Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Wednesday, January 21, 2009

Kalaro

Andyan ka naman. Gusto mo na naman ba'ng makipaglaro? Teka muna. Pag-iisipan ko. Pinagtatawanana kasi ako ng ibang tao kapag kausap kita. Nababaliw na naman daw ako. Kung sinu-sino na naman daw kasi ang pinagkakausap ko. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng mga tao ay ikaw pa ang napili ko'ng kausapin. Eh ano pa nga ba ang magagawa ko eh ikaw lang naman ang nakakaintindi sa lahat ng mga problema ko. Ikaw lang at wala nang iba.


Mula pagkabata, hindi mo na ko iniwan. Parati kang nandyan sa saya man o sa oras ng kalungkutan. Naaalala mo pa ba nung pinagalitan ako ng teacher ko nung grade 1 dahil hindi ako nakagawa ng assignment ko sa math? Gustuhin ko mang sagutin si ma'am eh hindi ko naman magawa. Pero ikaw ang galit na galit. Sinabi mo pa nga sakin na tusukin ko ng ballpen sa mata ang guro ko ng matauhan. Pero nakinig ka pa rin sa akin ng paliwanagan kita'ng masama yun. Yan ang gusto ko sa yo eh! Kahit galit na galit ka na, basta sabihin ko'ng relax lang, tumatalima ka naman.

Tandang-tanda ko pa rin ang araw nung grumaduate ako ng elementarya. Ang aking mahal na pamilya, hindi man lang sumipot. Wala man lang ni isa na naglakas-loob na panoorin ako'ng magmartsa at abutin ang aking diploma. Tanging kapitbahay ko nga lang ang nagsabit ng medalya sa kin. Ewan ko ba sa kanila! Hindi yata nila matanggap na hindi ako grumaduate na valedictorian eh. Eh ano namang magagawa ko diba? Hanggang dun lang ang kaya ng utak ko eh.

Akala ko magbabago ang tingin nila sa kin ng tumuntong ako sa kolehiyo. Ginawa ko naman ang lahat, pero di ko pa rin naabot ang mga expectations nila. Wala eh. Mapurol daw ang utak ko. Ba't ba naman daw hidi ako tumulad sa mga kapatid ko. Puro na lang sila! Wala na ako'ng ginawang mabuti sa pamilya!

Pero ikaw, lahat ng pinagdaanan ko, nakita mo. At taliwas sa mga saloobin ng maraming tao tungkol sa akin, ikaw ang tuwang tuwa sa mga achievements ko. Ikaw lang ang nagparamdam sa kin na importante ako. Lahat nga ng trip ko, pinatulan mo eh! Astig!!!! Hanggang sa paghahanap ko ng trabaho, sinamahan mo pa ko! Buti nga hindi nakahalata ang interviewer na kinocoach mo ko sa pagsagot ng mga questions nya. Ang galing diba?

O yan, napagisipan ko na kung makikipalaro ako sa yo. At xempre ano ba sa tingin mo ang isasagot ko? Matatanggihan ko ba naman ang kaisa-isang nilalang na umuunawa sa kin. Tara na, laro na tayo. Pero pasimple ka lang ah. Baka mapansin na naman nila ako at pagtawanan. Magpakita ka na kasi sa kanila!




Saturday, January 17, 2009

WARNING: Dangerous To Read. Nakababaliw

Ito ay isang lathalain na ipinadala sa damuhan.contributions@gmail.com ng isang blogger na nagngangalang Kris Delos Santos a.k.a Lunatic. Bisitahin ang kanyang blog sa http://insomnialuna.blogspot.com/.


WARNING: Dangerous To Read. Nakababaliw


“ Kasi baliw ka.”
“What do you mean?”
“Weird, ganon.”
“Natatakot ka na ba sa akin?”
“To be honest with you,oo.”
“…., gusto mo na akong iwan?”
“Siguro.”
*


Siguro. Siguro tama na rin para iwan s’ya. Siguro tama na rin ang sangkaterbang breakups. Ilang beses na rin naman naming sinubukan. Ilang beses nagkapatawaran. Pero siguro hanggang dito na lang. Mahal pa namin ang isa’t isa. Pero siguro may mga bagay na kailangan talaga ng ending. Pareho na kasi kaming nagkakasakitan. Hindi na healthy. At siguro tama s’ya, baliw ako. Baliw ako. Kaya gusto n’ya akong iwan. Baliw ako. Kaya gusto ko na rin s’yang iwan. Palayain. Siguro.


*
“Kasi baliw ka.” Paulit-ulit ang mga katagang yon sa isipan ko habang lumalagok ng nagyeyelong red horse beer kagabi. Natawa ako. Naiyak. “ Kasi baliw ka.” Paulit-ulit. Hanggang sa hinele ako nito sa mahabang panaginip habang akap-akap ang kanyang puting blouse na kanyang sinuot noong huli kaming nagkita. Mahigpit kong akap-akap iyon habang inaalala ang mga maiinit na sandaling kapiling s’ya.
Baliw ba ang tawag do’n?
*


Noong bata pa ako may mga bagay akong ginagawa na pati ako ay di ko maintindihan kung bakit. Akala ko normal lang ang mga yon, pero nang minsang ikuwento ko iyon sa aking pinsan na lumuwa ang mga mga mata sa aking mga sinasabi, alam kong nalalayo ang ugali’t ginagawa ko kumpara sa iba.


Natatandaan ko pa, mahilig ako noon magtago sa loob ng isang cabinet. Ginagawa ko iyon tuwing naglalaro kami ng taguan sa buwan. Madalas, ay dahil sa pagkakasala. Minsan pag may naririnig akong mga di pangkaraniwan na boses, at nakakakita ng mga anino. Mainit sa loob. Tumatagaktak ang pawis ko. Abot-hininga. Pero ewan ko ba kung bakit nanatili pa rin akong nakangiti. Siguro ay dahil sa masikip at madilim na taguan lang ako ligtas.


Mahilig din akong saktan ang sarili ko noon, at hanggang ngayon pero di na madalas tulad ng dati. Madalas kong hinahampas ang sarili ko ng isang ruler o ng kahit anong stick. Madalas ay dahil sa kasalanan kong nagawa. Minsan naman ay dahil nakasanayan na ng aking isipan at katawan. Malalakas na hampas na nagtatagal sa mapayat kong mga braso’t hita. Paulit-ulit yon hanggang di ko nakikitang namumula ang aking balat. Pero ewan ko ba kung bakit di ko maramdaman ang sakit. Di ako makaramdam kahit kaunting sakit. Pero patuloy ang pagbuhos ng luha ko.


Isa pang naaalala ko na madalas ko ring ginagawa na di ako nabibigong patawanin sa tuwing naiisip ko ay ang mga panahong ginugupit ko noon ang aking mga damit sa tuwing masama ang loob ko at galit ako. Sa kanila. Lalong higit sa aking sarili. Natatawa ako dahil ang pinipili kong gupitin at sira-sirain ay iyong mga damit kong luma na at posibleng di na magagamit pa. At sa oras na pira-piraso na ang kawawa kong mga damit, itatago ko ang mga yon sa mga lugar na di mapapansin ng aming taga-linis.


At dahil sa mahilig ako sa mga pelikulang malulungkot ang tema at laging namamatay ang bida, sinusubukan ko rin na maranasan kung ano nga ba ang pakiramdam ng isang naghihinalo’t malapit nang magpaalam sa mundo. Susubukan kong di huminga noon habang susubukan ding bumilang mula isa hanggang isang daan. One…two…. Forty-two…. Forty….. Saklolo! Nakakatakot pa lang maramdaman na parang di na tumitibok ang puso mo. Baka maihip ako ng hangin at tuluyan nang makalimot na huminga.


At oo ginagawa ko rin ang pinaka-classic sa lahat, yung maglaslas ng pulso. Ginagawa ko iyon sa pamamagitan ng isang blade o kahit pa yung ginagamit sa panlinis ng kuko. Bakit ko ginagawa? Dahil gusto ko. At gusto ko. Sa una, masarap. Sa kalagitnaan, masakit. Nakakatakot na sa huli. Di na baleng makakita ng dugo ng iba.
Baliw bang matatawag ang mga yun?


*
Mula nang makilala kita, tumino naman ako sa paraang gusto ko, sa paraang alam kong magugustuhan mo. Mula nang makilala kita, sa’yo na umikot ang buong mundo ko. Lahat ng musika parang tumutukoy sa’yo. Sa atin. Lahat ng mga tula. Parang pwedeng ialay sa’yo. Sa atin.


Marami tayong binuong pangarap. Sabi ko pa nga sa’yo no’n, lahat ng mga imposible, gagawin nating posible. Humanga ka sa akin no’n. Sabi ko pa, sa’yo ko lang natuklasan ang hiwaga ng tunay na pag-ibig. Sabi mo sa akin, iba ako sa lahat ng mga nagmahal sa’yo. Ako ang pinaka. Ako ang higit sa lahat.


Sabi ko pa sa’yo no’n, dumating man ang oras ko, ikaw pa rin ang patuloy kong mamahalin hanggang sa kabilang buhay. Dahil nararamdaman ko na ikaw lang ang nakatakda para sa akin. At isang ngiti lang ang naitugon mo do’n.
Sa’yo ko natagpuan ang sarili ko, ang tunay na kaligayahan. Masaya ka sa akin diba? Pinaniwalaan kita. Pinaniwalaan natin ang isa’t isa.


Di pa pala sapat yon.


Ang malaman na takot sa’yo ang kaisa-isahang taong pinakamamahal at pinaka-iingatan mo, ay sapat na upang wakasan ang ugnayan mo sa kanya.


Wala akong ibang inisip at pinangarap kundi ang pasiyahin ka. Kung baliw man ako sa paningin ng iba, at kung baliw man ako sa iyong pandama, iyon ay dahil mahal na mahal kita. Ngunit kung ang kabaliwang ito ang magiging sanhi ng pagkatakot mo sa akin, at magiging sanhi ng unti-unting pagbabago mo sa akin, walang ibang nararapat na gawin kundi ang limutin natin ang isa’t isa. Masakit. Pero sa bandang huli, sa tuwing naiisip ko na magiging masaya ka sa isang taong di tulad ko, kahit paano, magiging maligaya na rin ako.
Ilang taon pa siguro ang bibilangin bago ko matanggap na wala ka na sa akin, na wala na ang mga pangarap na parang kailan lang natin ipinanalangin at ipinaubaya sa mga ulap.
Ilang taon ko rin sigurong aakapin sa aking pagtulog ang puting blouse na sinuot mo noong huli tayong nagkita.


Di ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ako tatangayin at lulunurin ng kabaliwang ito.
Siguro habambuhay.
At siguro rin hanggang sa kabilang buhay.

-insomniac05(1-12-09)








Sunday, January 11, 2009

Mga Inspirasyon

Maraming nagtatanong (mga tatlo sila) kung anu-anong libro ba daw ba ang nagiging inspirasyon ko sa pagsulat ko dito sa blog. Niinspire ba daw ba ako sa mga author na tulad nila Nicholas Sparks (The Notebook, Nights in Rodanthe, The Choice), Stephenie Meyer (Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn, Midnight Sun) Paulo Coelho (The Valkyrie, Eleven Minutes, Like the Flowing River) o ni Mitch Albom (Tuesdays with Morrie, For One More Day). Ang sabi ko naman, binabasa ko ang mga likha ng mga nabanggit na akda ngunit kung meron man ako'ng mga idol pagdating sa mga humor topics, walang iba kundi ang mga librong ito:


ABNKKBSNPLAKo?! Ang unang libro ni Bog Ong. Ang libro'ng ito ay sumasalamin sa mga ups and downs ng isang buhay estudyante. Nararapat lamang na basahin ng mga estudyanteng nagkukuli na mag-aral.


Ang librong McArthur na likha pa rin ni Bob Ong ay tungkol sa magkakabarkada na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagamat naging mga sabog, nanatili pa rin ang pagiging magkakaibigan nila sa isa't isa. Sa librong ito, di pa rin nawala ang humor ni Bob Ong pero nagustuhan ko ito dahil sa magandang mensahe na gustong sabihin ng libro. At ang mensaheng iyon ay malalaman nyo lang pag binasa nyo ang librong ito.

Libro'ng lika ng aking katukayo na si Vlad Bautista Gonzales. Mga kwentong barbero. Akala mo seryoso pero sa bandang huli, joke lang pala. Bagamat hindi ito kasing ganda ng mga unang librong nabanggit, masasabi ko'ng mahusay pa rin ang pagkakasulat dahil sa mayroon siyang sariling istilo.

Peksman (Mamatay ka Man) Nagsisinungaling ako. Sabi ng ilan, may pagka-bob ong daw ang istilo ng pagsulat nya. Ang aking opinyon naman, kailangan mo'ng magkalikot ng utak paminsan minsan. Di katulad ni BO na may pagkamasa, ang librong ito ay puno ng hangups. Pero ganun pa man, nagustuhan ko ito dahil sa ganoong atake.



Ilan lamang yan sa mga libro na naing inspirasyon ko para simulan ang blog na ito. Marami pang magagandang aklat ang hindi pa sa ngayon napapansin ng publiko. Hangad ko'ng maging masigla ang industriya ng mga libro nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga gusto'ng magpublish ng kanilang libro na makilala







Sunday, January 4, 2009

Prediksiyon sa 2009

Paunawa: Ang mga sumusunod na prediksyon ay nagmula sa bulaang propeta na nagngangalang Madam Lukring.

2009. Maraming mga bagay-bagay ang mangyayari ngayong taong ito. Sa pagbukas ng aking mga mata ay agad ko'ng nasilayan ang pinaghalong liwanang at dilim. Narito ang aking mga nakikita'ng maaring mangyari sa taong ito.

TRABAHO


Maraming papasok sa call center na mga housemaids matapos maging inspirasyon si Inday, ang inggleserang katulong. Pero ilan lang silang matatanggap

Hihina lalo ang electronics na magiging sanhi ng malawakang brownout kaya lalakas uli ito.

Papasukin na rin ng mga politiko ang mundo ng pagbablog para sa extra income.


Libu-libong tao ang mawawalan ng trabaho kapag natapos ang mga teleseryeng ipinapalabas ng mga tv stations.


BLOGGERS:



Isang blog ang hindi na magtatagal sa mundo ng blogosphere dahil manonosebleed ang mga readers sa banyagang salita'ng kanyang ilalathala.

Isang bagong layang blogger ang tataas ang google page rank. Mula 0 magiging page rank 3 ito.


Isang blogista ang isang taon'g hindi maliligo dahil mawawalan ng tubig sa kanilang lugar. Magiging sanhi ito para langawin ang kanyang blog.



SHOWBIZ

Magkakaroon ng bagong teleserye si Karylle sa ABS-CBN at ang magiging title ay MARICAR.


Patuloy na magkakaroon ng eskandalo si Marian Rivera. Pinapayuhan ang nasabing artista na magsuot ng mahigpit na bra para di na maulit ang nangyari'ng eskandalo sa SOP.

Mapagsasama si Marian Rivera at Anne Curtis sa isang napakalaking teleserye. Ang magiging title: DYOSABEL.


Muling magkakaroon ng pelikula sina Vic Sotto at Dolphy matapos ang matagumpay nilang pelikulang DOBOL TROBOL. Ang magiging title ng kanilang bagong pelikula: DOBOL BUKOL

Isa na namang sequel ng pelikula ni Aiai Delas Alas ang ipapalabas kalagitnaan ng taon. Title: Cooking ng Ina Nyo'ng Lahat


POLITIKA



Mananalo si Manny Pacquiao kung kakandiato siya bilang barangay captain.


Magtutunggali sa pagkapresidente sina Kuya ng Pinoy Big Brother at Banker ng Deal or No Deal.

Maglalaban sa pagka-bise presidente si Willie Revillame at Joey De Leon.

Patuloy na magbibitaw ng jokes si Joc Joc Bolante


Maisasakatuparan ni GMA ang kanyang cha-cha matapos nyang bumaba sa pwesto sa taong 2010






Ilan lamang yan sa mga nakikitang magaganap sa taon'g 2009. Ang mga nabanggit ay gabay lamang at nasa pagsisikap pa rin ng bawat indibidwal ang kanilang ikatatagumpay sa buhay.






Friday, January 2, 2009

Mga Nagwagi sa Top 10 Pinoy Expats Blog Award 2008

Kung inyong matatandaan ay naging sponsor ang damuhan para sa 2008 Pinoy Expats Blog Award. At bilang isang sponsor ng nasabing patimpalak ay malugod ko'ng inihahandog ang listahan ng mga nagwagi (taken from Pinoy Blog Awards):



NO. 10
Rhapsody, Dubai,UAE
Picked 5 times to the Top 10 by the judges, Emelyn's blog is one the most visible blog in the sophisticated and state of the art haven-country of Dubai. It is also a blog fun to read, at the same time informative. Said one judges; "It’s a nice blog. I think the blogger should not be shy for being nominated in this award. You deserve it."

NO. 9
Mumsified, Malaysia
Josiet, a UP graduate stay-at-home-mom who loves to blog about her adorable son EJ is the Mumsified. Voted 4 times to the Top 10, one judges commented, "The blog layout is good and loads fast. Insightful posts also are a big plus…” another judge added “it embodies the way how Josiet shares her experience in KL."

NO. 8
Voted 4 times to the Top 10, judges says the Sari Saring Kulay of Caryn Santillan is “a well read, just takes long to scroll the entire page…as another judge added” still has navigational problems but the contents are worth reading.”

NO. 7
Voted five times to the top 10, and managed by Mimi, Sleepless in KL is a very nice blog about family, fashion, food and parenting. “You won’t simply get to bed and sleep without reading this blog,” one judges noted. Another judge added, “The contents are worth reading.”

NO. 6
Manilenya, Canada
Picked once by a judge as the No. 1 Blog, and four times to the Top 10, Manilenya of Nalen Aguilar is a photo and fun blog. One judge chose Manilenya as No. 1 by citing "Nakakatuwa ang blog na to kasi masaya basahin ang mga experiences na sinusulat nya. Purely written in tagalog din, kaya kahit nasa abroad sya, di nya parin kinakalimutan ang sarili nating wika. Masaya ang mga karanasan, haka-haka at opinyon ng isang "bobang" pinay sa abroad."

NO. 5
Everlito's blog is Voted five times to the Top 10, and picked twice as No. 1 by two judges citing "Pamatay Homesick delights not only expats but pinoys all over the world with its light take on everything that comes out of the talented blog author’s mind. He writes, he paints, he draws, he composes poems, he designs buildings, he is a stand-up comedian, etc. He is one super OFW blogger. I am so pleased to have encountered his blog." Another judge commented: "The blog is very conversational. It has a great appeal to readers for its approach"

NO. 4
Voted 5 times to the Top 10, twice as the No. 1 pick. Cites by the judges “Though he is away from the country…Blog that must be read by OFW to be aware of what’s happening in our country’s socio-political situation.” “Highly research blog posts. (Well maybe it’s just his interest)” “Up to date on issues that concern Overseas Filipinos. Passionate and competent writing. Layout can stand improvement.”

NO. 3
The Sandbox, Saudi Arabia
Voted 4 times to the top 10, Ed or Bloguvox of the Sandbox is No. 2 in the Blog Content, and picked twice as the No. 2 best blog. It is one of the most insightful and truly OFW blog especially the cartoons he himself make. Judges cites the Sandbox as "Expresses OFW emotions. Effort to keep alive Filipino identity admirable."

NO. 2
Gigi Refugia, the woman behind the Pansitan.net is one of the most admired and respected blogger in the Pinoy blogging world. As a Filipina expats in the US, she is hosting expats bloggers worldwide through her Pansitan blogging portal. Voted 6 times to the Top 10, her blog is insightful, witty and real life stories. "I love the lay-out, and the content is good" says one judge.

and the No. 1
(tantantaran..... drum roll please!)

Voted 7 times to the Top 10, twice as No. 1, three times as No. 2, and twice again as No. 3.
As per the judges verdict,
His blog is No. 1 in the BLOG CONTENT
No. 1 in the Blog Element
No. 2 in the Visibility and Metrics
No. 4 in the Voting/Popularity category
and
No 1 in the Over All Judges Pick

2008 BEST EXPATS/OFW BLOG
Writing on Air, Australia
Meaningful and inspiring posts” “Brings out pride in being Filipino” “Writing on Air has depth and substance. Jim’s blog is brilliant and inspiring. His take on issues around the world and as well as personal experiences are culturally enriching as a Filipino. The lay-out and design is clean” Some of the judges notes about Jim Paredes blog.


SPECIAL AWARDS is given to the
MOST POPULAR EXPATS BLOGS
Rolly Marcial's blog is the No. 1 in the Voting/Popularity category.

para sa karagdagang impormasyo, bumisita dito at dito.




Music Gadgets

Hindi naman talaga maipagkakaila ang hilig ng mga pinoy sa musika. Patunay na dito ang pagkakaroon ng iba't ibang patimpalak sa pag-awit gaya na lamang ng sinaunang Tawag ng Tanghalan na nasundan ng mga Star in a Million, Star for a Night, Search for a Start, Search for a Star in a Million, Pinoy Pop Superstar at kung anu-ano pa. At sino ba naman ang di alam sa videoke contest na Sing-Galing at The Singing Bee? Basta musika, di makakaligtas sa pinoy. Kaya naman sa simula ng taong 2009, hatid ko ang iba't ibang aparato na may kaugnayan sa musika:



Videoke. Isang makina na punung-puno ng libu-libong mga kanta. Kadalasan, malaking aparato ito na may mga numbers at sa ibabaw naman ay isang malaking tv. Matt Monro, Justin Timberlake, The Platters, Madonna man o Frank Sinatra, name it, the videoke machine has it. Lahat na yata halos ng mga uri ng kanta ay nasa videoke machine na. Ito ang karaniwang pampalipas oras ng mga pinoy. May okasyon man o wala, tila hindi magiging kumpleto ang buhay ng mga Pilipino hanggat di nakakahawak ng mikropono para kumanta. May magandang tinig man o sintunado, carry lang yan! Walang pakialaman pagdating sa libangan ng bayan.


Karaoke. ang older version ng videoke. Madalas ako'ng makakita ng karaoke tuwing sasapit ang kapaskuhan. May mga nangangaroling kasi na may dalang isang pahaba at itim na kahon na mayroong cassette tape. Pagkapindot ng play button ay uumpisahan na nilang kumanta ng "bati nami'y merry christmas at bagong taong sagana..".


Mp3 player. may 125mb, 256mb 512mb 1 gig at 2gigs. Isang maliit na aparato na pwedeng lagyan ng iba't ibang uri ng kanta depende sa laki ng memorya ng nasabing device.


Mp4 player. Mas hightech sa mp3 player dahil pwedeng installan ng mga music videos ng paborito mo'ng artists. Mas mahal ng konti sa mp3 player. Problema lang sa mga ganitong aparato, di tumatagal ang baterya.


Ipod - may shuffle, nano, video at touch. Depende sa modelo, mas mahal ang presyo. Mas tumatagal ang battery life. Mas maraming kanta at bidyo ang pwedeng maistore kasama na ang ebooks at photos.


Walkman - noong unang panahon na hindi pa uso ang mga cds at cassette tapes pa ang naghahari, ito ang "in". Kasing laki ng pocketbook at kadalasang may tatak ng sony. Lagyan lang ng cassette tape at patugtugin. May fm/am radio pa! High tech diba?


Discman - ang tumalo sa walkman. CD naman ang inilalagay para patugtugin. High tech ka pag pwedeng magpapatugtog ng mp3 formats ang discman mo at may antishock technology para hindi tumalon ang mga songs sakaling maalog mo ang aparato.


Turn Table - mas luma sa walkman. Usung uso noong kapanahuna pa ni Nora Aunor. Nilalagyan ng mga plaka (malaking CD na kulay itim) para patugtugin. Meron pa ko nito hanggang ngayon pero display na lang siya at di na tumutugtog.

At dito nagtatapos ang artikulong ito. Hanggang sa muli mga kadamo.