Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Sunday, June 28, 2009

HAPPY ANNIVERSARY DAMUHAN!!!

Happy Anniversary graphics


Ika-30 ng Hunyo tao'ng dalawampu't libo at walo nang bumulabog ang damuhan sa world wide web. Sino ba naman ang magkakaakala na isang taon na pala ang matuling lumipas? Isang taon na tayong magkakasama mga mahal ko'ng kadamo. Isang taon na kayong nagbabasa ng mga artikulo dito. Sa inyo mga mahal ko'ng mambabasa, maraming salamat sa inyong walang tigil na pagsuporta. Nandyan kayo malungkot man o masaya ang mga ipinopost na topic sa blog. Dahil dito, umasa kayong patuloy na mabubuhay ang damuhan sa internet. Maraming salamat uli.







Monday, June 15, 2009

Siya na ba ang Mahal Mo?

Pasensiya na kung malungkot na naman ang sulating ito. Kasalukuyan kasi akon'g naglalabas ng sama at hinanakit ng loob dahil sa mga suliraning dumadating sa akin. Isang awitin ang aking isinulat tungkol sa isang babae'ng minahal ko ng lubos ngunit mas piniling ihandog ang kanyang pag-ibig sa iba. 

______________________________________________________

Dati-rati'y madalas tayo'ng nagkikita,
Pinagsasaluhan mga lungkot at ligaya

Madalas namang namamasyal tayo'ng dalawa,
Habang mga puso nati'y punung-puno ng saya


Ngunit bakit ngayo'y may nakita ka nang iba
at pinagpalit mo ako sa isang katulad nya


Siya na ba ang mahal mo't bakit pinagpalit mo ko
sinaktan mo ang damdamin ko lalung-lalo na ang puso'ng ito
tunay nga bang siya na ba ang mahal mo giliw ko
paano na ang pag-ibig ko'ng alay lang sa iyo

Hindi man ako ang tunay na inibig mo
Parating umaasa'ng babalik ang pagtingin mo
Kahit hirap at nagdurugo ang puso't isip ko
Mananatiling ikaw pa rin ang iibigin ko

Ngunit nang makita kang mayroon ng iba
Ako'y lubos na nasasaktan, bakit ako'y iniwan pa

Siya na ba ang mahal mo't bakit pinagpalit mo ko
sinaktan mo ang damdamin ko lalung-lalo na ang puso'ng ito
tunay nga bang siya na ba ang mahal mo giliw ko
paano na ang pag-ibig ko'ng alay lang sa iyo


Sunday, June 7, 2009

Guni-guni (Hango sa tunay na buhay

Paalala: Sa ngayon, si Bino ay dumaranas ng isang napakalaking pagsubok sa kanyang buhay dahilan para hindi makapagsulat dito sa damuhan. Kaya't inihahandog muna niya ang isang kwento'ng isinulat ng isang reader ng blog na ito na ayaw magpabanggit sa tunay na pangalan. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.




"sabi nya SUPER CLOSE BESTFRIENDS daw kayo at namisinterpret lang daw ng mga tao sa paligid nyo ang closeness nyong dalawa."

"ahh...talaga"

"oo..tinanong ko nga kung minahal ka nya. ay pasensya na tensai, alam ko ayaw mo nang pinaguusapan ang past."

"LOL! ano ka ba! ok lang..sa tingin mo ba maiinis ako pag narinig ko sayo ang ayaw kong marinig..o sige..tapos?"

"a ok..sabi nya..MUNTIK lang daw. kase may mahal daw talaga syang iba nung time na yun."

Haha. ano daw? nabingi (technically nabulag!) ako matapos kong mabasa yung mga sinulat nya. hindi lang pala mga kaibigan ko ang nakamisinterpret ng closeness namin, mukhang ako din. for a moment, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. iniisip ko talaga kung guni guni ko lang ba lahat.

malamang.

siguro guni guni ko na minsan sinabihan nya ako ng, "mahal kita tensai, bakit kase ayaw mong maniwala? hindi ko naman hiniling na maramdaman ang nararamdaman ko dahil nga nasasaktan tuloy kita ngayon at maraming tao ang naaapektuhan."

Haha. tyak guni guni ko lang yun. guni guni ko lang din siguro na umiyak sya nung graduation namin dahil nasayang daw ang buong taon na hindi nya nalalaman ang nararamdaman ko.

malamang.

malamang din guni guni ko lang yung promises namin na aantayin namin ang isa't isa. tyak guni guni ko lang ang lahat.

"Huy! ok ka lang?" tanong ni baler.

"Huh? ok lang...asan na ulit yung kwento ko?"

"yung sinabi ni ema tungkol sa bf nya ngayon."

"ah! oo..ayun nga na may iba talaga syang mahal noon at bestfriends lang daw kami."

"gaga! at naniwala ka naman. malay mo sinabi lang nya yun para hindi na magtanong si ema. para wala nang away baka mag-ungkat pa e."

"ganun ba? alam naman nya na nagchachat kami ni ema di ba? hindi ba nya inisip na mababanggit ni ema sa akin yun?"

"ay nako! syempre past ka na..sya na ang bagong gf..iri-risk ba nya yung bago? syempre mas priority nya yung gf nya ngayon. look at the brighter side tensai..atleast ngayon wala ka nang reason para maghold on..ang only option e move on! tama?"




ano pa nga ba. e guni guni ko lang ata talaga ang gumagana!