At tila nakikisama ang tadhana dahil nitong mga nakaraang araw ay sunud-sunod na biyaya ang dumating. Umpisahan natin sa mga materyal na bagay:
1. Sa trabaho, nakatanggap ako ng munting appreciation ng hinaring na top agent sa aming team.
2. Ang credit card na inaaplyan ko ay naapprove.
3. Isang PSP Slim 3000 ang aking natanggap.
4. Ang aking google adsense account ay nagregister ng malaking halaga. Sabihin na nating sapat na ang perang kinita ko dun para di magtrabaho ng 3 buwan.
Ngunit balewala ang mga nabanggit na yan kumpara sa mga biyayang ito:
1. Mapagmahal na pamilya, mga kaibigan at mga tao'ng sumusuporta sa kin.
2. Malusog na pangangatawan.
3. Ligtas na tirahan at higit sa lahat,
4.Pagmamahal ng Maykapal
Iang maligayang kaarawan para sa akin at sa mga tao'ng nagdiriwang din ng kanilang kaarawan ngayon!!!










1 ang nagreact:
happy birthday parekoy.
tumatanda na tayo!
congrats sa lahat ng bagay bagay na dumarating sa buhay mo..
Post a Comment