"OK!" sagot naman ng agent.
teka nga, maitext nga si TL bukas, alam ko makakalimutin yun eh. ang nasa isip ng agent.
Alas kuwatro ng umaga kinabukasan, pagkagising ay agad hinagilap ng agent ang kanyang cellphone at tinext ang kanyang supervisor.
TL, REMIND lang kita sa flash drive. pakidala. thanks
Message sent!
Pagdating ni call center agent sa opisina ay napansin niyang wala pa ang TL niya.
Nagsisimula na siyang magtrabaho ng dumating iyon.
"TL dala mo yung flash drive?" tanong ni call center agent.
"Hindi eh. sa Tuesday promise talaga." sagot ng TL.
"ok" sagot ni call center agent.
TALKIES.
TALKIES....
TALKIES....
Mga tao'ng puro salita lamang at kulang sa gawa. Mahilig mangako pero di tinutupad. Madalas magcommit sa isang bagay pero di nagagawa. Mga drawing. Mga indiyanero.
Nagmula ang salitang TALKIES sa aking mga kaopisina (segway: magaling magpauso ng mga salita ang aking mga officemates.) matapos din nilang pausuhin ang mga salitang Biyahe, papacool, notches (adult word) atbp. Pero mabalik tayo sa usapan at baka maligaw na tayo. Isa pa, tama na ang exposure nila dito sa blog ko.
Hindi ko malaman kung bakit may mga nilalang na ipinanganak para maging dakilang Talkies. Ang sa akin lang, hindi ba't sumasalamin din ito sa kanilang pagkatao? Nawawala ang kredibilidad nila bilang isang indibidwal dahil sa hindi nila pagtupad sa mga tasks o commitments.
Oo, minsan dinadaan na lang sa tawa ang pagiging makalimutin ng isang tao sa kanyang mga pangako. Pero hindi ba nila naiisip na nawawalan din ng tiwala ang mga tao'ng kanyang pinangakuan dahil sa bad attitude na ito? Hindi malayong dumating ang panahon na wala ng maniniwala sa mga tao'ng ito.
Ang payo ko lang, kung hindi mo talaga kaya, wag ka nang magsalita at mangako dahil hindi lang ikaw ang mapapahiya kundi pati na rin ang tao'ng nagtiwala sa pangako mo.
Kaya sa mga nagbabalak maging Talkies, wag o nang pangarapin pa.
Adios!!!











7 ang nagreact:
may kapangalan daw ako dito kaya dumalaw ako..
heehe! apir.
ganda ng blog...
ang pramis kase minsan eh nagiging palaman nalang ng bibig... may mga natutupad at merong din namang wala lang..lols
pero ang masaya dun eh natututo ka at nagkakaroon ka ng aral na natututunan sa bawat pangako na napapako at nalilimutan..hehe
parang nakarelate ako ahhhh..
pero minsan talaga, may mga taong ganun.. hindi man natutupad ang kanilang pangako, tanggapin nalang natin na hindi nila naaabot yung mga expectations natin..
I recently came across your blog and have been reading along. I thought I would leave my first comment. I dont know what to say except that I have enjoyed reading. Nice blog. I will keep visiting this blog very often.
Betty
http://desktopmemory.info
I recently came across your blog and have been reading along. I thought I would leave my first comment. I dont know what to say except that I have enjoyed reading. Nice blog. I will keep visiting this blog very often.
Betty
http://desktopmemory.info
Panalo!!! (tiny voice)
Kilala ko 'tong TL na 'to. Nabiktima na 'ko niyan. Sa katunayan, ilang beses na. Haha!
'Di ko 'lam kung mababasa niya 'to. Sana. Para malaman niyang hindi siya nakakatuwa.
Maraming talkies sa paligid pero isa siya sa mga PINAKA. Sabi ng iba, makakalimutin lang daw talaga siya. Pinatunayan na ng mga dati nyang ahente.
Nag-uulyanin na yata ito. Sana lang maagapan. Mahirap na. Baka pati sarili niyang pangalan, makalimutan niya pagkabirthday niya.
Basta, asar yung mga ganyan! Coming from a people-please like me, tinatakwil ko ang mga ganitong tao! Lalo na 'pag alam kong wala nang pag-asang matupad ang mga pangako niya. ASA!
hahaha may paka talkies ako sa totoo lang kasi malilimutin talaga ako kaya ang ginagawa ko sinusulat ko sa calendar ng cel ko para pagdating sa bahay mag aalarm yun calendar at maaalala ko na siya!
minsan ang taong msalita kulang sa gawa.nkakawalan ng gana ang mga yan. my kaibgan ako puro lng dada. puro paasa ang buset.
Post a Comment