbit ang isang mangkok ng haleang ubeng gawa ng nanay ko at isang kahong brownies, kinatok ko ang bahay niyo bandang ala-una ng umaga. Nagulat ka noon, sobrang gulat mo siguro tuloy hindi mo na naisipang papasukin ako sa loob. Umuwi na lang akong nakangiti.



Simula noon bawal nang hindi tayo magkausap sa telepono o sa text man lang. Hanggang sa pag-akyat ko ng bundok hindi kita maiwasang tawagan. Nakabantay kasi ang buwan sa ating dalawa. Pareho niya tayong inaakit tuwing namimilog siya sa langit ng ating mga bintana.



“Sana ‘andito ka. Sana kasama kita dito. Malamig pero anlapit ko sa buwan. Naaalala kita. Sana andito ka.”



Kaya’t tuwing nakikita ko ang buwan, nakikita kita. Isang malaking salaming bumubuntot sa ating dalawa san man tayo pumunta, magkasama man o hindi. Magkaaway man o magkabati.



“Balang araw iaakyat kita dito.”



Low bat.




Nakakatawang isipin na ang cellphone na siyang unang nagpalapit sa ating dalawa ang siyang magbibigay tuldok sa lahat. Apat na text messages lang ang aking katapat. Ang magkakasunod na message alert tone ang umagaw ng aking pagkakatulala.



Maraming salita, puro Inggles. Puro paliwanag, puro lohika at rasyunal. Isang Hallmark Card na hindi tungkol sa pag-ibig.



Madalas tayong magdebate sa buhay, lalo na sa dalawang unibersidad na napasukan natin. Noong minsang isinama mo ako sa Katips ay nanlumo ako sa estado ng kabataan doon. Parang pekeng Pilipinas, sabi ko sa sarili. Madalas ko kasing punahin ang estado ng mga estudyante doon, lalo na ng mga apatetikong mga tao sa lipunan.



Marami tayong napagkukuwentuhan at napagmumuni-munihan. Tungkol sa mga aktibo at pasibo, sa mga masa at mga konyito’t konyita. Tungkol sa isang mundong puro baluktot at iilang matuwid. Tungkol sa pinagkaiba ng mga Isko at ng mga Arneyan. Tungkol sa isang bansang mayroong dalawang mukha. Siguro, habang nagpapanting ang tenga nating dalawa sa mahahaba nating diskusyunan sa telepono, text at e-mail, ay tungkol na rin sa pinagkaiba nating dalawa.



Sinuyod ng aking mata ang lcd screen ng 3310 ko. Dahan-dahang iniskrol ang mensahe mong hindi matapos-tapos, hindi matarok ng ulo ko ang mga sinasabi mo. O ayaw ko lang talagang intindihin?



Apat na mensaheng magkakarugtong, iisa lang ang sinasabi:



“I don’t want to do anything with you anymore.” Hanggang sa huli mong binigkas na mga salita ay pinatunayan mong Atenean ka pa rin.



Battery Empty. Katahimikan.



Bumalik ako sa pagkakatulala. Nakita ko nang parating iyon, matagal na. Ang sa akin lang ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano pigilan ang pangyayaring iyon noong dumating ang masamang balita. Sana lang ay naunahan kita bago mo ako pinaglaho.



Binasag mo ang salamin sa pagitan nating dalawa, ngunit sa halip na magkadampian ang ating mga balat matapos ang mahabang paghihintay ay tuluyan na tayong nabulagan ng mga bubog nito. Hindi ko na iniwasan ang pagtama ng iyong desisyon sa aking mga mata. Mangyayari din yun balang araw, iyon ang paliwanag ko sa sarili.



At hindi na kita nakita. Dalawang taon na kitang hindi makita. Naka-ilang bundok din akong ginapang sa pag-asang makikita ko ang repleksiyon mo sa sinasamba nating buwan, ngunit tsaka ko lang malalamang maulap ang langit kapag nakarating na ako sa tuktok nito. Sana’y hindi na tayo nagkita sa Ateneo noong nakaraang taon. Sana’y naisama kita sa isang akyat ko maski isang beses man lang.



At ngayon, nakatitig ako sa litrato mong hindi ko maiwasang i-download sa net. ‘Ansarap titigan ng iyong mga matang nangungusap. ‘Ansarap isiping nakilala kita kahapon, nakasama at nakakuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. ‘Ansarap ng pakiramdam ng muling pagkikita, personal man o hindi, ng dalawang nawawalang kaluluwa dahil ngayon lang kita tunay na napagmamasdan. Matapos ang tatlong taon ay ngayon lang kita tunay na naiintindihan.



Mas maganda ka ngayon, katulad ng buwan.




Thursday, September 17, 2009

Pano Kung Isa Kan'g Pantyliner?

"pucha.ang init.”
--oo nga e
“grabe, eto pala feeling ng pagod na pagod”
--sinabi mo
“alam mo yung ichura ng pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw?”
--what the f***?
“yung at the end of the day, at feel mong magpalit na dahil may "icky feeling", pagpunta mo sa banyo at pag upo mo sa toilet, at pagbaba ng iyong salawal….YAAK!.”
--kadiri ka naman
“Yon, yon mismo ang nafifeel ko ngayon. As in siyeet, I feel used, luray luray, mabaho, useless, di na tao in short."
*silence*
--hmm, come to think of it, I can relate..

Diyan nag-umpisa yung usapang pantyliner. Sa dinami dami ng bagay sa mundo na pwede icompare yung feeling ng ka block ko, sa pantyliner nya na-trip-an. Kunsabagay, tumpak at maihahalintulad mo nga naman ang kanyang sitwasyon sa pantyliner. Ang galing nga e, parang ako rin, na feel ko rin bigla yon. Para bang..*poof* naging pantyliner ako!

Anyway, na miss ko lang ang ganyang usapan, usapang college na tipong kahit anong bagay e mapaguusapan nyong magkakaibigan. Kahit yung hilatsa ng mukha ng propesor nyo, at kung bakit may pasok kahit ang lakas lakas ng bagyo sabay pagpasok mo e iaanunsiyo sa eskuwelahan an walang pasok, at kahit yung mga topic sa politika, parang kahit anong klaseng usapan ay considered as good conversation topic.

Hindi tulad ngayong nagtatrabaho na, para bang ang hirap magbuo ng kwento sa mga kakilala mo. Sige, subukan mo nga, tanungin mo yung team lead mo ng “Paano kung isa kang pantyliner?” at pagmasdan mo ang nakababahalang reaction na guguhit sa mukha niya. Pagkatapos nun, abangan mo sa deliberation kung ano rating mo, at kung may trabaho ka pa sa susunod na buwan.

Yun ang nararamdaman ko ngayong nagtatrabaho ako. Sa tuwing natatapos ang isang araw, ramdam na ramdam ko ang pagiging isang pantyliner ko, yung pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw.

Marahil ay na mimiss ko lang ang kolehiyo, ang mababaw na usapan, ang walang kapararaang kuwentuhan ng tungkol sa kahit ano, at shempre ang mga kaibigan at kaklase ko. Ngayong nagtatrabaho ako, ang hirap humanap ng tunay na kaibigan, parang lahat sila kaibigan mo pero..ops ops ops, hanggang diyan ka lang, professional pa rin dapat. Paano kaya yon? Yung kabiruan mo lang kaninang break time na halos di mapigil ang ihi sa katatawa, e siya ring nagpapaalala sa mga deliverables mo for tomorrow, siya ring boss mo, at siya ring sumusukat sa pagkatao mo sa opisina.

Kaya nga ngayon, di tulad nung kolehiyo na babakas sa iyong mukha ang isang ngiti at buong kalakasan mo pang ipaparinig ang “I feel like a pantyliner na!” sabay tawanan niyong magkakaibigan; ngayon,habang nakatunganga ka sa harap ng workstation mo, ikikimkim mo na lang sa iyong sarili ang biro, umasang mapawi ang pagod na nadarama at pabulong na sasabihing, “kailangan ko na yata magpalit.”


PAUNAWA: Ang lathalaing ito ay mula sa peyups.com at hindi nilikha ni Bino. Credits go to the author.

Friday, September 11, 2009

Don't Cry Glorie Part 2

Sa pagpapatuloy ng aking kwento tungkol kay Glorie, naging teammates kami. Doon ko nalaman ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Tourism graduate pala sya sa Lyceum. May kapatid na seaman, dating sundalo ang ama at sa isang village sa Cavite sila nakatira. May tirahan din sila sa Q.C.


Masarap kasama si Glorie. Palatawa siya at tila ba walang problemang dinadala. At ang higit sa lahat, masaya siya sa piling ng kasintahan niya na noo'y officemate din namin. Hindi ko maiwasang magselos. pero ano pa nga ba ang magagawa ko? May karapatana ako'ng magselos pero wala ako'ng karapatang magalit. Kaibigan lang ako.


Masama man ang aking inisip noon na sana'y magkahiwalay sila, ganun na nga ang nangyari. Hindi ko na idedetalye ang puno't dulo ng kanilang pag-hihiwalay pero kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na sakit na dulo't ng naputol na relasyon ng kanyang bf.


At dahil ako ang lagi niyang nakakasama, di maiwasang maglabas siya ng sama ng loob sa akin. Pero bilang kaibigan, siyempre, she needed a shoulder to cry on. Kaya naman buo'ng suporta at pag-unawa ang ibinigay ko sa kanya. Kung anu-ano'ng payo ang aking ibinahagi. Niyayaya ko siyan'g lumabas at mag-enjoy kesa hayaan siyang magmukmok sa kanyang kwarto. Hanggan lumipas ang 3 buwan, nakamove-on din siya sa wakas.



Itutuloy...




Monday, September 7, 2009

Don't Cry Glorie

Jimmy please say you'll wait for me
I'll grow up someday you'll see
Saving all my kisses just for you
Signed with love forever true.


Ang lyrics na iyan ay mula sa kantan'g Don't Cry Joni ni Conway Twitty. Tungkol sa pupply love ng batang babae sa isang lalaking mas matanda sa kanya. Bakit ko nga ba naisulat ang lyrics ng kantang iyan? Dahil katulad ni Jony, nagmahal din ako ng babae'ng mas matanda sa kin.

Itago na lang natin siya sa pangalang Glorie. Taon'g 2005, magbebente-uno anyos pa lang ako nun nang una ko siyang makausap. 2003 nung una ko siyang makilala pero 2 taon ang matuling lumipas bago kami nagkaroon ng pagkakatao'ng magkaroon ng isang konbersasyon. Naging working student ako sa kumpanyang pareho naming pinapasukan hanggang sa makatapos ng pag-aaral. At doon umikot ang buhay ko.

Masaya siya noon sa piling ng kanyang boyfriend. Halos araw-araw ay bukambibig nya ang pangalan ng kanyang minamahal habang gumagawa ng website. Lagi niyang pinagmamalaki si ***** sa kanyang mga kabarkada. Sabi ko sa sarili ko, ala na, talo ako. May syota pala eh.

Pero parang si God na ang gumagawa ng paraan para kami'y magkakilala. Nagreshuffle ng team ang I.T. Department at swerteng napabilang kami sa iisang grupo. Introduction uli, pakilala sa isa't isa. At sa kuna-unahang pagkakataon, nagkakilala kami ng personal...



Itutuloy






Thursday, September 3, 2009

Paborito'ng Morning Cartoons

Gradeschool ako nun ng magsimulang magsulputan ang mga morning cartoons sa telebisyon lalung lalo na sa abs-cbn (ooops, kapamilya ako eh ^^). Hindi inaasahan ang pagpatok ng mga ito dahil sa ganda ng istorya at pagkakalikha ng bawat karakter (noon, maganda na ang mga drawings at illustrations na yun!). Normal na sa bawat cartoons ang may tema ng mga inaapi, mga nauulila, mga naghahanap ng pamilya atbp. At dahil lumaki ako sa panahon na hindi pa talo ng cable channels ang mga local channels, masasabi ko'ng napakaswerte ko at nagkaroon ako ng pagkakatao'ng mapanood ang mga sumusunod:




video from Wency143


1. Cedie - ito ang una ko'ng napanood na paulit-ulit na ipinalabas ng abs-cbn dahil tunay na nag-click sa mga manonood. Kwento sa isang batan'g lumaki sa New York na yun pala'y anak ng dugo'ng bughaw.


2. Sarah, ang munting prinsesa - isa ring may dugo'ng bughay na bata na naulila sa ama at pinagmalupitan ng kanyang guro sa isan'g dormitoryo. Sino ba ang hindi makakaalala kay Miss Minchin?


3. Julio at Julia - ang kambal ng tadhana. Isa'ng lalaking intsik at babaeng amerikana. May 7 uri ng kapangyarihan na ayon sa alamat ay magpapabagsak ng imperyo ng Tsina.


4. Remi - may dalawang berisyon ito. Ang una ay yung batan'g lalaki at yung isa naman ay batan'g babae. Mas nagustuhan ko yung una kahit na halos pareho lang ang istorya; binenta sa isang matanda na nagtatanghal sa lansangan.


5. Georgie - isang dugo'ng bughaw na bata'ng babae na lumaki sa mga mahihirap. Ang susi sa kanyang pagkatao ay ang gintong pulseras na suot nya mula pagkabata. Parehong inibig ng 2 lalaking tinuring nyang kapatid.


6. The Trap Family Singers - base sa Sound of Music. Kwento ni Maria, isang nubisyada sa nag-alaga sa mga bata ng pamilya Von Trap. Later on, nagkatuluyan.


7. Si Mary at ang Lihim na Hardin - mula sa the Secret Garden. Isang batang babae na nakadiskubre sa lihim na hardin na muli nyang ibinalik ang dating sigla at ganda.


Ilan lang yan sa mga cartoons noon. Marami pang iba katulad ng Alamat ni Snow White, Cinderella, Tom Sawyer etc. Hay, nakakamiss ang panahong yon. Para'ng gusto ko'ng bumalik sa pagkabata. Hehehehehe.