Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, April 27, 2009

UPDATE UPDATE UPDATE

Matapos ang bakasyon, muli ako'ng nagbabalik para sa isa namang walang kabuluhang mga bagay-bagay. Ano nga ba mga nangyari sa akin habang wala sa damuhan? 

Unang update.

Nag-enjoy ako sa Hongkong kahit na nagtagal lang ako doon ng 2 araw. Kinailangan ko'ng bumalik sa Pinas dahil sa aking trabaho. Ganunpaman, masaya ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko'ng muli si Donald Duck. Napanood ko rin ang High School Musical Show doon.

Pangalawa.

Moving forward ang drama ko ngayon. Kailangang magmove on matapos magkaroon ng boyfriend ang babae'ng never naging akin. Masakit. Kumikirot ngunit kailangan magpagaling ng puso ko'ng sugatan. 

Pangatlo.

Overnight stay sa bahay ng aking kaibigan sa Pateros. Napatunayan ko'ng di nila ako iiwan. Magkakasama di lang sa saya kundi pati sa hirap at mga pagsubok sa buhay.

Pang-apat.

Ang paycheck mula sa google ad sense ay dumating na kanina lang na naglalaman ng $1,500. Pero siyempre yun ay kita sa isa ko pang blog na di ko pwedeng banggitin dahil naglalaman iyon ng maseselang topic na di angkop sa mga batang mambabasa.

Pang-lima.

Napatunayan ko'ng masyadong maiksi ang buhay para magmukmok. Sa kabila ng mga malulungkot na bagay, mas mabuti kung di mawawalan ng pag-asa. Sabi nga ni Santino, Magtiwala lang tayo kay Bro! 

Adios!




Thursday, April 23, 2009

TOP 10 PINOY EXPAT / OFW BLOG AWARD 2009

PATALASTAS: Ang kaibigang blogger na si thoughts ko to ay muling binubuksan ang patimpalak na Top 10 pinoy Expat / OFW Blog Award o PEBA. Bilang suporta, narito ang artikulo tungkol sa nasabing patimpalak:






Any successful endeavor is worth repeating and much more sustained. Especially when it touches and inspires the lives of the people for whom it dedicate its toils, pain, and achievements. Such are the motivations for which the 2009 Top 10 Pinoy Expat/OFW Blog Award (PEBA) is once again being launched online. Wikipedia mention of PEBA here.



In its second year, PEBA will recognize Pinoy Expats and OFWs bloggers making a difference in their lives, workplace, community, the Philippines and the world in general.


This year the theme is


“Filipinos Abroad – Hope of the Nation, Gift to the World”.


Cognizant and directly affected by the brunt of global financial crisis, Filipinos continue to anchor their hope and trust to their family members abroad as herald of better news and good tidings. Thus, reinforcing the OFWs and Filipino expats role and image as new heroes and saviors.
PEBA also recognizes that Filipinos wherever they are, be it land-based, sea-based or air-based as the case maybe, are shining examples of dedication, diligence, and excellence in almost anything they do. It is not uncommon for them to be praised as assets to companies and organizations contributing to the social and economic well being of their host country. PEBA considers the more than 12m overseas Filipinos scattered abroad as gifts to make this world a better place to live.


The award which started last year had a very simple objective. It was created to award bloggers who infuses enthusiasm and inspiration for others to do good and be hopeful in this world of hopelessness. Filipino expats and OFWs with their talents, means, resources and blogs unfailingly served as voice and beacon of hope. Ten top bloggers were identified from around the globe such as the Americas, Europe, Africa and Middle East, and Asia and the Pacific, who, up until these days continue to blog and their commitment re-ignited in contributing change through their own little ways.


So for this year with the valuable help of numerous individuals from around the globe, the search is on again. Filipino bloggers and netizens are invited to recognize Pinoy Expats/OFW who tireless blog in making the blogosphere a better space and place for exchange, discussion, and service of the Filipinos and the citizens of the world alike. It is worth knowing and learning those stories of Filipinos overcoming difficulties and challenges. Although it is a reality that not everyone is successful but still their stories are way for others to gain insight from their life lessons and experiences.


From May to October 2009 any Filipino blogger can nominate or be nominated except for last year’s top 10 PEBA awardees. Guidelines are available from its official blogsite (click here). By December 2009 winners will be announced in a public event in the Philippines whose details are still being prepared and ironed out. Sponsors, supporters and volunteers are very much welcome to make this endeavor a success.
Be part of another historic event of Pinoy Expats and OFWs!

Monday, April 20, 2009

Isang Joke

"Alam mo bino, nakakatawa ka talaga! Wahahahahaha."


"Oi! Manyak! Ayan ka naman!"


"Yun oh! si bino boy oh! dumidiskarte na naman! Wahahaaha"


Sa mata nila, para lang ako'ng unggoy sa perya. Kinatutuwaan, pinagtatawanan. Mapagbiro.Yan lang at wala nang iba. Hindi sineseryoso. Lahat na lang daw dinadaan ko sa biro.


Non-sense.


Corny.


Loser!


Bakit ba ganun? Hindi na ba pwedeng magseryoso ang palabirong tulad ko?May mga oras naman o sandali na hindi lahat ay nagpapatawa ako. Hindi naman ako clown.Magseryoso lang ng konti,akala galit na ko. Hindi sila sanay na makita ako'ng nagserseryoso. Dahil para sa karamihan, isa lang akong malaking JOKE.


Sa blog na ito, nailalabas ko ang aking saloobin. Masaya man o malungkot, nakakatawa man o nakakatakot, wala ako'ng pakialam. Dahil dito, ako ang nasusunod. Sa mata ng aking mga mambabasa, mas nakikilala nila kung sino si Bino. Pero sa mata ng aking mga nakakasalamuha sa araw-araw, ang kanilang nakikita ay isang payaso na kaya lang ipinanganak sa mundo ay upang patawanin sila. Pero kahit ang payaso ay nalulungkot din. Nasasaktan at nahihirapan.


Sa likod ng mga jokes at pinturang nakapinta ng isang payason'g tulad ko, ay ang isang nilalang na umaasang seryosohin ng lipunan at pakinggan ang kanyang mga saloobin na hindi tinatawanan.


Hindi lang ako JOKE!.


AKO SI BINO.




Friday, April 17, 2009

Si Tootsieroll (Ang Pagpapatuloy)

Hindi naging madali ang magsabi ng nararamdaman kay Tootsieroll. Ang dami'ng mga bagay ang humadlang para masabi ko ang lihim na pagtingin sa kanya. Maraming nagkakagusto na di hamak na may hitsura kesa sa akin.

Madalas ko'ng daanin sa biro at pagpapahaging ang aking nararamdaman. Bagay na talaga namang di sineseryoso ng karamihan.

Wala man ako'ng karapatan, di ko napigilan ang sarili ko na magselos sa tuwing mayroong lalaking kumakausap kay Tootsieroll. Magiging ipokrito ako kung sasabihin ko'ng hindi ko pinagselosan kahit mga kaibigan ko. Isa to sa mga problema ko, ang pagiging sobrang seloso. Ganunpaman, masaya pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya araw-araw pagpasok ng opisina. Naging inspirasyon ko siya para mapagbuti ang aking trabaho.

Ilang buwan ang matuling lumipas at nagpasya siyang mag-resign sa trabaho para tapusin ang kanyang pag-aaral.


Ilang araw bago pumatak ang huling araw nya sa trabaho, di ko na napigilan ang sarili ko na malungkot. Ni wala rin ako'ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Kaya naman dinaan ko na lang sa friendster at facebook ang aking saloobin.



Ilang araw na lang at iiwan m na ang kmpanya kng san tau nagkakilala.
Iiwan m na ang mga taong nagng malapit sa puso m.
Iiwan m na ko.
Ilang araw na dn akng d mkapagtrbho ng maayos. Binubulabog ako ng iyong pagalis. Masakit para sa akn ang mawala ka kht alam kng para iyon sa ikakabti m.
Madalas man akng nagng palabiro at maloko na kadalasay nagiging dahlan kng bkt ako hndi cneseryoso ng ibang tao, naway malaman m na sa kbila ng mga birong gngawa k ay nagtatago ang isang taong humahanga at nagmamahal sa yo.
Sa maikling panahn na pnagsamahan natin kbilang na ang knting "turon moments", nais kng malaman m na pnasaya m aq sa mga sandaling un.
Wala aqng pakialam sa sasbhn ng iba. Ang mahalaga ay malaman m ang sinasaloob k.
Sa iyong pagalis, baunin m ang akng pagmamahal na walang halong biro at pagiimbot.
Salamat muli. Mahal na mahal kta.

itutuloy.... (o baka hindi na)







Sunday, April 12, 2009

Si Tootsieroll

Disyembre 2008

Ilang linggo bago magpasko, nagpasya kaming magkakatrabaho na magkaroon ng exchange gift sa darating na kapaskuhan. Dahil nagtatrabaho kami sa call center (take note: non-voiced kami! morning shift pa yahoooooo!!!!) mayroong kaming pasok sa araw ng pasko. Kanya-kanyang isip ng magiging alias ang bawat isa. Mga ilang sandali pa'y nagbunutan na ng mga monito't monita.

"Bino, ano'ng pangalan ang nabunot mo?" tanong ni Lei, dati ko'ng kaopisina sa aking pinapasukang call center. (nasa Tate na siya ngayon).


"Tootsieroll ang name ng Monita ko." tugon ko.

"Ahh! Ano kayang wish nya para sa exchange gift?" muli niyang usisa.


"Abangan na lang natin bukas." pananapos ko sa usapan.


Kinabukasan



"Yun na ung wish list, nakapost na!" sabi ni Lei.


Mabusisi naming tiningnan ang listahan para mahanap kung ano ang wish ng aking nabunot na pangalan:

THE LITTLE PRINCE by (hirap itype ng name ng author) / STARBUCKS MUG PINK CUSTOMIZABLE


Unang sulyap ko pa lang sa kanyang wishlist ay nakaramdam ako ng pagkainis. Detalyado ang mug na kanyang hinihingi. At ang libro, madali namang hanapin pero napansin ko'ng iba ang pangalan ng author na nasa listahan.

Halos lahat ng sangay ng Starbucks ay hinanapan ko ng mug na pink na customizable pero ako'y nabigo. Di naglao'y bumili na lang ako ng mug sa nasabing tindahan ng kape pero ibang kulay at di yata customizable.


Araw ng Pasko

Nagsabihan na ng mga alias ang bawat isa. Doon ko nalaman ang tunay na katauhan ni tootsie roll. Isang binibining maganda, mabait at may postura. Noon di'y agad ako'ng humingi ng paumanhin dahil di ko nasunod ang kanyang wish. Nagkataon din palang magkasing kaarawan sila ng ating Panginoong Hesus.


Haaaayyyyyyyy.


Para ako'ng pinana ni kupido. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may iba ako'ng naramdaman. Sing-lakas ng mga tambol ang kabog ng aking dibdib. Daig ko pa ang isang anghel na lumilipad sa langit nung una ko siyang nakilala.

At ang unang pumasok sa isip ko: Wow! bakit di ko siya kagad napansin?



itutuloy....



Monday, April 6, 2009

ANG TALKIES

"Promise, dadalhin ko bukas yung flashdrive." sabi ng supervisor sa isang call center agent.

"OK!" sagot naman ng agent.


teka nga, maitext nga si TL bukas, alam ko makakalimutin yun eh. ang nasa isip ng agent.


Alas kuwatro ng umaga kinabukasan, pagkagising ay agad hinagilap ng agent ang kanyang cellphone at tinext ang kanyang supervisor.


TL, REMIND lang kita sa flash drive. pakidala. thanks


Message sent!


Pagdating ni call center agent sa opisina ay napansin niyang wala pa ang TL niya.


Nagsisimula na siyang magtrabaho ng dumating iyon.


"TL dala mo yung flash drive?" tanong ni call center agent.


"Hindi eh. sa Tuesday promise talaga." sagot ng TL.


"ok" sagot ni call center agent.


TALKIES.


TALKIES....


TALKIES....



Mga tao'ng puro salita lamang at kulang sa gawa. Mahilig mangako pero di tinutupad. Madalas magcommit sa isang bagay pero di nagagawa. Mga drawing. Mga indiyanero.

Nagmula ang salitang TALKIES sa aking mga kaopisina (segway: magaling magpauso ng mga salita ang aking mga officemates.) matapos din nilang pausuhin ang mga salitang Biyahe, papacool, notches (adult word) atbp. Pero mabalik tayo sa usapan at baka maligaw na tayo. Isa pa, tama na ang exposure nila dito sa blog ko.

Hindi ko malaman kung bakit may mga nilalang na ipinanganak para maging dakilang Talkies. Ang sa akin lang, hindi ba't sumasalamin din ito sa kanilang pagkatao? Nawawala ang kredibilidad nila bilang isang indibidwal dahil sa hindi nila pagtupad sa mga tasks o commitments.

Oo, minsan dinadaan na lang sa tawa ang pagiging makalimutin ng isang tao sa kanyang mga pangako. Pero hindi ba nila naiisip na nawawalan din ng tiwala ang mga tao'ng kanyang pinangakuan dahil sa bad attitude na ito? Hindi malayong dumating ang panahon na wala ng maniniwala sa mga tao'ng ito.

Ang payo ko lang, kung hindi mo talaga kaya, wag ka nang magsalita at mangako dahil hindi lang ikaw ang mapapahiya kundi pati na rin ang tao'ng nagtiwala sa pangako mo.

Kaya sa mga nagbabalak maging Talkies, wag o nang pangarapin pa.


Adios!!!