Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Wednesday, December 31, 2008

Bagong Taon. Bagong Babae







Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pag-asa sa karamihan ng mga pilipino. Bagong pag-ibig para sa ilan.


Lahat bago. Kaya naman oras na para palitan ang mga pinaglumaan. Ang mga di na mapapakinabangan. Ang mga sinungaling at mga mapagimbot ay dapat ng ilibing sa hukay.


Kasabay ng pagkamatay ng lumang pag-ibig ay ang muling pagkabuhay ng pusong nangungulila sa pagmamahal.
Naniniwala at patuloy akong maniniwala na uusbong ang isang magandang pagtitinginan ng 2 taong dagat ang pagitan.


Sana.

Sana.....


Bagong Taon. Bagong Babae












Sunday, December 28, 2008

Damuhan: Pagbabalik Tanaw

Ilang araw na lang ang matulin na lilipas at magpapaalam na tayo sa taong 2008. Masisilayan natin ang huling sinag ng haring araw, huling liwanag ng reynang buwan at huling kutitap ng mga prinsesa at prinsipeng bituin. Sasalubungin natin ang isang bagong taon ng may bagong pag-asa at bagong simula para sa ating lahat. Kaya naman bago matapos ang taong ito ay muli ko'ng babalikan ang mga nangyari dito sa blog ng pinoy.


28 Hunyo 2008

Sumulpot ang damuhan gamit ang libreng domain sa freewebs.com. Magulo ang pagkakadisenyo. Pero astigin na ang banner noon pa man (ooops, deleted na yung dating banner eh kaya wala nang screenshots). Nagsimula ako'ng magsearch ng ibang bloggers para makipagpalitan ng link sa kanila. Unang naging blogmate si Enday



9 Hulyo 2008


Lumipat ang site dito sa blogspot. Basic HTML lang muna ang ginamit. Mano-manong pagaadd ng blogroll ang ginawa. Inilipat ko ang mga napost ng article mula freewebs tungo dito. Nagsimulang iregister ang blog sa topblogs.com, pinoy-blogs.com, at ang importanteng search engine na google.com. Nagsimulang dumami ang mga blogmates.


Naging sponsor ang damuhan ng isang contest tungkol sa mga Top 10 Pinoy Expats Blog.


15 Hulyo 2008

Nanominate ang damuhan sa Idol Blog 2008 ni Marky



19 Hulyo 2008


Nanalo tayo sa nasabing patimpalak.



31 Hulyo 2008


Nagcelebrate ng unang buwan sa blogworld ang damuhan. Akalain mo'ng wala pang isang buwan nagkaroon na ng award!!!



12 Agosto 2008


Muli na namang pinatunayan ng damuhan na kahit bago sa daigdig ng blogging ay hindi dapat ismolin. Nanalo naman bilang Filipino Blog of the Week sa 2 magkasunod na linggo at nabilang sa Hall of Fame ng nasabing patimpalak.


09 Setyembre 2008


Maraming nagtangkang sumira sa damuhan. May mga nagsabing ginagaya ko raw si Bob Ong at mga sinulat daw ni BO ang mga ipinost ko sa blog na to. Ngunit maraming nagpatunay na karamihan sa mga posts dito ay aking likha at kung meron mang hindi ko pag-aari ay binibigyan ko ng tamang credits. Walang puwang sa blog na ito ang plagiarism.





10 Oktubre 2008


Ipinost ko ang Q&A portion ng damuhan para mabigyang linaw ang mga mambabasa kung bakit damuhan ang titulo ng blog na ito.




13 Oktubre 2008


Lumabas ang unang magazine cover ng damuhan na hanggang ngayon ay mabibili pa sa mga suking hardwares at pornstands.




29 Nobyembre 2008


Ang ikalawang cover magazine ng damuhan ay inilabas. Unang pagkakataon na nagpakita ng mukha ang may akda. Maraming nasindak pero marami ring nacutan. Hehehehe.




28 Disyembre 2008

Nagbabalik tanaw ngayon ang may-akda sa nag-iisang blog at tambayan ng pinoy. Damuhan.









Wednesday, December 24, 2008

Ninong at Ninang

Ang mga ninong at ninang. Sino ba ang walang maikukuwento tungkol sa kanila? Hindi ba't karamihan sa atin ay natakbuhan na nila tuwing darating ang kapaskuhan? Sadya bang malupit ang tadhana para sa mga inaanak nila dahil sa wala silang natatanggap na aginaldo? Masuwerte ang iban'g mga bata na nabibigyan ng aginaldo ng kanilang mga pangalawang magulang. Ibig sabihin lang nito, marunong pumili ng magiging kumpare at kumare ang mga nanay at tatay nila. Pero para sa mga magulang, ano nga ba ang mga dapat maging basehan ng pagpili ng ninong at ninang?




1. Credit History - pumili ng tao'ng maganda ang record sa mga bangko, loan, mutual funds at unit investment trust fund. Mas lalong maganda kung may mga time deposits din ang mga ito.

2. Lokasyon - tiyaking accessible ang lugar ng kukuning ninong/ninang para di mahirapan sa paghahanap sa kanya sa araw ng kapaskuhan. Siguraduhing alam kung saan ang address sa probinsiya, opisina, at iba pang lugar na puwede nilang pagtaguan.


3. Looks - importanteng may hitsura rin ang magiging kumpare/kumare nyo. Makakatulong ito para hindi matakot ang anak nyo sa kanila nang sa ganun ay di kayo mahirapan sa pangungumbinsi na mamasko.


Kung sakali namang may mga ninong at ninang na kayo na talaga namang iwas pusoy sa pagbibigay ng aginaldo. Maaring gamitin ang mga sumusunod na tips:


1. Wag nang hayaang paabutin ang mismong araw ng kapaskuhan kung natunugan nyo nang maglalahong parang ninja ang mga kumare/kumpadre nyo. Pagsapit pa lang ng simbang gabi, dumiretso na sa bahay nila para makapamasko.


2. Tatlong buwan bago magpasko, ipaalala na sa kanila ang aginaldo ng anak nyo ng sa gayun ay mapagipunan na ito. Ipaliwanag na kaya ito ginagawa ay para hindi sila magahol sa oras.


3. Kung meron mang utang na loob ang mga ito sa iyo, gawin mo itong advantage. Ipamukha sa kanila na kung hindi dahil sa iyo ay wala sila sa kinalalagyan nila ngayon.


At iyan ay ilan na naman sa mga walang kwentang tips dito sa damuhan. Paunawa: walang personalan. Blogger lang. Maligayang Pasko po sa inyong lahat!







Wednesday, December 17, 2008

Fashionistang Lola

Biyernes. Nagpasya kami'ng magkakaibigan ng magtungo sa Starbucks. Bagamat nailathala ko dito sa aking blog ang tungkol sa mga bad sides ng nasabing kapehan, sumama pa rin ako sa kanila para makapagkwentuhan. Mga 30 minuto na ang nakakaraan ng makita namin ang isang customer na nagpasyang umorder ng kape. Napukaw ang aming atensiyon dahil sa fashion sense ng nasabing nilalang. Kitang kita ng aming hidden camera ang alen'g ito.






Yan siguro ang uso sa lugar nila. Pinoy talaga, napaka-creative!!!





Wednesday, December 10, 2008

Pasko sa Pinas


Unti-unti nang lumalamig ang simoy ng hangin. Humahaba na rin ang gabi. Tila tinatamad nang sumikat ang haring araw dahil kahit ala-sais na ng umaga ay ubod ng dilim pa rin ng kapaligiran. Naglipana na ang mga parol at kumkutitap na bumbilya sa mga tirahan at lansangan. Pasko na naman!


Kakaiba talaga ang pasko sa Pinas. Isipin mo naman, pagpasok na pagpasok pa lang ng mga "ber" months, mararamdaman mo na ang opisyal na pagpasok ng christmas season. Minsan pa nga, kahit Pebrero na, basta tinatamad pang magligpit ng christmas tree, pasko pa rin!

Tradisyon na sa ating bansa ang simbang gabi o rooster's mass sa wikang inggles. Ito ang pagsisimba ng 9 na gabi (madaling-araw) na nagsisimula sa ika-16 ng buwan ng Disyembre. May paniniwala rin na kapag nakumpleto mo ang simbang gabi at magwiwish ka, matutupad daw ito. Ako mismo, naniniwala sa pamahiin ito. Ilang taon na rin ako'ng kumukumpleto ng simbang gabi. Naging panata ko na rin.

Kasabay ng simbang gabi ang mga pagkain na tumatak na sa puso't isipan ng mga pinoy. Hinding hindi mawawala ang puto bungbong at bibingka na para mas masarap kainin ay sasabayan ng pag-inom ng mainit na salabat (oo! may salabat pa hanggang ngayon tsong!). Mabentang mabenta ang mga ito tuwing kapaskuhan.

Siyempre, tradisyon na rin sa pinas ang pagkakaroling. Kadalasan, nagsisimula ang pangangaroling ng mga musmos at mga matatanda tuwing simula rin ng simbang gabi. Pag mga bata ang matiyempuhan mong nangangaroling sa labas ng bahay mo, pwede ka nang sumigaw ng patawad. Pero kadalasan naman kapag matanda, mapipilitan ka dahil sa sobre na kanilang iniaabot. At ewan ko ba kung bakit sa tuwing aawitin ng mga paslit ang linyang "pasensiya na kayo kami namamasko" ay automatic na susundan ito ng "we wish you a merry christmas".

At sa bisperas ng kapaskuhan, sama-sama ang buong pamilya o kung hindi man ang magkakabarkada para sa isang noche buena. Naging kaugalian na rin sa hapag ang hamon at keso de bola. Masayang nagkakainan, nagkukuwentuhan at nagpapalitan ng mga regalo ang bawat miyembro ng pamilya at mga magkakaibigan. At siyempre sama-sama ring nagdarasal. Nagpapaalala na ang tunay na simbolo ng kapaskuhan ay si Kristo.


At ito ang pasko sa pinas. Masaya at hindi maikukumpara sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa ibang bansa.


pahabot na sulat:


may sariling artikulo po ang mga ninong at ninang.










Saturday, December 6, 2008

Mga Tips sa Inuman

Karamihan sa atin, mahilig uminom (hindi lang ng tubig at softdrinks ha). Para bang kakaibang ligaya ang ating nararamdaman sa tuwing humahaplos sa ating mga lalamunan ang lasa ng red horse, sanmig light/strong ice, martini, wengweng, emperador at iba pang mga alak at beer. Tila nalilimutan ang lahat ng problema at pansariling kaligayahan o kung hindi man, kaligayahan ng buong tropa ang nagiging sentro ng buhay. Kadalasang nangyayari ang mga inuman sessions kapag birthday, binyag, reunion, party o kahit trip-trip lang. Lalo na ngayong kapaskuhan na kung saan, kabi-kabila ang kasiyahan. Pero bago pa humaba ang introduction ko, sisimulan ko na ang tunay na motibo ng artikulong ito: mga tips sa inuman

1. Unang una, ilagay ang alak sa tiyan at hindi sa utak. Huwag na huwag ninyo'ng gagayahin ang may akda na kapag nalalasing ay nagpapalipad ng mga plato at baso.

2.Huwag masyadong madaldal. Ok lang kung wala kang itinatago at ikinahihiya. Pero kung malihim kang tao, tumahimik ka muna. Hindi mo alam kung ano'ng pwede mong sabihin kapag nakainom ka na.

3. Maghanda ng plastic o timba sakaling mag-ala slapshock (sumuka) ka na. Hindi mo nasisiguro na walang tao sa restroom kapag nararamdaman mo na gusto'ng lumabas ang lahat ng ininom mo sa tiyan mo.

4. Huwag kagad hihiga matapos uminom. Magtitrigger ito ng pagsusuka. Magmumuka lamang bulkang mayon ang bibig mo na bumubuga ng lava.

5. Hanggat maari, isabay ang pag-inom ng alak sa pag-inom ng tubig. Sabi ng mga kainuman ko, makakatulong daw to para di masyadong maabsorb ng katawan mo ang alcohol. Pero para ka naman tanga at makakantiyawan na loser!

6. Kung sakaling lasing na, alamin ang daan pauwi. Huwag tularan (muli!) ang may akda na sa alabang dapat uuwi pero byaheng baclaran ang sinakyan.

7. Iwasan ang pagiging senti. Sisirain mo lamang ang kasiyahan. Hindi nakatutok sa iyo ang mundo. Baka next time hindi ka na isama sa inuman.

8. Magdala ng camera para sa cum(cam) shots! Manguha ng mga pictures ng mga nakakatuwang eksena ng iyong tropa habang kayo'y umiinom. Maghanap ng magandang eksena tulad ng pagsasayaw ng isa nyong kaibigan, paghahalikan, at pagsusuntukan.

9. Kung hindi ka naman umiinom pero kasama ka naman sa barkada, mag-bottomless iced tea ka na lang. Maki-cheers ka na rin para di ka naman out of place. At sakyan lang ang mga magiging kantiyaw ng tropa.

10. Siguraduhing may pambayad. Wag iasa sa tropa ang pagbabayad sa mga nainom na alak. Hindi na uso ang libre. Maliban na lang kung nagvolunteer ang isa sa inyo na siya na ang sasagot sa bill. Wag masyadong maging makapal ang mukha.

At yan ang ilan lamang sa mga walang kwentang tips sa inuman. Hanggang sa susunod na post aking mga kadamo.



Wednesday, December 3, 2008

Mga Uri ng Manginginom

Napansin ko na tuwing mayroong inuman, lumalabas ang mga karakter ng bawat indibidwal lasing man o hindi. Mga iba't ibang personalidad. Mga iba't ibang paguugali. Narito ang iba't ibang uri ng manginginom. Maaaring may ibang tao na kumbinasyon ng mga nabanggit. (credits go to kwentongbarbero.com this weekend ako magpopost ng sarili ko'ng likha.)



THE PLAYMAKER- Sya ang laging tanggero sa inuman, at minamsadan bawat kilos nyo!



PASSAGE -mhiliG mgPass ng tAgay



THE HIKER -plipat-lipat ng pwesto,iwas tAgay



THE DENIAL -ngpaPanggap na kya pAkAhIt sengl0t na



KID SENTI -mdming naAaLala pg nkain0m na



THE FUGITIVE -umuuwi ng walangpaAlam,nglalah0ng pRang bula



KUNG FU -KUNG FUmulutan mlupet,tirad0r ng pulutan,ginagawang picnic



THE CH0SEN 0NE -0fficial runNer stindahan,bli yelo,y0si,alak



UWIHI- iihi kunwari pero uuwi na pala



THE BOXER- Pag lasing, bigla na langnanununtok, mabibigla k n lng.



SEX FINDER- Nghahanap ng mayayari kpaglasing!



DEADMAN DRINKER -unang nlalasing





THE ORIGINALS -lage m0ng katagayKaw? Cno ka jan?