Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Sunday, November 30, 2008

I DREAMT OF MY FUNERAL

It was a sunny day. Everyone is in white top and holding a piece of white rose. The ambiance seems sad but what I felt that day was happiness. I saw my classmates, friends, cousins, family, relatives and everyone. They all mourn for the reason I don't know. In a green garden all are gathered. There are tents and white chairs. I saw in the middle Fr. Jeffrey Orbos who is holding a holy water and a booklet. My Aunt is there, she is just silent like my dad. My ate is hugging my daughter beside my bestfriend Cris. My heart beats so fast that there is a clue on my mind. Now a black stretched car came. Men are helping each other on a black casket reaching the center. Then all of a sudden my daughter cried out so loud. I really wonder what is happening. When the casket is already set at the middle a guy opened it and i was shocked it was me! Tears fall on my eyes and I realized it was my interment. I am dead :( The ceremony starts and all of them are crying. There is a huge number of crowd that attended. I still can remember right now the faces that I saw in my dream but one person is missing...After I saw some white pigeons flying with a white lace on their foot. It was really a sad event in everyone's life.

hay... very sad story but I realized one thing! Ang dami pala nagmamahal sakin:) Kahit sa panaginip ko nakita ko ang mga taong yun! Thank you nga pala sa pagpunta sa burol ko!ahahaha!!!:)

Saturday, November 29, 2008

MGA UPCOMING TOPICS NG DAMUHAN

Ito ang ikalawang issue ng damuhan magazine para sa susunod na buwan. At dito sa damuhan ninyo mababasa ang mga future topics na aking ipopost para sa buwan ng kapaskuhan. Inuman sessions issue. Antabayanan lamang ang mga topics sa darating na araw. In the mean time, grap a copy now! Available sa mga suking punerarya, hardware stores at porn shops!



Photobucket

Wednesday, November 26, 2008

Para sa mga Pinoy

Sa lahat ng mga pinoy at mga dayuhan (poreyngers), inihahandog ko ang isang artikulo mula kay F.R. de Luzuriaga na pinamagatang "LIKE LOOKING at MYSELF ON A PINOY MIRROR"





MANILA, Philippines -- Pinoy is what Filipinos call
> each other, a term of endearment. You're Pinoy from
> Pilipino just like you're tisoy from mestizo or chinoy
> from chino.
>
> It's a nickname just as Minoy is from Maximo, Ninoy
> from Benigno, Tinay from Florentina and Kikay from
> Francisca. (But now they're Maxi and Ben and Tintin
and Cheska.)
>
> You've been called indio , goo-goo, Negro, flip,
> noypits. Or Filipino, a biscuit that is brown outside
> and white inside, or a word stricken from the
> dictionary which means "domestic". Ay,lintik!
>
> You're Juan de la Cruz or Mang Pandoy.
You're common tao, masa, urban poor
but also Cecile Licad and Don Jaime, Jose Rizal and Tony Meloto, Shawie and Pacquiao
> and Nick Joaquin -- galing-galing!
>
> Born June 12, 1896, the Republic of the RP is a Gemini, good at connecting, good at loving-loving,
> good at texting and interpersonal skills.
Filipinos like to yakap, akbay, hawak, kalong,
> kalabit. We sleep side-by-side, siping-siping, we go
> out kabit-kabit.
>
> There's lots of us to go around. Someone always to
> listen to a sob story, even in a jeepney, to share-a
> load or to share a TV.
>
> Everyone's tito, tita
>
> Who has a hipag, a bayaw, a bilas, a balae, a
> kinakapatid? Who has an ate, dete, diche, kuya, diko?
> The maids call her ate, the driver calls him kuya and
> everybody is tito or tita.
>
> Who has a Lola Baby, a Tito Totoy, a bosing called Sir
> Peewee, his wife Ma'am Lovely and their kids Cla Cla
> and Cring Cring?
>
> The Pinoy lives in a "condo", a mansion, an apartment, a
> bahay na bato, ilalim ng tulay, Luneta, Forbes Park ,
> --and Paris , too!
>
> He's a citizen of the world, he's in all the villages
> and capitals, colonizing the West, bringing his guitar
> and his bagoong, his walis na tingting, his tabo, his
> lolo and lola.
>
> Where there's a beat, there's a Pinoy. You'll find her
> singing in a nightclub in any Asian city, a musical in London ,
> the Opera House in Sydney . Sure, they've got the
> infrastructure, the theaters and architecture. Who but
> Pinoys direct their plays, or trains their company
> managers, and imports our teachers, by the way?
>
> Viagra to Victoria 's Secret
>
> Look at that baggage-all pasalubong, none for herself.
> From bedsheet to hair color, Toblerone to carpet,
> Viagra to paella pan, Victoria 's Secret to microwave.
>
> Hey, Joe, don't envy me 'cause I'm brown, you'll get ultra violet from that sun and turn red not brown.
>
> Just lucky, I guess. GOD put us all in the oven, but
> some were uncooked and some were burned, but me, I
> came out golden brown!
>
> Hey, Kristoff! Hoy David and Ann! Your Pinoy yaya
> makes your kids gentler, more obedient, she teaches
> them how to pray. Hey Big Brother! Hey Grandma Moses!
> Who but Pinoy nurses make your sick days easier all
> the way?
>
> We made the jeepney, the karaoke, the fluorescent
> bulb, the moon buggy. We invented People Power and
> crispy pata; popularized virgin coconut oil, scaled
> the Everest and made it with Cebu furniture abroad
> among the best. Ever trying for the Guinness World
> Record-with the longest swim of a child, the longest
> kiss, the longest longanisa.
>
> Linguist
>
> The Pinoy is a linguist. "As in". "As if". "For a while". "Open the light". "Close the light". "Paki ganyan naman ang kuwan sa ano?"
"Tuck in". "Tuck out". "Don't be high blood".
> "If you're ready na, I'll pass for you".
>
> Hayop; Hanep! Bongga ka 'day, feel na feel kita, kilig to the bones ako. Don't make wala, don't make tampo.
> Taralets na, babes, let's go, nababato na ang syota mo.
>
> I'm inviting you to my party, please RSVP. Oo means 'yes' or 'maybe,' or 'yes if you insist,' or 'maybe if it doesn't rain.'
>
> 'Yes' is also a nice way of saying 'no.' Yes, hindi
> kita sisiputin. 'No,' eto na ako at ang barkada ko.
> Please don't ask a Pinoy a question like that!
>
> Just flows
>
> She's not so exact, not so chop-chop, she just flows
> and flows.
> Filipino time? Naku, huli din naman ang Kano !
>
> The Pinoy finds time to be nice, to be kind, to
> apologize, to be there when you're depressed, to help
> you with your utang and your wedding dress.
>
> The Filipino is a giver, never mind what it does to
> his liver, never mind what it takes. Hardships of the
> Third World don't dry up his blood, they just make him more compassionate, more feeling, of the other guy's lot.
>
> Note that the maid sends all her wages home to ailing
> daddy. She is the OCW whose labor of loneliness
> created the original katas ng Saudi.
>
>'Bahala na'
>
> The Filipino is fearless, bahala na si Batman, which
> actually means Bathala na or 'leave all to God.' Okay
> lang if I die by bitay, okay lang if I live, okay lang
> if I survive by the skin of my teeth.
>
> Saway ni Inay: Di ka naman Bill Gates, di ka naman
> French, mahirap nang magbuhat ng sarili mong bench.
>
> Be Pinoy! Enjoy!
>
> --
> Life should NOT be a journey to the grave with the intention of
> arriving safely in an attractive and well preserved body, but rather
> to skid in sideways, chocolate in one hand, Diet Coke in the other,
> body thoroughly used up, totally worn out and screaming: 'WOO HOO what
> a ride!'









Sunday, November 23, 2008

Mga Iba't ibang Larawan ng Kalsada




Sa aking paglalakbay sa ating mundong ibabaw, sa madalas na pagpasok sa trabaho, sa araw-araw na pagkokomyut, maraming makukulay na kwento ang aking nakikita. Lahat ng to, nangyayari sa kalsada. May malungkot, masaya, nakakainis at nakakainspire na mga pangyayari. May mga tao o bagay na talaga namang pupukaw sa aking atensyon.

Sidewalk. Bangketa. Isang ligtas na lugar na dapat lakaran ng mga tao para hindi sila maaksidente ng mga rumaragasang sasakyan gaya na lamang ng bus, jeep o truck. Pilit pinapalawak at pinapaganda ng MMDA para mas maging komportable sa mga sibilyan. Pero napapansin nyo ba na sa halip maging daanan ito eh nagiging instant convenience store? Oo. Tama. Tumpak. Wala ka nang madadaanan dahil sa mga illegal vendors na nakaharang sa bangketa. Anumang pagpupursiging gawin ng MMDA para maitaboy ang mga ito, pilit pa rin silang bumabalik. Paulit-ulit na proseso. Parang water cycle. At ang resulta? Sa kalsada na mismo naglalakad ang mga tao. Dahilan para madaling mahagip ng mga walang disiplina sa pagmamanehong drayber. Halimbawa nito ay aking nasaksihang pagpapalayas ng mga MMDA sa mga sidewalk vendors dito sa Alabang. Walang awang kunumpiska ang mga paninda, nilagyan ng gaaas at hindi na muling ibinalik sa mga tindera. Hindi pansin ang paghihinagpis at pagmamakaawa. Matapos paalisin ang mga illegal vendors, sinimulan nilang lagyan ng pink fences ang mga sidewalks para daw maiwasan ang paglalakad sa kalsada ng mga wala ring disiplinang pedestrians.

Iskwater. Mga taong nakatira sa ilalim ng tulay, sa gilid ng riles ng tren, sa tabi ng polluted ng ilog at kung saan-saan pa. Mga NPA: No Permanent Address. Ilegal ang tubig, jumper ang kuryente, tagpi-tagpi ang bahay at puro gulong ang bubungan. Pero huwag ka, mas updated pa ang mga ito sa mga technology. May tv, radio, computer, cellphones at iba pa. Kaw ba naman ang libre ang kuryente eh siyempre, sasamantalahin mo na. Yan ay mga class A squatters. Pero meron din namang mga nasa lower class tulad ng mga nakatira sa ilalim ng tulay, at mga natutulog sa bangketa. Di alintana ang lamig sa gabi, o ang mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan. There's no place like home, 'ika nga.

Street Children. Mga batang namamalimos sa kalsada. Walang pakialam sa mga peligrong maaaring idulot sa kanila. Ang iba nama'y nagbebenta ng sampaguita, kumakatok sa mga bintana ng kotse at humihingi ng konting barya. Ang iba naman, nagiging barker: mga nagtatawag ng pasahero para sa mga jeepney driver kapalit ay muli, kakarampot na barya.


Rugby Boys. ito ang walang magawa sa buhay nila kundi suminghot ng rugby maghapon. Enjoy na enjoy sa likidong nakapagpapalabnaw ng utak at nakapagpapanipis ng katawan. Kahit hindi na sila kumain basta maisakatuparan lamang nila ang kanilang libangan. Ewan ko ha pero napapansin ko pa ngang available in different sizes ang kanilang favorite inhaler. May small na nakalagay sa isang plastic ng ice candy, medium pag nasa plastic ng yelo at large kapag nasa supot na ng 7-eleven.

Kotong Cops. Mga buwayang pulis na gumagawa ng dahilan para makapangikil sa mga tao, driver man o pasahero. Kahit anong kaso, iniimbento. At ang tanging paraan para makalusot ka gusot ay ang tumataginting na ube (100), ninoy, (500) at ang ultimatum na trio (1000). Kung sa amerika, kinatatakutan sila, ibahin mo dito sa Piipinas dahil halos karamihan ng tao ay sukang-suka sa kanila dahil sa baluktot nilang gawain. Kaya pati naman ang mga pulis na talaga namang tumutupad sa kanilang tungkulin ay nadadamay sa kasalanang tanging mga buwaya lamang ang gumagawa.


Snatchers - mga mandurukot. Ito ang kanilang full-time job. Mag-aabang ng inosenteng tao para dukutan. May ibang hindi nagpapahalata sa pandurukot pero meron din namang lantaran itong ginaagawa. Ang kanilang paborito? necklace, Cellphone, bag at wallet. Kung mayabang ka at gusto mong ipakita ang iyong 8gb na nokia n81, sige lang, idisplay mo pero wag kang aasang maibabalik yan sa yo kapag napasakamay na ng mga professional snatchers.


Ilan lamang yan. Marami pa ako'ng hindi naidodokumento at yun ay mangyayari sa mga susunod na araw.



Tuesday, November 18, 2008

Starbucks


Chocolate Cream Chip, Mocha Frappe at kung anu-ano pang flavors ng kape. Yan ang makikita mo sa Starbucks. Itinuturing ng marami na pambansang kapihan ng bayan. Parang kabuteng nagsulputan sa iba't ibang parte ng bansa. Tinalo pa nito ang ilang mga malls at fast food chains. Para bang naging adik sa kape ang buong sambayanan. Mabilis pa sa ihip ng hangin na gumastos ng mahigit 100 pesos para sa isang Grande iced coffee. Sa halip na gastusin ang nasabing halaga sa ibang mas importanteng bagay ay nagpapakalunod ang karamihan, not to mention call center peeps, sa isang baso ng kape.


At hindi yan kape ha! Yan ay ayon sa mga social climber na estudyante. "Starbucks is not coffee. They are ground beans with processed chocolate and skimmed milk" Pero kung susuriin mo naman, ano nga ba ang laman ng iniinom nila? Hindi ba't kape! Starbucks is coffee. Period. No erase.

Matalino ang sinumang nagdala ng Starbucks dito sa ating bansa. Pumatok talaga ang marketing strategy. Isipin mo naman, ang isang tipikal na pinoy na gustong magpakasosyal, pupunta doon at oorder ng kape. Uupo sa gilid na kung saan ay makikita siya ng maraming tao na walang pangkape. Aantayin tawagin ng barista ang pangalan nya. Kukuha ng napakaraming tissue paper bilang souvenir. At siyempre, matagal nyang sisipsipin ang kape para mafeel ang ambiance ng sikat na coffee company. Pathetic!


Wala akong galit sa Starbucks. Sinasabi ko lang ang aking point of view tungkol sa paanong ang isang kapehan ay nagawang baguhin ang isang tipikal na pinoy.


Nagstastarbucks din ako. Period.









Sunday, November 16, 2008

Bitter Ocampo, sour graping, selfish etc...

"Palagi na lang late si <insert name here>".

"Ngayon lang un nalate. Kahapon on time un."

"Eh nanguna yata sa class nya eh kaya kala nya pwede nang malate."

Hindi sa pagiging chismoso pero yan ang narinig ko'ng pahayag ng isang tech agent at isang team leader nung napansin nilang wala pa ang kanilang teammate.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nasabi nyang laging late ang taong yun ganung yun ang unang pagkakataon na hindi siya umabot sa takdang oras. Maaaring nasabi lang nya yun at walang ibang ibig sabihin o di kaya'y sinadya nyang banggitin ang mga salitang yun.

"Eh kung d2 kaya sila nagdesign sa floor, mananalo ba sila?"

Iyan naman ang narinig ng aking asset 3 araw matapos ang halloween celebration ng kumpanya na kung saan ang aming wave ang nanalo. Grand slam kumbaga. Panalo sa best theme decor, sa performance at best in costume. Mga nagsasourgraping dahil di sila nagwagi. Bitter ocampo ayon sa aking source.

"Uy papareserve ako sa <insert restaurant's name here> para sa team natin. Kukunin ko ang attendance."

Dumaan ang papel sa mga kabatch nya pero hindi umabot sa mga kabatch ko na nagkataong kateam nila. Ganun ba ang intindi nya sa "team"? Walang pakialam sa mga bagong teammates. Selfish.

Para sa mga taong to, grupo lang nila ang mahalaga. Wala silang pakialam sa mga taong naging bahagi ng team nila. Nasan na ang teamwork? Ang one big happy family? Tinuturing ba nilang kakumpitensiya ang mga bagong salta? Hindi ba dapat eh maging solid ang samahan dahil sa isang kumpanya lang ang pinagtatrabahuhan? Pero hindi na rin ako masyadong magtataka dahil kahit ang isang tao na kawave nila ay ganun nila ituring. Siguro'y nakikita nilang mas nagiging close ito sa mga bagong salta.

In fairness naman, hindi lahat ay ganun. Sa napuntahan ko'ng team, may ilang hindi palakibo. Pero ramdam ko na welcome kami sa team na yun. Kung meron mang may ayaw magextend ng kamay at magbukas ng pinto para umagapay at magpapasok sa mga estranghero, wala ako'ng pakialam sa kanila. Pero sana, naisip din nila na mali ang ginagawa nila. Walang kaso sakin kung ako ang di nila papansinin. Pero ibang usapan na kapag mga kawave at mga kaibigan ko na ang kanilang tataluhin.










Wednesday, November 12, 2008

MUSTA NA?

Hello! '...busy ka?

naku mukha nga... tagal na natin di nagkikita...

tagal mo na ako di dinadalaw... alam mo miss na kita... o sino yang

nagtext sa iyo?... buti pa sa kanya nakapagreply ka agad... napansin ko

ang dami mong ginagawa talaga... ang dami mo ring things to do diyan sa

planner mo ah!

* mapangarap ka talaga noh?... ang dami mong plano ** . nakakatuwa

naman na malaman yan. kasama ba ako sa plano ** mo? ano? naku di ka

agad makasagot... sige okay lang alam ko naman kung ano talaga sagot mo...*

nakita kita nung Friday, aga mo umalis sa office. alam mo ba, ang akala

ko pupuntahan mo ako. ooppss! hindi pala! TGIF (THANK God its Friday)

pala kayo ng mga friends mo. umaga ka na nakauwi ah? naghintay ako

sa'yo. pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako napansin... haaay! kawawa ka

naman siguradong kinabukasan masakit ang ulo mo, tanghali ka na

gigising... Ang dami mong lakad, naghihintay ako na tayo naman ang

maging magkasama kaya lang sa dami ng schedules mo sa trabaho at sa

labas ng off! ice parang malabo .

O sige na, balik ka na sa work mo. i might be eating too much of your

time maging dahilan pa ako para masira ang plano mo sa araw na ito...

gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito lang ako kapag kailangan mo

ako...pag hindi ka na busy. totoo yon! walang biro! ayaw mong maniwala?

Ganon kita kamahal kasi! ayaw mo pa r! ing maniwala? Haaay! remember this,

kahit singit lang ako lagi sa buhay m! o, kahit biglaan mo lang na

natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan ka, nauntog ka o dahil part ang

pangalan ko nung binabasa mo sa text, you will be in my heart always...

trial after trial isipin mo kasama mo ako na lumalakad, hindi man sa

buhangin, kasama mo pa rin ako... sa lahat ng plano mo , kahit hindi m! o ako

kasama perfecting it... para mas maging masaya ka... minsan tayo naman

ang mag-usap ha? minsan ako naman ang dalawin mo...

miss na talaga kita eh...

sa akin hindi ka singit lang...' JESUS






Saturday, November 8, 2008

Birthday Resolution

Ika-8 ng Nobyembre. Muli na namang nadagdagan ang aking edad. Tumatanda na ko. Pero masaya dahil nananatili ako'ng buhay at iyon ay intinuturing kong blessing. Marami nang blessings ang natanggap ko mula kay Lord at wala na ako'ng mahihiling pa. Kahit nga ang pagkapanalo ng pambato ko sa pangulo ng Amerika ay ibinigay Nya. Salamat ng marami. At dahil tumatanda na nga ako ay mayroon ako'ng tinatawag na birthday's resolution na hopefully ay matupad ko.

1. Hindi na ako iinom ng beer ng higit sa 5 bote. Ako ang taong kahit 1 beer pa lang ang naiinom ay nagkaka-amats na at kung anu-ano ang ginagawa. Nagsasayaw, sumisigaw at nagdadrama. Buti na lang at pumapalpak ang mga video camera ng mga kasamahan ko sa tuwing nalalasing ako. Walang ebidensya.


2. Babawasan ko ang sobrang pagkain ng french fries. Ito ang dahilan ng madalas ko'ng pagutot lalung lalo na sa publiko. Malakas ang tunog ng utot ko pero walang amoy. Pero kapag walang tunog, napakabaho!


3. Hindi na ako mag-uubos ng pera sa online games. Nung nauso ang Ran Online at Cabal, gumagastos ako ng mahigit 1 libo para sa mga items na binibili sa item mall para mas mapabilis ang paglelevel ng character ko. Minsan din, bumili ako ng potion na nagrereset ng stats sa halagang 640pesos. Sa buong buhay ko, ito lang ang walang kwentang pinagkagastusan ko.

4. Kakain na ako ng ampalaya. Sana!!!! Sana lang talaga ay magawa ko'ng kainin ang napakapait na gulay na to. Di ko lubos maisip kung bakit pinagpipilitan to sa akin ng mga kaibigan at kamaganak ko. Iba't ibang luto pa ang ginagawa nila pero di matanggap ng panlasa ko.

5. Hindi na ako magpupuyat kakachat. Isa ito sa addiction ko. Laging nakatapat sa harap ng monitor sa dis oras ng gabi kakahanap ng makakausap sa internet. May pasok man ako o wala sa trabaho, lagi ako'ng madaling araw matulog dahil dito. Kaya naman lumalaki ang eyebags ko.


Ilan lamang yan sa mga gusto ko'ng baguhin sa sarili ko. Hopefully magawa ko. Pero sabi nga ng iba, promises are made to be broken. Kaya sana....sana....








Saturday, November 1, 2008

Kapalaran sa Araw ng mga Patay

November 1. Araw ng Patay. Pitong araw bago sumapit ang araw ng aking kapanganakan. Panahon para dalawin ang puntod ng ating mga mahal sa buhay na yumao. Ang iba'y napadpad sa langit. Ang ibang kaluluwa'y sinusunog sa impyerno. Samantalang ang ilan ay patuloy pa ring nananatili sa lupang ating ginagalawan dahil sa "unfinished business".

Pero kung inaakala nyong magkukuwento ako tungkol sa mga multo at maligno ay nagkakamali kayo. Ako'y magbibigay lamang ng inyong kapalaran ngayong araw ng mga patay. In short, horoscope.


GEMINI (May 21-Hun. 21) — Lu­malandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Makabubuting kumi­los kaagad bago mahuli ang lahat. Ang baga­bag, kalungkutan o katamlayan ay napapalitan ng kaligayahan. Subukang gam­itin ang mga numerong 13, 26, 36 at 38. Magsuot ng kulay lavender na siyang lucky color mo for today.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) — Ang hindi pagkakasundo ng mga ideya ang siyang magbibigay ng ka­lungkutan at katamlayan. May ilang tao na nag-iisip na gamitin ka sa pansarili nilang in­teres. Isaisip ang mga lucky numbers mo for the day na 13, 17, 37 at 44. Tandaan na ang lucky color mo sa araw na ito ay orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) — Lawakan ang pang-unawa at matutong mag­paubaya. Malulutas ang sulira­ning bumabagabag sa sarili. Makipag­sapala­ran sa mga numbers 17, 19, 31 at 42 na siyang lucky numbers mo ngayon. Huwag kalimutang ga­mitin ang kulay ivory white na lucky color mo ngayon.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) — Ang pa­tuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak. Malaking tulong ang maibi­bigay ng mga numerong 10, 17, 25 at 29 dahil ito ang iyong lucky numbers at magsuot ng canary yellow sa araw na ito na siya mo na­mang lucky color.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) — Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa iyong kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng matapat at magandang kalooban. Masu­werte naman ang numbers 6, 18, 25 at 44 samantalang sa color naman ay mustard yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) — Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makilala ang isang mayamang biyudo/a na mag-aalay ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Piliin ang mga numbers 7, 12, 23 at 43 dahil ito ang iyong lucky numbers at sa color naman ay royal blue ang dapat gamitin.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) — Maganda ang palatan­daan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May ba­balang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Your lucky numbers and color for the day ay 15, 25, 35, 37 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) — Hinahon at katiwasayan ng pag-iisip ang dapat ipairal. Dahil sa dami ng gawain, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. . Highly-recommen­ded ang numbers 13, 15, 31 at 37 at ang lucky color mo naman for today ay yellow at ang gagamit nito ay lalong susuwertehin.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) — Sundin ang kutob ng ka­looban at hindi magkakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagka­ka­taong madiskubre o mabulgar. Ang lahat ay makikiisa sa mga binabalak. Lucky num­bers at color mo ngayon ay 10, 15, 17, 42 at emerald green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) — Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakiki­salamuhang-sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisi­mula ngayon. Ang sobrang pagpa­pahalaga sa kasintahan ay magha­hatid ng ka­lungkutan. Ang iyong lucky numbers at color ngayon ay 10, 18, 28, 40 at red orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) — Hindi naaayon ang paglalakbay. Iwa­sang mapa­subo sa isang paki­kipag­­sapala­ran. Umaayon ang araw sa ga­waing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon. Big help ang mga num­bers 11, 18, 22 at 40 at gamitin nga­yon ang maroon na siya mong lucky color.

TAURUS (Abr. 20-May 20) — Pakinggan ang pangaral ng nakatatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag padalus-dalos sa gagawing desisyon. A If you will use numbers 5, 15, 30 at 33, you will be lucky sabayan pa ng paggamit ng color midnight blue na kasuotan.