Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Friday, September 11, 2009

Don't Cry Glorie Part 2

Sa pagpapatuloy ng aking kwento tungkol kay Glorie, naging teammates kami. Doon ko nalaman ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Tourism graduate pala sya sa Lyceum. May kapatid na seaman, dating sundalo ang ama at sa isang village sa Cavite sila nakatira. May tirahan din sila sa Q.C.


Masarap kasama si Glorie. Palatawa siya at tila ba walang problemang dinadala. At ang higit sa lahat, masaya siya sa piling ng kasintahan niya na noo'y officemate din namin. Hindi ko maiwasang magselos. pero ano pa nga ba ang magagawa ko? May karapatana ako'ng magselos pero wala ako'ng karapatang magalit. Kaibigan lang ako.


Masama man ang aking inisip noon na sana'y magkahiwalay sila, ganun na nga ang nangyari. Hindi ko na idedetalye ang puno't dulo ng kanilang pag-hihiwalay pero kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na sakit na dulo't ng naputol na relasyon ng kanyang bf.


At dahil ako ang lagi niyang nakakasama, di maiwasang maglabas siya ng sama ng loob sa akin. Pero bilang kaibigan, siyempre, she needed a shoulder to cry on. Kaya naman buo'ng suporta at pag-unawa ang ibinigay ko sa kanya. Kung anu-ano'ng payo ang aking ibinahagi. Niyayaya ko siyan'g lumabas at mag-enjoy kesa hayaan siyang magmukmok sa kanyang kwarto. Hanggan lumipas ang 3 buwan, nakamove-on din siya sa wakas.



Itutuloy...




1 ang nagreact:

Kosa said...

wow.
ako ang naeexcite para sayo parekoy..lols

pero ito, sa akin naman.
kung tropa, tropa lang talaga....
kung barkada, barkada lang talaga..

hindi pwedeng haluan ng labs labs..lol

apiiiir

aabangan ko nalang yung kasunod.

Post a Comment