"Muzta?"
Walang reply.
Text uli.
"Iniiwasan mo ba ko? May nagawa ba ko?"
Nagreply.
"Problema mo? Di ko naman obligation na magtext o magreply sa yo dba?"
Masakit. Nakakainsulto. Nakakatampo. Nakakagalit.
Ikaw na nga ang concern sa kalagayan ng kaibigan mo, ikaw pa ang mapapagalitan at mapagsasabihan ng mga katagang yan.
Ako ang tao'ng handang tumulong sa mga kaibigan ko sa tuwing sila'y may problema. Kung kapos man ako sa salapi, magagawa ko'ng gumawa ng paraan para sa kanila. Malaki'ng parte para sa buhay ko ang mga kaibigan ko. Hindi ako mabubuhay ng wala sila. Para sakin, isa rin silang pamilya.
Pero sa mensaheng natanggap ko, para ban'g ang dating sa kin eh "wag kang makulit, hindi na kita kailangan, may trabaho na ko at kwarto'ng inuupahan kaya di na kita kailangan!"
Ganun pala. Masama na palang magtanong tungkol sa kalagayan ng isang kaibigan. Isang malaking istorbo na lang pala ako sa kanila.
Reply.
"Alam ko. Nangangamusta lang naman ako. lahat kc kayo di nagrereply. Ngayon dahil malaking istorbo lang pala ko sa iyo, di na kita gagambalain."
Makalipas ang apat na oras.
Text.
"Tsong senxa na medyo busy at madalas walang credits. Mzta ka na? San ka lumipat?"
Phone off.
Itutuloy










2 ang nagreact:
magiging maayos din yan parekoy!
ang pagkakaibigan kase, dapat dinadaan sa Bigayan.. Parang yung tipong Bigayan at unawaan teka, pagkakaibigan ba yun o pag-iibigan?
bigayan at unawaan? parang magsyota lang wahahahahaha
Post a Comment