1. Tumingin sa mga naglalakihan billboards at signs. Nakakaaliw pagmasdana ng mga larawan nila Anne Curtis, Angel Locsin at iba pang celebrity na nag-eendorso ng mga produkto ng alak, magazine, sabon at iba pa.
2. Magbasa ng paborito mo'ng libro. Ang tip na ito ay para lamang sa magaling magpokus ng kanilang atensiyon sa kabila ng likot ng mga katabi sa sasakyan.
3. Makinig ng musika. Rekomendadong makinig ng mga awiting maingay sa tainga kesa sa mga love songs para tuluyan kang magising sa biyahe.
4. Pumuwesto sa dulo ng jeepney. Sa tuwing may humps na dadaanan, sigurado'ng mararamdaman mo ang talbog ng sasakya na siyang magiging dahilan para di ka antukin. Siguraduhin lang na di ka mauumpog sa bubong ng jeep.
5. Kung ayaw mo sa dulo ng jeepney, sa tabi ka ng driver's seat umupo. Pag showbiz pa ang driver, meron ka pang makakausap at makakadaupang palad. Mag-ingat kung isa kan'g babae dahil baka mamanyak ka ng isang manyak na driver.
6. Magtext o Maglaro ng games gamit ang iyong cellphone. Makakatulong ito para ikaw ay malibang at hindi antukin. Mag-ingat lamang sa mga mandurukot. Mas mainam kung nokia 5110 ang dalhin para di na mapaginteresan ng mga masasamang loob. May laro din naman ito: snake!
7.Makinig sa mga iba't ibang kwento ng mga pasahero. Maaaliw ka sa usapan ng dalawang kolehiyala, mga aleng nagtitinda sa palengke at mga tao'ng sumisigaw habang kausap sa telepono ang kanilang mahal sa buhay. Iwasan lamang ang pagkokomento para di ka mapahamak.
Ilan lamang yan sa mga paraan para malabanan ang antok. Saka na ko magpopost uli, antok na ko eh.
Adios!










4 ang nagreact:
madami kang nakalimutan parekoy...lols
ayos un ah, mgawa nga ang mga tip na yan...pero saka na inaantok na din ako, haaayyyy....
dre isama mo naman ang billboard ng ELLEN'S yung nasa camachile. malapit sa simbahan ng iglesia. tumingala ka titigan mo at hindi ka talaga aantukin!
Ako ginagawa ko para hindi makatulog sa biyahe eh doon ako pumupuwesto sa likod ng driver para lahat ng magbabayad ipapabot sa iyo. tska bukod sa billboards, magandang mag sight-seeing lalo't napapadaan ka sa U-belt. lols!
Post a Comment