Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, August 31, 2009

Komento at Paninira Part 2

Ang blog na ito ay nagsimula ika-30 ng Hunyo taon'g 2008. At sa lagpas isa'ng taon ng blog na ito, marami ako'ng naging kaibigan sa blogosphere. Hindi man lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na bumisita at magblophop, naniniwala ako na patuloy pa rin kaming magkakabigan sa blogworld.



Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may mga iba'ng blogero na bigla na lang gagawa ng pangalan sa pamamagitan ng paninira sa iba'ng blog? Hindi ito magandang asal. Kung gusto mo''ng sumikat, hindi ka dapat manira ng ibang blogero, batikan o baguhan man ang mga ito sa mundo ng blogging.



Minsan na rin ako'ng nakatanggap ng mga paninira sa damuhan ganun na rin sa iba'ng blogs ko noon. Kesyo wala ran originality, kinopya ko lang daw ang mga sinusulat ko dito etcetera etcetera etcetera (hirap ispelengin eh!). Hay, inaamin ko na may ibang artikulo dito na hindi ako ang sumulat kaya naman nilalagay at binibigyan ko ng credits ang mga may-akda at nagpadala ng mga lathalain. Pero karamihan sa laman ng damuhan ay sarili ko'ng likha, pangit man o maganda, nakakasawa man o nakakatuwa sa mata ng mga mambabasa.





Sa kabila ng mga negatibo'ng opinyon, hinuha, kuru-kuro o pananaw ng mga tao'ng makikitid ang utak at ang tanging alam ay manira para lamang sumikat, nagpatuloy ang inyong lingkod sa pagsusulat dahil sa aking mga loyal na mambabasa. Ang maramdamang sila ay natutuwa sa damuhan ay isan'g malaking karangalan para ipagpatuloy ko ang aking nasimulan.





Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ang ganitong klaseng mga tao sa paninira sa kanilang kapwa blogero. Kesyo sila ang nauna sa pagbablog, sila ang mas sikat, sila ang mas magaling magsulat atbp. Ang pagbablogging ay hindi pataasan ng ihi. Kung gusto mo'ng maraming bumisita sa blog mo, isubmit mo ito sa mga directories, magbloghop sa mga ka-blogroll mo at higit sa lahat, wag manira ng ibang blogero.



Tamaan ang dapat tamaan. Walang siraan para lamang sumikat.



Wednesday, August 26, 2009

Ukay-Ukay, Ang Department Store ng Pinoy


"Wow! Ganda ng damit mo ah! Mahal siguro yan noh? San mo nabili?"

"Ah eto ba? Galing UK!"

U. K. short for ukay-ukay. Tindahan ng mga segunda mano'ng damit na kadalasa'y galing ng iba't ibang bansa tulad ng Amerika, Japan, at Korea. Ang iba pan'g tawag sa ukay-ukay ay wagwag o wagwagan. Bakit kamo? Kasi winawagwag ng mga mamimili ang mga damit. Gets bah? Basta ang alam ko, isa ito'ng negosyong patok sa puso ng bawat pinoy.


Di ko maipagkakaila na ako mismo ay bumibili din ng mga damit sa ukay. Pagiging praktikal lang naman. Basta sisiguraduhin mo na maayos ang iyong pipiliin at hindi yung tipong pwede mo nang gawing basahan dahil sa dumi. Pero huwag ka, hindi lahat ng damit sa ukay ay mga luma. Karamihan pa nga sa mga ito ay minsan lang nagamit ng mga tao. At higit sa lahat, mabibili mo ito ng halos lagpas kalahati sa tunay na halaga.


Kamakailan lamang ay nagpunta ako ng Baguio. Siyempre pa, di ko pinalagpas ang mga tindahan ng ukay sa siyudad. At gaya ng inaasahan, may mga nabili din ako at ito ay ang mga sumusunod.


Converse Chuck Taylor - P 150. parang di pa nagamit.

Adidas Jacket - P 180. konting laba lang, parang bago na ulint tingnan.

La Coste T-shirt - P 150 (2 pcs ha) - bagung-bago pa promise!


Fila Rubber Shoes - P 160



Di ko inaasahang ganyang kamura ko mabibili ang mga yan. Iba pa rin talaga ang ukay sa Baguio!


Tip lang sa mga nagbabalak mag-ukay ukay. Kadalasan, sa unang dating ng mga damit, mataas-taas pa ang mga presyo. Pero habang tumatagal ang araw, unti-unting nagbababa ng mga presyo ang mga yan. Price drop ika nga. Gaya na lamang ng nakita ko'ng ukayukay sa Las PiƱas na kung saan araw ng Miyerkules eh 30 pesos lahat ang mga damit. Pero nung araw ng Biyernes, 10 piso na lang lahat! Ang disadvantage nga lang, konti na lang ang mapagpipilian mo.


Sa hirap ng buhay, importante ang maging praktikal. Hindi basta-basta napupulot ang pera. At ang paghanap ng mga kasuotan na may magandang kalidad sa murang halaga ay matatagpuan sa ukay-ukay. Basta marunong kayo'ng pumili at tumawad, tiyak na may kalalagyan ang inyong mga pera. Maganda na, mura pa! Tara! Wagwagan na!!!













Monday, August 24, 2009

Text conversation

Text.

"Muzta?"

Walang reply.

Text uli.

"Iniiwasan mo ba ko? May nagawa ba ko?"


Nagreply.


"Problema mo? Di ko naman obligation na magtext o magreply sa yo dba?"



Masakit. Nakakainsulto. Nakakatampo. Nakakagalit.


Ikaw na nga ang concern sa kalagayan ng kaibigan mo, ikaw pa ang mapapagalitan at mapagsasabihan ng mga katagang yan.


Ako ang tao'ng handang tumulong sa mga kaibigan ko sa tuwing sila'y may problema. Kung kapos man ako sa salapi, magagawa ko'ng gumawa ng paraan para sa kanila. Malaki'ng parte para sa buhay ko ang mga kaibigan ko. Hindi ako mabubuhay ng wala sila. Para sakin, isa rin silang pamilya.


Pero sa mensaheng natanggap ko, para ban'g ang dating sa kin eh "wag kang makulit, hindi na kita kailangan, may trabaho na ko at kwarto'ng inuupahan kaya di na kita kailangan!"


Ganun pala. Masama na palang magtanong tungkol sa kalagayan ng isang kaibigan. Isang malaking istorbo na lang pala ako sa kanila.


Reply.




"Alam ko. Nangangamusta lang naman ako. lahat kc kayo di nagrereply. Ngayon dahil malaking istorbo lang pala ko sa iyo, di na kita gagambalain."



Makalipas ang apat na oras.



Text.



"Tsong senxa na medyo busy at madalas walang credits. Mzta ka na? San ka lumipat?"




Phone off.



Itutuloy




Friday, August 21, 2009

Alaala ni Ninoy


Holiday. Walang pasok ang mga estudyante ganon na rin ang mga sangay ng gobyerno. Sa kalye ng Baguio City (kung saan ako naroroon ngayon dala ang laptop ni insan at smartbro prepaid broadband) ay maraming may suot ng dilaw ng shirt, ribbons at kahit anong aksesorya na dilaw. Tanda ng pag-alala sa dating senador na si Benigno Aquino Jr.

"The Filipino is worth dying for." Mga salitang binitawan ng namayapang senador. Ngayon'g araw na ito, nawa'y tumanim sa isipan ng bawat Pilipino ang kanyang mga ginawa para sa bayan'g sa ngayon ay lugmok sa kahirapan.


Nakakalungkot isipin na sa mga nagdaan taon na ipinagdiriwang ng bansa ang araw ni Ninoy, ngayon lang muli naging kapansin-pansin ang kanyang pagkamatay. Ito ay marahil dahil na rin ay sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa at maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino.


Tila hindi magiging kapunapuna ang selebrasyon kung hindi pa pumanaw ang dating unang ginang kamakailan lamang. Ganun pa man, lubos ko'ng pinagpapasalamat ang naging suporta ng madla sa okasyong ito.


Huwag sana nating makalimutan ang mga nagawa ng dating senador sa ating bansa na naging dahilan ng muling pagbangon ng demokrasya sa ating lupang sinilangan. Ang mga nagawa ni Ninoy ay sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino.





Tuesday, August 18, 2009

Muling Pagbubukas!


Sa biglaang pagsasara ng damuhan, makailang ulit din ako'ng nakatanggap ng mga instant messages sa ym. Tinatanong kung hindi na daw ba magbabago ang isip ko. Hindi ko na daw ba bubuksan uli ang damuhan at titigil na daw ba ako sa pagbablog May mga email din ako'ng natanggap na humihiling na muli ko'ng ituloy ang pagsusulat sa damuhan.

Sa mga mensahe'ng yon ko biglang naisip na marami din palang may gusto na ituloy ko pa ang damuhan. Napagtanto ko na marami-rami rin palang naaaliw at natutuwa sa aking pagsusulat. Napag-isip isip ko rin na nagiging makasarili lang ako sa ginawa ko'ng desisyon.


Kaya naman matapos ang ilang linggo'ng pagsasara ng blog na ito ay muli ko ito'ng binubuksan. Hiling ko lamang, sana'y nandyan pa kayong mga mambabasa at taga suporta ng blog na ito.


Umasa kayo'ng muling babaha ng mga lathalain sa damuhan. Mananatiling luntian ang damo at patuloy tayong mahihiga, magkukwentuhan at tatambay sa damuhan.


Maraming Salamat! Welcome Back Damuhan!