Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Sunday, October 26, 2008

Iba’t ibang tao’ng may masamang ugali

Iba’t ibang tao’ng may masamang ugali.


Ang mga sumusunod na uri ay mula sa aking masusing pananaliksik. Ang sinumang tamaan ay wag magagalit. Ito ay di ko nilikha para manakit ng aking kapwa. Salamat sa inyong pang-unawa.



Ang insecure.



Tila hindi mapakali kapag hindi nadadaig ang tao’ng kinaiinggitan niya. Style ng mga ganitong tao ang makipagkaibigan sa mga tao’ng labis nilang gusto’ng matalo. Naniniwala sila sa kasabihang “know your enemies”. Para sa kanila, isa ito’ng mabisang paraan para mapabagsak ang kanilang itinuturing na kaaway.



Ang Plastic.


Mga tao’ng nakangiti sa iyo pero sisiraan ka pag talikod mo. Kadalasang may kaugnayan ang mga ganitong tao sa imga insecure. Ang ibang taong plastic naman, ginagamit ang pagiging plastic nila para di makasakit ng kapwa. Kumbaga, style nila yon para din a humaba ang usapan. Ayaw ng away kuno. Sa halip na iwasan, Suot-suot nila ang kanilang pekeng ngiti sa kanilang mga mukha.




Ang Industrial Fan.



Isa’ng uri ng tao na ubod ng yabang. Hindi mo na kakailanganin ng aircon kapag kausap mo ang tao’ng ito. Sa sobrang kayabangan niya, magagawa nito’ng mapalipad ang buong sm mall of asia dahil sa lakas ng taglay nito’ng hangin. Pero huwag ka, karamihan sa mga pinagyayabang nito ay walang katotohanan.




Ang Supersawsaw. (see Epal article)



Mga tao’ng mahilig umepal. sa mga bagay o isyu na kahit bali-baligtarin natin ang mundo eh indi naman talaga karapat-dapat na pakialaman. Kapuna-puna ang kaepalan kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na indi naman kailangan sumali eh pilit pa ring isinisiksik ang sarili na parang mga ipis na sumusuot sa isang butas habang ini-spray-an ng baygon.




Ang Silent Mode.




Mga taong walang pakialam sa ibang tao. Mabibingi ka sa katahimikan ng mga ito. Iban’g iba sa mga supersawsaw na talagang madaldal. Tila naputulan ng dila ang mga ito dahil sa tipid ng mga sagot sa taong nagtitiyagang kumausap sa kanya. Bukambibig: yup. Ahh. Ok lang. Ok.




Ang Pikon.




Mga tao’ng di marunong tumanggap ng joke. Wala sa bokabularyo nila ang kasabihang “ Ang Pikon ay Laging Talo”. Laging sineseryoso ang bawat biro na lumalabas mula sa bibig kahit ng kanilang mismong kaibigan.




Ang Indiyan.




Mga tao’ng mahilig magsabi na pupunta o darating siya sa mga lakad at gimmicks pero di naman susulpot at magiging drawing na lang. Nang-iindiyan. Asahan mo’ng biglang magkakaroon ng maraming dahilan para makalusot sa di pagtupad sa kanyang ipinangako. Wala sa bokabularyo ang salitang “commitment”





Wednesday, October 22, 2008

Kailan ka dapat umepal

Sinend lang sa aking email. I don't take credits for this.


Napapansin ko kasi na marami sa atin ang mahilig makisawsaw sa mga bagay o isyu na kahit bali-baligtarin natin ang mundo eh indi naman talaga karapat-dapat na pakialaman. Kapuna-puna ang kaepalan kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na indi naman kailangan sumali eh pilit pa ring isinisiksik ang sarili na parang mga ipis na sumusuot sa isang butas habang ini-spray-an ng baygon. Nakakatawa. Isang patunay na kahit walang pera sa pag-epal, napakarami nila at bukod sa ginagawa nila itong hobby, ito rin yata ang stepping stone nila para ma-discover ng mga talent agent.




Minsan tuloy nalilito ako kung anu ba ang gustu nilang mangyari…Ang Magpatawa lang (payaso itu..) o Ang maging eksenadora/o (haha toilet bowl??) lang kahit sandali, parang 30 secs. to Fame ang dating. Kaso laging ang baho ng pasok. Imbes na makatulong, kadalasan ito pa ang sinisimulan ng mga indi magaganda pang eksena. (siguro yon ang gustu nila ayaw pa magpahalata.) At pag ganun na ang palabas, ang sarap maglipat ng channel o kaya makinood ng palabas sa ibang bahay…o minsan basagin mo na lang yung eardrums mo para tuluyan ka ng walang marinig.




Napakahirap ba talagang magpatay-malisya sa mga bagay para lang maging peaceful ang mundo na iniikutan? Mabigat ba mashado kapag mas inuna mo ang mga bagay na magpapasaya sayo kesa sa umepal? Pwede bang minsan wag mo nang isipin na lahat ng bagay eh patungkol sayo? Dahil sa totoo lang, no offense pero sobrang indi. Kung nakakabingi ang katahimikan kaya ka nag-iingay na parang nu yir para lang mapansin…please lang spare yourself. Kasi sa huli, walang ibang magmumukhang tanga kundi ikaw lang. Walang aako sa posisyon na yon para sayo.




Every action has an equal and opposite reaction. Kung ang pag-epal na lang ang natitirang paraan para sumaya ang araw…sana isaisip natin na indi lahat ng tao mababaw ang kaligayahan. Indi lahat ng nakakatawa para sayo ay nakakatawa rin sa iba. Indi lahat ng akala nating tama ay tama rin sa iba. Marami tayung maling akala sa buhay natin. Madali maging tao, mahirap ang magpakatao. Walang ibang nagpumilit kung bakit tayu nasa isang sitwasyon kundi ang mga sarili natin. Mahirap maintindihan ang mga bagay na sadyang ayaw lang intindihin at walang ibang gagawa nun para sa’tin kundi ang mga sarili natin.




At sa susunod na nagbalak kang umepal sa isang sitwasyon, tingnan mo muna kung wala kang masasagasaan dahil indi laging pasko o bertdey mo para ma-abswelto ka. Kung iniintindi ka nila palitan mo naman ng pag-intindi dahil tulad mo, hirap din sila magpakatao para sayo.





Monday, October 20, 2008

Quotes ni Bob Ong

PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para
mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga
lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para
alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..
Dapat
lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw
ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di
mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto
silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa
bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang
puso
mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung
magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na
kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong
isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak,
atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW
mismo!"

PAG-AARAL

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo
dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na
walang
pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng
syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung
kanino
ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming
subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka.
Isa-isa
tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga
alaala ng
kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap
nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang
paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga
taong
literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang
dekada
ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga
kabataan,
sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple
choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na
sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi
base sa
kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga
isinulat
o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang
nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung
saan ang
mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak
mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang
sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa
pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa
kili-kili.
Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at
bait
sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo
mang
kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World
Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong
pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi
nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa
jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter
dahil
nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon
ka
man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos
ang
oras."

HALO-HALO

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman.
Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha
ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na
ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong
sa'yo
- ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro
namigay
ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana
ang
utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto,
responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao,
tulad
ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng
wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali !!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un,
dapat
matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In
English,
FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"






Saturday, October 18, 2008

Kwento ni Bino (Pagpapatuloy)

Sa pagpapatuloy ng aking kwento, matapos ko'ng makagraduate ng kolehiyo, akala ko ay tapos na ang problema at kamalasan sa buhay ko. Nakahanap ako ng magandang trabaho bilang isang analyst. Dun ko nakilala ang unang babae sa buhay ko. Ang aking unang pag-ibig. Noo'ng mga panahong iyon, may iba siyang mahal. Kaya nanatiling tikom ang aking bibig at ang aking puso sa aking nararamdaman sa kanya. Masaya na ako'ng nakikita syang masaya sa piling ng iba.

Pinanalangin ko'ng magkahiwalay sila. That's the selfish thing that I did. And so it happened. Nagkaroon ng problema ang relasyon nila dahil sa isang issue: religion. Baptist siya. Katoliko ang boyfriend nya. At yun ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ilang beses ko rin siyang nakitang umiiyak dahil sa pangyayaring iyon. Awang-awa ako sa kanya ngunit sa kabilang banda'y natutuwa dahil malaya na siya.

Nagkaroon ako ng pagkakataong maging kaibigan siya. Sabay kami lagi kumain, at pati pag-uwi ay hatid-hatid ko siya. Makalipas ang ilang buwan, naging kami. Masayang masaya kaming dalawa. At hindi naging issue ang pagkakaiba namin ng relihiyon. Nangako ako'ng magpapalit ng relihiyon sa oras na pumayag siyang magpakasal sa akin.

Langit ang nadama ko ng ibigay nya ang kanyang kamay tanda ng pagpayag nyang pagiisang dibdib namin. Plinano namin ang lahat. Gusto namin ng isang garden wedding. Matagal ng preperasyon ang amoing ginawa para maging matagumpay at memorable ang aming pagpapakasal.

Akala ko tuluy-tuloy na ang kasiyahang nadarama ko. Pero nangyari ang lahat ng di inaasahan. Ang aking pinakamamahal na babae, parang sa isang kisap mata'y kinuha na lang ng poong Maykapal.

Namatay siya sa isang aksidente. Hindi ko na babanggitin ang mga detalye. Pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan matapos ko'ng marining ang masamang balitang iyon. No one can imagine how much I cried and how many sleepless nights I spent trying to realize kung bakit sa ganun hahantong ang aming pag-iibigan.

Muli'ng bumalik sa aking isip ang kasabihang maagang kinukuha ng Diyos ang mga may mabubuting puso. At muli, iniisip ko'ng kakambal ko ang malas. Pati ang babaeng mahal na mahal ko, inilayo sa akin. Hanggang kailan ko dadalhin ang kamalasang ito? Hanggang Kailan?






Wednesday, October 15, 2008

Kwento ni Bino



PAALALA: MAY KASERYOSOHAN ANG TOPIC NA TO.


Sabi ng karamihan, ang mga mabubuting nilalang sa lupa, maagang kinukuha ng Panginoon para di na nila maranasan ang hirap sa mundong ibabaw. At ang mga nananatiling buhay, karamihan sa kanila'y masama at nangangailangan ng repentance. Ewan ko kung totoo to. Pero karamihan sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay na sobrang buti ng kalooban, kinuha na ni Lord. Di ko tuloy malaman kung nadamay lang sila sa kamalasan ko.

Bata pa lang ako, malapit na ako sa disgrasya at mga karamdaman. Sabi ng mga tita at tito ko, noong ako'y sanggol pa lang, lubos na ako'ng sakitin. Every week, may lagnat ako. May paniniwala ang mga nakakatanda na para di na daw maging sakitin ang bata, bibilin daw ito ng ibang tao. At yun nga ang ginawa nila. Binili ako ng tito ko sa halagang 5 piso. Pero ala ring nabago. Naging sakitin pa rin ako. Kaya naman binalik din ako sa mga magulang ko.

Grade 1 ako ng una ako'ng madengue. Akala ng nanay ko, mamamatay na ko. Inabutan na kami ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa ospital. Sa awa naman ng Diyos, bago magpalit ng taon ay nakalabas kami. Pagod at puyat ang naranasan ng mga mahal ko sa buhay kakaalaga sa akin.

Kung bubuksan ang laman ng cabinet ko noong mga panahong iyon, puro bote at wrapper ng gamot ang mga nakalagay. Gamot sa ubo, sipon, lagnat, at mga iba't ibang vitamins at ascorbic acid. Lahat ng mga yan, pinaiinom sa akin. Minsan nga amoy gamot na ang hininga ko at ng buo ko'ng katawan. Nagpapasalamat pa rin naman ako dahil di ako lumaking addict.

Nagpatuloy ang pagiging sakitin ko ng tumuntong ako ng highschool. Dala siguro ng pressure sa eskwela, palagi ako'ng puyat. Panay ang gawa ko ng term papers para sa iba't ibang subjects. Akala ko, kaya ng katawan ko. Pero nagkamali ako. Dumating ang araw na di magawang bumangon ng patpatin ko'ng katawan dahil sa hilo. Tulad ng inaasahan, nagdeposito ang mga tita ko (patay na ang nanay ko ng panahong ito) ng pera sa doktor para mapagamot ako. Tumagal ng limang araw ang pagkahilo ko. Kala nga ng ibang tao buntis ako na imposible namang mangyari.

Sa kabutihang palad, tila nilisan na ako ng iba't ibang karamdaman pagtuntong ko ng kolehiyo. Muli na namang tumaas ang mga marka ko at nakagraduate bilang cum laude. Akala ko tapos na ang lahat ng mga paghihirap ko. Pero nagkamali ako. Marami pa palang sumunod...


Itutuloy....








Monday, October 13, 2008

UNANG MAGAZINE COVER NG DAMUHAN!!!

Eto ang unang labas ng damuhan magazine para sa mga loyal ko'ng mambabasa. Ginawa gamit ang adobe photoshop cs3. Mabibili sa mga suking hardware stores, music bars at suking tindahan sa halagang P100. Kaya anupang hinihintay nyo mga kadamo? Bili na! Ooops! Joke lang!


Photobucket



Saturday, October 11, 2008

Officemates

Yehey! Sabado na! Wala ako'ng pasok sa trabaho. Tama. Muli na namang naglalakbay ang inyong lingkod papunta'ng lungsod ng Makati para magtrabaho. Yun and dahilan kung bakit hindi ako nakapagupdate ng blog ko. Pero dahil weekends ngayon, magagawa ko'ng magpost ng topic na may kaugnayan sa aking trabaho.

Sa unang araw ko sa opisina, iba't-ibang uri ng tao ang aking nakasalamuha. May mga ok at meron din namang mga so-so. At meron ding out of this world. Heto ang ilan sa kanila.

Ms/Mr. Friendship - sila ang mga taong madaling makisama. Walang masamang tinapay para sa kanila. Magaling makisama at laging may positive outlook in life.

Musicians/Singers - marami sa mga office mates ko ang musically inclined kaya naman nakasundo ko sila dahil pareho kami ng hilig. Merong sumasali sa mga singing contest. Meron din namang nagpeperform sa ibang bansa kasama ang kanyang banda. Meron di namnag tumutugto ng gitara.

Mr. Oldy - siya ang pinakamatanda sa batch namin pero sabi nya, late bloomer daw siya. Halata naman. Hehehe. Pero may paninindigan sa karapatan nating mga lalaki ang manong! Kapag may tumutuligsa tungkol sa mga men, asahan mong para siyang abugado na ipagtatanggol at itatayo ang bandera natin.

Mr. Happiness is a choice - hanga ako sa taong ito. Akala ko nung una straight siya. Pero nung nagkaroon kami ng activity tungkol sa mga motto namin sa buhay, yan ang sinulat nya. "Happiness is a choice". Walang takot nyang inamin na bisexual siya. At di nya alintana ang sasabihin ng ibang tao.

Komedyanteng Nanay - siya ang pinakamaingay sa klase. Kahit medyo English Only Policy ang sistema sa office ay nagtatagalog siya na ok naman kahit sa trainer namin. Makalaglag panga ang mga banat nyang punchlines. Although minsan ay sumusobra na, ok pa rin.

Babaeng Loner - siya naman ang walang pakialam sa mundo. Napakatahimik at aloof nya sa klase. Walang cooperation. Parang naglalakbay lagi ang diwa.


No Boyfriend/Girlfriend Since Birth - mga di pa nagkakaroon ng relationship since birth. Yung babae, mataas ang standards. Yung lalaki naman, family first ang banat.


Mr Dunung-dunungan - siya ang taong hindi ko makakasundo. Kala mo lahat alam, pero karamihan sa mga sinasabi nya, barbero. Hehehehehehe. Para bang gusto nyang maiba sa lahat. Walang kwenta.


At yan ang ilan sa mga officemates ko. Iba't ibang personalidad ant outlook sa buhay. Nasabi ko ba na iisang batch lang kami mapupunta pagkatapos ng training? Kaya naman dapat ay mabuo ang isang samahang matatag at nagtutulungan. Sana....








Wednesday, October 8, 2008

Patalastas... Busy Uli

busy si bino... na naman.


Pasensya na po. May bagong pinagkakaabalahan po kasi ako kaya di ako nakakapagpost. As you can see, the last topic that I posted ay yung Q&A portion noong sabado. Pero don't worry, i'll be posting my articles on Saturday. So please, to all my readers, wag po kayo'ng magsasawa. Basta leave lang kayo ng messages nyo sa shoutbox.


Salamat. ^____^



Saturday, October 4, 2008

Q&A Portion ng Damuhan

Isang question and answer portion ng nag-iisang bino, ang may-ari ng damuhan.


Q: Ano ang tunay mo'ng pangalan?
A: Gusto ko sana'ng ibigay ang real name ko pero dahil sa mga death threats na natatangap ko, minabuti ko na lang na itago ang pagkatao ko sa pangalang Bino. Pero kung babasahin mo ang profile ko, nandun yata ang real name ko.

Q: Ano ang iyong trabaho?
A: Noong una, isa ako'ng web developer. Naging data entry analyst at call center agent at quality assurance officer. As of this writing, isang dakilang tambay na nagtuturo ng inggles sa mga koreano.

Q: Ah, dami mo na palang napasukan.
A: Di yata yan tanong eh.

Q: Ay oo nga noh? Hehehe. Bakit mo naisipang gumawa ng blog?
A: Dati na ako'ng gumagawa ng website sa geocities, freewebs at iba pang free web service providers. Kaya para naman maging in ako, gumawa ako ng blog.

Q: Bakit damuhan?
A: Nagmula ang damuhan sa salitang damo, isang uri ng halaman na kung saan-saan tumutubo. Basura nga ang tingin ng karamihan pero masarap sa pakiramdam kapag nahihigaan at inuupuan.

Q: Madalas ka bang tumambay sa damuhan?
A: oo naman! Kadalasan sa bermuda grass pa nga sa loyola park kami tumatambay ng mga barkada ko. At habang nakatambay, nakakapagkuwentuhan kami ng kahit ano sa ilalim ng araw at buwan.

Q: Yun ba ang dahilan kung bakit damuhan ang title ng blog?
A: Tumpak! Dahil kahit ano pwedeng mapagusapan habang nakatambay at nakahiga sa luntiang damuhan. Kaya dun ko naisip na ipangalan ang blog na ito.

Q: Napansin ko'ng wala kang advertisement sa site mo gaya ng adsense? Ayaw mo bang kumita ng pera sa pagbablog?
A: Lahat ng tao naghahanap ng mapagkakakitaan. Ginawa ko na ito dati sa blog ko. Pero naisip ko'ng di naaangkop ang mga ads dito. At isa pa, di ko priority ang pera nung nilikha ko to.

Q: Ano naman ang masasabi mo sa ibang blog na puro ads?
A: Kanya-kanyang trip yan. Pero ang sa kin lang, kung gagawa ka ng blog, siguraduhin mo na may laman ito. Hindi puro ads lang. Hindi nagpupunta ang mga mambabasa sa blog kung advertisements ang habol nila. At hindi lahat, nadadaan sa ads.

Q: Ano naman ang masasabi mo sa ibang tao na nagsasabi'ng ginagaya mo daw si Bob Ong.
A: Opinyon nila yun. Halos lahat ng humorous blog na sinusulat sa tagalog, feeling ng karamihan, gumawa kay Bob Ong. Pero aaminin ko na isa siya sa mga inspirasyon ko para sa blog na ito. At aaminin ko rin na ang Q&A portion na ito ay nakita na rin sa mga libro niya.

Q:Ano naman ang maipapayo mo sa mga gusto'ng gumawa ng blog?
A: Importante na gusto mo ang ginagawa mo. Walang mararating ang blog mo kung napipilitan ka lang. Kung gagawa ka, kilalanin mo kung ano'ng audience mo. At huwag maiinggit sa ibang bloggers.

Q: Pano ka pala nila makokontak?
A: May friendster account ako na pwede nyo naman makuha in private. Send na lang kayo ng email sa damuhan_contributions@gmail.com. Pwede rin kayong magtext. Itype ang DAMO MENSAHE PANGALAN EDAD GENDER I LOVE YOU at isend sa 14344.

Q: Any message for your fans?
A: I'm sorry.I'm nosebleed alreydi. Can you make that tagalog?

Q: May mensahe ka ba sa mga mambabasa mo?
A: Maraming salamat sa pagtangkilik nyo sa damuhan. Thank you bench for my wardrobe, adidas for my shoes, replay for my eyewear....