Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Saturday, May 30, 2009

Bob Ong's Kapitan Sino


Sa wakas, matapos ang matagal na paghihintay ay napasaakin din ang pinakabago'ng libro ng nag-iisang Bob Ong: KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon. Mas matibay pa sa orig. Sa mas mahabang panahon. 

Tulad ng ibang libro ni BO (Bob Ong), sa kabila ng mga pagpapatawa ay napapaloob ang mga mabubuting aral na pasimple niyang ipinararating sa mga mambabasa. Sino nga ba si Kapitan Sino? Ano ang napala nya bilang isang superhero? May mga nagalit ba sa kanya? Hinangaan ba siya ng buong bayan? O ginamit lang para sa sariling kapakanan? Ang mga sagot ay inyo'ng malalaman kapag binasa nyo ang libro'ng ito. bili na mga kadamo!!! 175 pesos lang oh! Mura na, sulit pa!

To Bob Ong: hindi kita sisingilin para sa libreng advertisement na ito sa blog ko. Pangako. Hehehehe

Monday, May 18, 2009

Manong... Para!!!

Ambaho ng katabi ko sa jeep. Nakakahilo ang amoy niya. Mas pipiliin ko pang langhapin ang nilalabas na usok ng mga smoke-belchers sa EDSA kesa singhutin ang anghit niya.

At hindi lang yun: babae siya.

Mahaba ang buhok niya, pero parang ilang linggo nang hindi naliguan. May kaitiman ang kulay ng balat niya, parang champoradong OA sa gatas. Ayos lang naman eh, kahit na malagkit at naninikit na ang braso niya sa braso ko. Amoy pawis, usok at isa pang kabahuan na hindi ko maisip kung ano. Kahit gaano pa kabalis makipag-drag race, err... "magmaneho" ang driver ng jeep ay hindi pa rin maiwan iwan ang amoy niya. Mga dalawang kilometro palang mula sa pinagsakyan ko, hindi ko na natagalan. Bumaba rin ako ng jeep, at sumakay ng FX.

Marami akong kinakaasaran sa mundo ng pagco-commute. Naiinis ako kapag mahirap sumakay ng FX o jeep, kapag may amoy na hindi kaaya-aya ang nasakyan ko, kapag walang panukli ang nasakyan ko, kapag walang baryang panukli ang nasakyan ko, kapag hindi ako nasuklian ng nasakyan ko at kapag ilang libong taon na akong sumisigaw nga "PARA!" at hindi pa rin tumitigil ang nasakyan ko. Pero mas asar ako sa mga taong hindi ata alam ang salitang "PRIVACY".

Naranasan mo na ba na nasa isang lugar, sabihin na nating sa LRT (naks, purple line!), masaya kang nakikipagtext sa kaibigan mo nang mapansin mong si Manong Number 1- tawagin natin siyang si "MN1"- ay binabasa ang mga text mo. Hinayaan mo lang siya, pero makalipas ang ilang istasyon, nakikibasa parin at nakikitawa na siya! Aba! Close kayo?

Eh naranasan mo na ba na si Manong Number 2 (MN2) ay sobra naman ang bukaka sa jeep? Kulang na lang eh angkinin niya ang buong jeep sa upo niya... Upong sampung piso siya, samantalang ikaw, upong bentsingko.

Yung iba naman, si Manong Number 3 (MN3), mahilig ihampas sa mukha mo ang braso niya. Yung nakahawak si MN3 sa... sa... pasensiya na hindi ko maalala kung ano ang tawag, basta yung tubo na hawakan sa loob ng jeep. Doon nakahawak siya at sobrang extended ang braso niya na pati buhok ng kilikili niya nakadikit na sa ilong mo.

Hindi lang yan... marami pa. Mga bastos na nanghihipo ng pwet kapag pasakay ka o pababa, mga sumisigaw ng "hi miss!" sa kalsada, mga sobrang pawis at putik (hindi ko kasalanan!), mga tulo-laway habang padampi-dampi ang ulo nila sa balikat mo, mga OA sa dalang gamit na pati ikaw eh patungan na. Mga "pet peeves" kumbaga sa mundo ng mga commuter. At lahat yan, sanayan lang.

Pero ano nga ba ang gusto kong ikalat sa inyo? Ah, yung mabaho kong katabi. Mabaho talaga siya, kaamoy ng isang nationality. Nung nasa FX na ako, nahiya ako sa sarili ko. Sino nga ba ako para husgahan siya bilang isang tao gamit lamang ang amoy niya? Ano ba ang nalalaman ko tungkol sa kanya? Wala... kaya pasikreto na lang akong humingi ng tawad sa mga naisip ko habang katabi siya.

Sadyang mabilis ata ang karma. Pagbaba ko ng FX, may rumagasang jeep at natalsikan ako ng putik- mula ulo hanggang paa. Isa pa ito, pagcocommute habang umuulan... pero ibang kwento na yan.




credits to http://www.peyups.com/

Mukha ng Politika

"Nakakahiya, world bank pa ang nagexpose....." - Ping Lacson

"Sama-sama tayo! Hindi ko kayo pababayaan! Lalaban tayo!" - Mar Roxas

"Kapag may inaabuso, tutulungan ko hangga't kaya ko!" - Manny Villar

"Sa Makati, lolo't lola, todo todo ang benepisyo" - Jejomar Binay

1 taon bago ang eleksiyon, kanya-kanya'ng taktika na ang mga politiko na nag-aambisyong makuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa. May mga sumasakay ng pedicab, may mga tumutulong kuno sa mga OFW,  etsetera, etsetera. Trapong-trapo!!!

Sabagay, ano pa nga ba ang bago? Habang papalapit ng papalapit ang araw ng halalan ay unti-unti na silang magpaparamdam. Sa mga lokal na posisyon nga lang, mapapansin mo'ng biglang magsusulputan ang mga streamer ng mga politiko. Halimbawa na lang ay nitong nakaraang Marso at Abril na buwan ng pagtatapos ng mga mag-aaral. Nag-uulanan ng mga medal para sa mga honor students. At sa likod ng bawat medalya ay ang mensaheng: "Donated by Konsehal Bayumbong". At sa mga gate ng bawat paaralan ay nakapaskil ang mga banners na "Maligayang Pagtatapos (maliliit na letra) mula kay Mayor Bogart Cubungbong (super laking mga letra).

Bakit ko nga ba sinusulat to? Para magreklamo? Para sabihing walang patutunguhan ang ating mga boto dahil kumbaga sa ulam, iba't ibang putahe pero iisa lang ang lasa? Mali!!!

Sinulat ko ang artikulong ito para iparating sa bawat Pilipino na hindi lang sa mga politiko nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa kundi sa ating lahat. Kahit sinong kandidato ang mailuklok natin sa posisyon, kung hindi naman nagkakaisa ang ating bayan, panigurado'ng mauulit lamang ang mga kabalbalan at tiyak na hindi tayo aasenso. 

Bayanihan ang tunay na kailangan ng ating bayan. Pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak. Isang taon mula ngayon, panibago'ng mukha ng pangulo ang ating masasaksihan. Bago'ng pinuno na haharap sa mga lumang problema ng ating bayan. Magkaisa tayo at isantabi ang mga sariling kapakanan. Sa mga politiko, wag maging gahaman sa kapangyarihan. Sa mga botante at simpleng sibilyan, nararapat lamang na tayo'y makialam para sa ating bansang sinilangan. 

Adios!




Monday, May 11, 2009

Tips para di Antukin sa Jeep

Ako ang tao'ng madalas makatulog tuwing bumabyahe sakay ang jeep. Sa tuwing sasakay ako sa nasabi'ng sasakyan patungo sa aking destinasyon mula Alabang, Asahan mo'ng muli ako'ng dadalawin ng antok at unti-unting makakatulog. Kaya naman nag-isip ako (kunyari!) ng mga paraan para malabanan ang antok at hindi makatulog sa biyahe.




1. Tumingin sa mga naglalakihan billboards at signs. Nakakaaliw pagmasdana ng mga larawan nila Anne Curtis, Angel Locsin at iba pang celebrity na nag-eendorso ng mga produkto ng alak, magazine, sabon at iba pa.




2. Magbasa ng paborito mo'ng libro. Ang tip na ito ay para lamang sa magaling magpokus ng kanilang atensiyon sa kabila ng likot ng mga katabi sa sasakyan.




3. Makinig ng musika. Rekomendadong makinig ng mga awiting maingay sa tainga kesa sa mga love songs para tuluyan kang magising sa biyahe.




4. Pumuwesto sa dulo ng jeepney. Sa tuwing may humps na dadaanan, sigurado'ng mararamdaman mo ang talbog ng sasakya na siyang magiging dahilan para di ka antukin. Siguraduhin lang na di ka mauumpog sa bubong ng jeep.




5. Kung ayaw mo sa dulo ng jeepney, sa tabi ka ng driver's seat umupo. Pag showbiz pa ang driver, meron ka pang makakausap at makakadaupang palad. Mag-ingat kung isa kan'g babae dahil baka mamanyak ka ng isang manyak na driver.




6. Magtext o Maglaro ng games gamit ang iyong cellphone. Makakatulong ito para ikaw ay malibang at hindi antukin. Mag-ingat lamang sa mga mandurukot. Mas mainam kung nokia 5110 ang dalhin para di na mapaginteresan ng mga masasamang loob. May laro din naman ito: snake!


7.Makinig sa mga iba't ibang kwento ng mga pasahero. Maaaliw ka sa usapan ng dalawang kolehiyala, mga aleng nagtitinda sa palengke at mga tao'ng sumisigaw habang kausap sa telepono ang kanilang mahal sa buhay. Iwasan lamang ang pagkokomento para di ka mapahamak.




Ilan lamang yan sa mga paraan para malabanan ang antok. Saka na ko magpopost uli, antok na ko eh.




Adios!







Thursday, May 7, 2009

Alcoholic???

"Boss, isang strong ice!"




15 minutes later....




"Boss 3 light! (san mig light)





20 minutes later..


"Boss 4 Red horse!"


8 bote ng beer ang aking nainom nang minsan ako'ng gumimmick matapos ang nakakapagod na trabaho. Di ko alintana ang pag-gising kinabukasan para pumasok sa opisina. Katwiran ko, konti'ng tulog lang may lakas na naman ako para sa isang bagong umaga.


Noo'ng una, ginagawa ko ito para lang magpalipas ng oras. Minsan sa isang linggo lang ako nagpupunta ng Gilligans, Gerry's Grill, Dencio's atbp. Paborito ko'ng pulutan ang crispy pata. Ang isang order nito'y lagi ko'ng nauubos kasabay ng pagtungga ng nagyeyelong San Mig Light, ang aking paboriton'g beer. Ngunit unti-unti nang napansin ng aking mga katrabaho na napapadalas ang pag-inom ko. Pumapasok ako sa trabaho na laging inaantok tuwing umaga at tuwing tatanungin ako kung ano'ng ginawa ko kagabi, ang sagot ko, "uminom ako kagabi eh".

Alcoholic. Ganyan daw ako sabi nila. Siyempre, ang sagot ko:

"I'm not an alcoholic! I just love to drink... and have fun!"


Denial stage daw to. Itinatanggi ko pa daw na nalulunod na ng alak ang aking buo'ng sistema. Ano nga ba para sa akin ang ibig sabihin ng pagiging alcoholic? Anu-ano nga ba ang mga sintomas nito? Totoo nga bang alcoholic na ko?


Itutuloy....









Monday, May 4, 2009

Recycled Food

Patalatas: Una sa lahat, malugod ko'ng binabati ang ating Pambansan'g Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang pagwawagi sa kanyang laban kay Ricky Hatton. Saludo kami sa yo Pacman!

Back to regular programming

Alas-otso ng gabi. Oras ng hapunan. Nagluto ang aking nag-iisang kasambahay na si Rose ng pritong Galunggong. (Fact: paborito'ng isda ko ang galunggong na mas kilala sa tawag na "GIGI").  Masaya kami'ng nagsalo sa hapag-kainan. Sarap na sarap sa pritong isda na isinasawsaw sa kamatis at may kasama pang side dish na itlog na pula. Solb ang dinner!

Kinabukasan. Alas-sais ng umaga. Ang natirang kaning lamig, naging instant fried rice o sinangag. Pagdating ng tanghalian, ang mga natirang galunggong, hinimay at isinahog sa ginisang munggo. Muli, solb ang lunch!

Hindi na bago sa akin ang pagrerecycle ng mga tirang ulam. Sa kahirapan ng buhay, hindi na magiging maganda ang maging impraktikal. Natutunan ko ang tinatawag na "Recycled Food" mula sa aking mga tito't tita. Noo'ng mga panaho'ng nagtitinda kami sa mga kantina (canteen) ng mga paaralan, nasaksihan ko ang mga hokuspokus sa mga pagkain. Halimbawa na lang, nagluto ng bananacue ang tita ko. Sa kasamaang palad, mabibiling sa mga daliri sa kanang kamay ang mga bumili. Ang ginawa niya, inalis nya ang mga saging sa stick at binalot sa lumpia wrapper. Instant turon! Ayun, ubos ang tinda nya! 

Maging ang noodles ng spaghetti na di na nalagyan ng sauce, ibinili nya ng repolyo, patatas, at gatas at ginawang sopas.

Minsan ko na ring pinagaralan ang pagrerecycle ng mga tirang ulam kapag wala si Rose (may day-off din ang tao!)  sa bahay at kami lang ni Micah ang naiiwan. Pero kadalasa'y hindi nagiging successful ang pageeksperimento ko. Kaya ang recycled food na aking nilikha, mga aso ang nakikinabang.  May alam ako sa pagluluto pero sobrang hina ng utak ko sa pagrerecycle. Ang naaalala ko lang na matinong recycled food ay ang oriental fried rice mula sa kaning lamig, natirang luncheon meat at green peas. Basta ang importante ay maisip kung paano pahahabain ang buhay ng mga tirang pagkain.

Hindi masamang ideya  lalo na sa panahong hirap ang pagkita ng pera para makabili ng kakainin sa araw-araw. 

Adios!