ABNKKBSNPLAKo?! Ang unang libro ni Bog Ong. Ang libro'ng ito ay sumasalamin sa mga ups and downs ng isang buhay estudyante. Nararapat lamang na basahin ng mga estudyanteng nagkukuli na mag-aral.
Ang librong McArthur na likha pa rin ni Bob Ong ay tungkol sa magkakabarkada na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagamat naging mga sabog, nanatili pa rin ang pagiging magkakaibigan nila sa isa't isa. Sa librong ito, di pa rin nawala ang humor ni Bob Ong pero nagustuhan ko ito dahil sa magandang mensahe na gustong sabihin ng libro. At ang mensaheng iyon ay malalaman nyo lang pag binasa nyo ang librong ito.
Libro'ng lika ng aking katukayo na si Vlad Bautista Gonzales. Mga kwentong barbero. Akala mo seryoso pero sa bandang huli, joke lang pala. Bagamat hindi ito kasing ganda ng mga unang librong nabanggit, masasabi ko'ng mahusay pa rin ang pagkakasulat dahil sa mayroon siyang sariling istilo.
Peksman (Mamatay ka Man) Nagsisinungaling ako. Sabi ng ilan, may pagka-bob ong daw ang istilo ng pagsulat nya. Ang aking opinyon naman, kailangan mo'ng magkalikot ng utak paminsan minsan. Di katulad ni BO na may pagkamasa, ang librong ito ay puno ng hangups. Pero ganun pa man, nagustuhan ko ito dahil sa ganoong atake.Ilan lamang yan sa mga libro na naing inspirasyon ko para simulan ang blog na ito. Marami pang magagandang aklat ang hindi pa sa ngayon napapansin ng publiko. Hangad ko'ng maging masigla ang industriya ng mga libro nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga gusto'ng magpublish ng kanilang libro na makilala










4 ang nagreact:
haha lupet. b\paborito ko tlga mga libro ni bob ong!
ung iba dyan di ko pa nababasa,
hanapin ko nga sa bookstore!haha.
ingaats tsong! :]
nabasa ko na po yan! tawa ako ng tawa!
naman naman! haha idolo mo din pala si Bob Ong, ako din kumpleto ako ng libro nya at sobra ngang kulit.. astig nga at parang ganun din ang tema ng blog mo.. Rock!!
tabi tabi po...
overrated si bob ong maging si eros atalia...sabihin nang binasa ko sila at natawa pero sa bandang huli, wala pa rin sila sa kalingkingan ni man jun (jun cruz reyes)
Post a Comment