"Nakakahiya, world bank pa ang nagexpose....." - Ping Lacson
"Sama-sama tayo! Hindi ko kayo pababayaan! Lalaban tayo!" - Mar Roxas
"Kapag may inaabuso, tutulungan ko hangga't kaya ko!" - Manny Villar
"Sa Makati, lolo't lola, todo todo ang benepisyo" - Jejomar Binay
1 taon bago ang eleksiyon, kanya-kanya'ng taktika na ang mga politiko na nag-aambisyong makuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa. May mga sumasakay ng pedicab, may mga tumutulong kuno sa mga OFW, etsetera, etsetera. Trapong-trapo!!!
Sabagay, ano pa nga ba ang bago? Habang papalapit ng papalapit ang araw ng halalan ay unti-unti na silang magpaparamdam. Sa mga lokal na posisyon nga lang, mapapansin mo'ng biglang magsusulputan ang mga streamer ng mga politiko. Halimbawa na lang ay nitong nakaraang Marso at Abril na buwan ng pagtatapos ng mga mag-aaral. Nag-uulanan ng mga medal para sa mga honor students. At sa likod ng bawat medalya ay ang mensaheng: "Donated by Konsehal Bayumbong". At sa mga gate ng bawat paaralan ay nakapaskil ang mga banners na "Maligayang Pagtatapos (maliliit na letra) mula kay Mayor Bogart Cubungbong (super laking mga letra).
Bakit ko nga ba sinusulat to? Para magreklamo? Para sabihing walang patutunguhan ang ating mga boto dahil kumbaga sa ulam, iba't ibang putahe pero iisa lang ang lasa? Mali!!!
Sinulat ko ang artikulong ito para iparating sa bawat Pilipino na hindi lang sa mga politiko nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa kundi sa ating lahat. Kahit sinong kandidato ang mailuklok natin sa posisyon, kung hindi naman nagkakaisa ang ating bayan, panigurado'ng mauulit lamang ang mga kabalbalan at tiyak na hindi tayo aasenso.
Bayanihan ang tunay na kailangan ng ating bayan. Pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak. Isang taon mula ngayon, panibago'ng mukha ng pangulo ang ating masasaksihan. Bago'ng pinuno na haharap sa mga lumang problema ng ating bayan. Magkaisa tayo at isantabi ang mga sariling kapakanan. Sa mga politiko, wag maging gahaman sa kapangyarihan. Sa mga botante at simpleng sibilyan, nararapat lamang na tayo'y makialam para sa ating bansang sinilangan.
Adios!










1 ang nagreact:
parang ni isa sa mga yan parekoy wala akong amor na iboto o i-endorso... ok sana si Mar Roxas eh.. pero parang tinaon yung pakikipaglandian nya kay Korina Sanchez para umingay pa lalo ang pangalan---sinabayan pa ng intriga..
Kay Binay naman, parang hindi ko rin sya gusto... bida-kontrabida style...
Si Manny Villar, walang modo? walang etiko.. hindi magandang ehemplo...
si Ping Lacson, Kuratong na kuratong pa rin? kurakot din? haaaaaaaayyyysss
si Legarda kaya? isang dating mamamahayag na piniling maging politiko? sabi nga nla hindi mo kailangang maging politiko para makatulong sa mga nangangailangan.... parang si De Castro din yan!
Kay Eddie Hill nalang kaya tayo? mapapatawa ka pa ng Libre.. malamang d pa marunong mangupit at mangurakot yun! may pagka-engots eh
Post a Comment