Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, July 13, 2009

Kaibigan

Kaibigan.



Mga tao'ng laging nandiyan para sa iyo. Sa oras man ng ligaya o sa oras ng pighati, ang mga tunay na kaibigan mo ay handang dumamay, tumulong, makisaya, makitawa at sumuporta.



Pero siyempre, may iba't ibang personalidad ang bawat kaibigan. Merong mabuti, meron ding masama. Isa ba sa mga sumusunod ang kaibigan mo? Basahin at alamin!







1. Seloso/Selosa - mga uri ng kaibigan na masahol pa sa bf/gf mo. Ang mga ganito'ng uri ay naghahanap ng pang-unawa at suporta. Sila ang mga tao'ng overprotective sa friendship. Ang maganda naman sa kanila, hindi ka nila ipagpapalit sa kung sinu-sino lang.





2. Tampururot - madaling magtampo. Ayaw na ayaw nila ng mga tao'ng di marunong tumupad sa usapan. Isang tip para sa ganitong uri: pag nag-commit ka, siguraduhin mo na tutuparin mo yun dahil kung hindi, kahit mag super-sorry ka pa sa kanya, matatagalan bago ka mawala ang tampo niya. Unless bumawi ka sa susunod.





3. Chismax - mga kaibigang mas malinaw pa ang radar kesa sa mga station signals ng channel 2 at 7 kung sumagap ng chismis. Kadalsang kahit sabihin mo'ng wag ipagsasabi ang mga importanteng bagay, dumudulas at dumudulas pa rin ito sa kanilang mga dila.





4. Moody - Mga kaibigang pabagu-bago ng mood. Masaya kung masaya, malungkot kung malungkot, galit kung galit. Bipolar. Mahirap mahanap ang timpla.





5. Insensitive - kaibigan mo sila. Oo. Pero tila ang bagal makaramdam kung bad mood ka or kung gusto mo'ng mapagisa.





6. Ako kasi..ako lang.. ako pa rin - pag nagkwento puro siya ang bida. Kung may ibang pagkukuwentuhan naman, hindi malabong may maisisingit pa rin itong sitwasyon na may kaugnayan pa rin sa kanya.




7. Concern Citizen - handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Kahit hindi kayo laging magkasama o magkita, asahan mo'ng isang tawag o text lang, paniguradong nandyan siya lagi para sa yo. Kasiyahan man o kalungkutan. Walang malayong lugar para sa kanya. Gaano man kahectic ang schedule nya, tiyak na maisisingit ka pa rin niya.



8. Tapat na Po - ang kaibigang napakaloyal sa iyo. Di ka tatraydurin. Ang katapatan ng tao'ng ito ay sa iyo lamang. In good times and bad times, lagi siyang nandyan sa yo.





Ang mga nabanggit ay hango sa karanasan ng may-akda. Kung mayroon mang bayolenteng reaksiyon, komento, suhestiyon o paninira, sarilinin nyo na lang muna iyon. Joke!


Adios





4 ang nagreact:

The Teknisyan said...

heheh.. tama... halos lahat tinamaan mo... pero.. kulang na isa. Yung tipong tapat na kaibigan...

sesermunan ka kapag maginawa kang mali... sasabihin ang totoo kung pangit ang binili mong dami.. kahit pa mamahalin ito... tutulungan ka ng walang kapalit... at diretsahan kung mag salita... sa mga bagay bagay na ginagawa mong di maganda..

http://teknisyan.blogspot.com
http://thingsigotfromthenet.blogspot.com

Kosa said...

parang may kulang..hehehe

peace parekoy!

@bi3L said...

hehee... now that's a true friends!!! :)

Abiel Online Ü
Love Thoughts Love Lines...

HARI NG SABLAY said...

tama yang mga cnabi mo pare,may mga kaibigan akong gnyan lalo na yung mga tampururot saka moody,hehe

Post a Comment