Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Wednesday, July 29, 2009

Paalam Damuhan

Isang taon.



Isang taon din ang pinagsamahan natin mga kadamo. Isang tao ng kulitan, kagaguhan, katuwaan, kalungkutan atbp ang ating mga naranasan.





Nadama ko ang inyong suporta sa blog na ito.



Ngunit lahat ay nauuwi sa katapusan.



Mula ngayong araw na ito, ika 29 ng Hulyo taong 2009. Opisyal na sinasara ng inyong lingkod ang damuhan. Ito na ang huling post. Huling sulat.




Maraming salamat sa inyon suporta.




Adios mga kadamo!






Tuesday, July 21, 2009

TAG!!! 10 THINGS YOU DON'T AND YOU SHOULD KNOW ABOUT ME

Once you're tagged, write 10 things that you think other don't know about you. then tag 10 of your friends. It's that simple! now go ahead and write!

1. I don't like to wear wristwatches, bracelets or kahit ano sa wrist ko.

2. I hate stolen shots. So mga nagkukukuha ng mga pictures ng hindi nagpapaalam, wag nyo nang ituloy.

3. Hindi ako nagpopost ng mga pictures ng mga moments ng girlfriend at mga naging girlfriends ko. I want that to be private.

4. Ayoko sa lahat ang nagcocommit pero di tumutupad.

5. When I was 7, hiniwa ko using a blade ang left cheek ko. That's the reason kung bakit my scar ako. I did that just to get attention. Bad sheep in the family

6. I have a suicidal tendency.

7. I love to drink but I don't like hard drinks.

8. Sa likod ng mga tawa ko, nagtatago ang isang tao'ng ubod ng lungkot. Walang pamilya.

9. Mabibilang sa mga daliri ko ang mga tunay na kaibigan ko.

10. Ako ang tao'ng hindi nakakalimot lalo na sa mga friends. Ang kaibigan para sa akin ay ang mga tao'ng hindi mo lang kaibigan dahil kasama mo sa trabaho. Handa ako'ng tumulong basta kaya ko.


Kaya tinatag ko ito sa lahat ng dapat itag. Alam nyo na kung sino kayo. :)

Monday, July 13, 2009

Kaibigan

Kaibigan.



Mga tao'ng laging nandiyan para sa iyo. Sa oras man ng ligaya o sa oras ng pighati, ang mga tunay na kaibigan mo ay handang dumamay, tumulong, makisaya, makitawa at sumuporta.



Pero siyempre, may iba't ibang personalidad ang bawat kaibigan. Merong mabuti, meron ding masama. Isa ba sa mga sumusunod ang kaibigan mo? Basahin at alamin!







1. Seloso/Selosa - mga uri ng kaibigan na masahol pa sa bf/gf mo. Ang mga ganito'ng uri ay naghahanap ng pang-unawa at suporta. Sila ang mga tao'ng overprotective sa friendship. Ang maganda naman sa kanila, hindi ka nila ipagpapalit sa kung sinu-sino lang.





2. Tampururot - madaling magtampo. Ayaw na ayaw nila ng mga tao'ng di marunong tumupad sa usapan. Isang tip para sa ganitong uri: pag nag-commit ka, siguraduhin mo na tutuparin mo yun dahil kung hindi, kahit mag super-sorry ka pa sa kanya, matatagalan bago ka mawala ang tampo niya. Unless bumawi ka sa susunod.





3. Chismax - mga kaibigang mas malinaw pa ang radar kesa sa mga station signals ng channel 2 at 7 kung sumagap ng chismis. Kadalsang kahit sabihin mo'ng wag ipagsasabi ang mga importanteng bagay, dumudulas at dumudulas pa rin ito sa kanilang mga dila.





4. Moody - Mga kaibigang pabagu-bago ng mood. Masaya kung masaya, malungkot kung malungkot, galit kung galit. Bipolar. Mahirap mahanap ang timpla.





5. Insensitive - kaibigan mo sila. Oo. Pero tila ang bagal makaramdam kung bad mood ka or kung gusto mo'ng mapagisa.





6. Ako kasi..ako lang.. ako pa rin - pag nagkwento puro siya ang bida. Kung may ibang pagkukuwentuhan naman, hindi malabong may maisisingit pa rin itong sitwasyon na may kaugnayan pa rin sa kanya.




7. Concern Citizen - handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Kahit hindi kayo laging magkasama o magkita, asahan mo'ng isang tawag o text lang, paniguradong nandyan siya lagi para sa yo. Kasiyahan man o kalungkutan. Walang malayong lugar para sa kanya. Gaano man kahectic ang schedule nya, tiyak na maisisingit ka pa rin niya.



8. Tapat na Po - ang kaibigang napakaloyal sa iyo. Di ka tatraydurin. Ang katapatan ng tao'ng ito ay sa iyo lamang. In good times and bad times, lagi siyang nandyan sa yo.





Ang mga nabanggit ay hango sa karanasan ng may-akda. Kung mayroon mang bayolenteng reaksiyon, komento, suhestiyon o paninira, sarilinin nyo na lang muna iyon. Joke!


Adios





Tuesday, July 7, 2009

Signs Signs Signs

Sa tagal ko nang nagbablog, minsan ko lang mabigyan ng pansin ang mga signs sa jeepney, bus at sa kung saan-saang lugar na masasabing onli in the Philippines. May mga nakakatuwa, mayron din namang tila humahamak sa kakayahan ng pinoy maginggles. Para sa inyo mga kadamo, malugod ko'ng inihahandog sa inyo ang mga signs na aking hinagilap sa mga sulok ng internet, libro ni Bob Ong at kung anu-ano pa.


Anita Bakery (as opposed to Anita Baker)

Bote Nga Sa’Yo (Used Bottle Shop)

Cinna Von (a laundromat)

Cleopata’s (bakahan and manukan)

Cooking ng ina mo (home cooking)

Cooking ng ina mo rin (right across Cooking ng ina mo)

Crispy per minute (Crispy Pata Eatery)

Curl Up And Dye (Beauty Salon)

Doris Day and Night (24 hour eatery)

Elizabeth Tailoring

Fagoofyt (children’s hair salon)

Felix the Cut (Barber Shop)

Goldirocks (Gravel & Sand Shop)

Happy Birthday Toyo (a soy sauce brand in the 70’s)

Holland Hopia (owned by Mr. Ho; next door is…)

Poland Hopia (owned by Mr. Po)

Leon King (Video Rental)

Let’s Goat-Together (kambingan cum beer garden)

Petal Attraction (flower shop)

Maid To Order (Maids Placement Agency)

Mang Donald’s (burger joint)

Meating Place (Meat Shop)

Meatropolis (meat shop)

Miki Mao (noodle eatery)

Susan’s Roses (flower shop)

Sylvestre’s Salon

TapSi TurBi (Tapa, Sinangag, Turon at Bibingka)

The Fried of Marikina (fried chicken shop)

The Way We Wear (Boutique)

Wash Up Doc? (Laundromat)

Wrap and Roll (lumpia outlet)

Gloribee Eatery (Si Aling Glori ang may-ari)

Master Bakers (and their slogan) “We don’t just bake, We Master Bake!”

JEEPNEY and BUS SIGNS

» Before pay, tell where get the on before get the off
» Full string to stop driver
» For reckless driving, call ########
» God knows Hudas not pay
» God knows Hudas does not pay
» Don’t get closed to me, get closed to God
» Don’t close to me, close to God



Para sa iba pang impormasyon, magbasa ng libro ni Bob Ong at maghalukay sa internet .