Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may mga iba'ng blogero na bigla na lang gagawa ng pangalan sa pamamagitan ng paninira sa iba'ng blog? Hindi ito magandang asal. Kung gusto mo''ng sumikat, hindi ka dapat manira ng ibang blogero, batikan o baguhan man ang mga ito sa mundo ng blogging.
Minsan na rin ako'ng nakatanggap ng mga paninira sa damuhan ganun na rin sa iba'ng blogs ko noon. Kesyo wala ran originality, kinopya ko lang daw ang mga sinusulat ko dito etcetera etcetera etcetera (hirap ispelengin eh!). Hay, inaamin ko na may ibang artikulo dito na hindi ako ang sumulat kaya naman nilalagay at binibigyan ko ng credits ang mga may-akda at nagpadala ng mga lathalain. Pero karamihan sa laman ng damuhan ay sarili ko'ng likha, pangit man o maganda, nakakasawa man o nakakatuwa sa mata ng mga mambabasa.
Sa kabila ng mga negatibo'ng opinyon, hinuha, kuru-kuro o pananaw ng mga tao'ng makikitid ang utak at ang tanging alam ay manira para lamang sumikat, nagpatuloy ang inyong lingkod sa pagsusulat dahil sa aking mga loyal na mambabasa. Ang maramdamang sila ay natutuwa sa damuhan ay isan'g malaking karangalan para ipagpatuloy ko ang aking nasimulan.
Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy ang ganitong klaseng mga tao sa paninira sa kanilang kapwa blogero. Kesyo sila ang nauna sa pagbablog, sila ang mas sikat, sila ang mas magaling magsulat atbp. Ang pagbablogging ay hindi pataasan ng ihi. Kung gusto mo'ng maraming bumisita sa blog mo, isubmit mo ito sa mga directories, magbloghop sa mga ka-blogroll mo at higit sa lahat, wag manira ng ibang blogero.
Tamaan ang dapat tamaan. Walang siraan para lamang sumikat.










8 ang nagreact:
I am mean sometimes as post retaliating sa post lalo na masama at nakakasakit ng damdamin. Lately ang OFWE Issues. I am sure pamilyar ka niyan Bin.
ANyway, right, we should build or inspire people. kanya-kanyang diskarte yan sa pagbloblog.
may tama ka!
hndi talaga nawawala ang mga kontrabulate sa bawat teleserye ng ating mga totoong buhay..lols
pero ayus lang yan.. pampagana..
happy blogging parekoy!
ako pa rin ang isa sa mga tatambay sa damuhan.pramis. may manira man o wala.
Hehehe :D Naka banned ako sa shoutbox,add na lang kita parekoy sa blogroll ko
Astig!!!Sana nga pre may mga tamaan at matuto sa maling gawain...
Kung maninira rin lang, tingnan muna ang sarili kung maayos ka ba...kung hindi man, wag ka nang mangdamay ng iba...
nice one. :)
nice one! :)
Tama Bino! Ako nga nuon pinagmumura kesyo mayabang daw ako eh sus never naman ako nagyabang. Anyway we can't please everyone! Kung may mga taong bitter sa mundo dahil panget na sila at panget pa ugali nila, nasa sa kanila na yun. I just hope one day they will realize na ang pagiging marunong makipagkapwa tao ay isang malaking bagay na dapat matutunan ng isang blogger. At least alam ng iba na may pinagaralan ka diba? =) MABUHAY KA BINO at patuloy natin sagupain ang mga maniniram puri at inggiterot inggitera sa blogworld hehehe =)
Post a Comment