Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, March 30, 2009

B1 Gang: Pagbabalik-Tanaw

Tandang - tanda ko pa noong ako'y nasa high school, madalas gumagawa kami ng book report. Iba't ibang libro ang pinapabasa sa amin ng aming mga guro. Gagawan pa namin ito ng summary at sa bandang huli'y huhusgahan ang buong kwento.


Sa dinami-dami ng ginawa ko'ng book reports noong high school, may libro ang tumatak sa akin na hanggang ngayon ay patuloy at paulit-ulit ko'ng binabasa at ito ay ang B1 Gang.

Photobucket



Ito ang kwento ng mga magkakabarkadang sina Gino, Kiko, Boging at Jo: mga high school teeners na gustong maging investigative journalists sa kanilang pagtanda. Lumilibot sila sa iba't ibang parte ng Pilipinas at nagreresolba ng mga misteryo sa tulong ng kanilang hinahangaang mamamahayag na si Mike Rodrigo.


Ginawa ang B1 Gang para mabalanse ang mga banyagang libro na noo'ng mga taon'g yun ay namamayagpag sa isip ng bawat kabataang pinoy.


Itinuro ng B1 Gang ang pagpapahalaga sa lahing Pinoy, kultura at magagandang lugar sa Bansa.

Nabuo ko ang koleksiyon ng B1 Gang books at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang mga ito. Hindi ko maikakaila na naging interesado ako'ng magbasa ng libro dahil dito. Kung pagaganahin mo ang iyong imahinasyon habang nagbabasa nito, para mo na ring narating ang mga lugar na nabanggit sa aklat.


Narito ang listahan ng mga aklat ng B1 Gang. Maaaring bihira lang ang nakakaalam ng mga ito pero sinasabi ko sa inyo na isa ito sa mga magagandang libro na aking nabasa.



Prequel EPISODE ONE - BOOK 1 Free eBook!
Prequel EPISODE ONE - BOOK 2 Free eBook!
Case File No.1 HALIMAW SA WAWA
Case File No.2 LIHIM NG BATONG BUGHAW
Case File No.3 LIHIM NG DILIM
Case File No.4 HIWAGA NG NAWAWALANG AGILA Free eBook!
Case File No.5 REBULTO SA BAHAY NA BATO Free eBook!
Case File No.6 MISTERYO SA LIBINGANG-YUNGIB Free eBook!
Case File No.7 MASKARA NI LONGINO Free eBook!
Case File No.8 WILDLIFE DETECTIVES Free eBook!
Case File No.9 MATA NG DIYABLO Free eBook!
Case File No.10 ASWANG SA HATINGGABI Free eBook!
Case File No.11 DIWATA NG BULKAN Free eBook!
Case File No.12
Case File No.13 SUMPA NG MOMBAKI







7 ang nagreact:

Bino said...

aba. ngayon ko lang narinig ang B1 gang, at mystery cases ang topic. gusto ko mga gantong kwento, nakakaaliw basahin.. salamat sa pagintroduce dito. :)

Bino said...

huhu. mali yung name na natype ko. kamusta naman ako? tsk. may h po yan dapat. ahehe.

Bino said...

ayokong manghula ng edad pero mukang mas matanda ako...hindi ko inabutan ang librong ito!

mas tanda ko kasi yung mga kwento tung sa...aba! aba! bababa pala!"

siyempre hindi ko nakakalimutan ang 'henny is a hen. henny penny is red hen. henny penny has eggs. henny penny has ten eggs."

teka pang grade one yan ha hindi pang high school hehehe!

Bino said...

nangangatog ako sa mga kwentong yan! lols mga taytol pa lang nanginginig kagat labi na ako..hehehe

bakit nakakalito tong comment box mo? bago ahh

Bino said...

nasubaybayan ko tong mga aklat na to at talaga namang nagusutuhan ko rin. nagkaroon pa nga ito ng comic strip sa inquirer eh. ^^

arvin bautista said...

test comment

abe mulong caracas said...

di yata na approve

Post a Comment