Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, April 27, 2009

UPDATE UPDATE UPDATE

Matapos ang bakasyon, muli ako'ng nagbabalik para sa isa namang walang kabuluhang mga bagay-bagay. Ano nga ba mga nangyari sa akin habang wala sa damuhan? 

Unang update.

Nag-enjoy ako sa Hongkong kahit na nagtagal lang ako doon ng 2 araw. Kinailangan ko'ng bumalik sa Pinas dahil sa aking trabaho. Ganunpaman, masaya ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko'ng muli si Donald Duck. Napanood ko rin ang High School Musical Show doon.

Pangalawa.

Moving forward ang drama ko ngayon. Kailangang magmove on matapos magkaroon ng boyfriend ang babae'ng never naging akin. Masakit. Kumikirot ngunit kailangan magpagaling ng puso ko'ng sugatan. 

Pangatlo.

Overnight stay sa bahay ng aking kaibigan sa Pateros. Napatunayan ko'ng di nila ako iiwan. Magkakasama di lang sa saya kundi pati sa hirap at mga pagsubok sa buhay.

Pang-apat.

Ang paycheck mula sa google ad sense ay dumating na kanina lang na naglalaman ng $1,500. Pero siyempre yun ay kita sa isa ko pang blog na di ko pwedeng banggitin dahil naglalaman iyon ng maseselang topic na di angkop sa mga batang mambabasa.

Pang-lima.

Napatunayan ko'ng masyadong maiksi ang buhay para magmukmok. Sa kabila ng mga malulungkot na bagay, mas mabuti kung di mawawalan ng pag-asa. Sabi nga ni Santino, Magtiwala lang tayo kay Bro! 

Adios!




2 ang nagreact:

Kosa said...

panalong panalo ang mga updates parekoy!
ang pangalawang update eh ayus na ayus pa rin... isipin mong masaya ang babaeng mahal mo.. pasasaan bat maghihiwalay din sila...lol

sige sige... kitakits nalang...

at ang KITA.. taena..panalo..
balato nman dyan..

abe mulong caracas said...

NICE ONE!

mukang punong puno ng emosyon ang bakasyon mo. pero muka rin namang masaya na ang buhay ngayon...

buti ka pa kumikita sa blog...

Post a Comment