Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, September 29, 2008

Pampahasa ng Inggles

Isa na namang email ang aking nareceive na hindi pwedeng hindi ko isheshare sa inyo. Pampahasa daw ng Inggles.




Pampahasa ng Ingles



We' ve been friends for a long time ago. We come from the same alma mother. Actually, our paths crossed one time on another. But it's only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the eyes.



The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, "I hope you don't mine. Can I get your number?"



Nag-worry ako. What if he doesn't give it back? He explained naman na it's so we could keep intact daw. Sabi ko, "Connect me if i'm wrong but are you asking me ouch?"



"The!?!!??". .. ang sarcastic na sagot nya. Aba ! The verb! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears.



Na-guilty yata siya. Sabi niya, isipin mo na lang na this is a blessing in the sky. Irregardless daw of his feelings, we should go
ouch na rin.



Now, we're so in love. Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I'm 33 na and I'm running our time. After 2 weeks, he plopped the question. "Will you marriage me?" I'm in a state of shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it's four! This is true good to be true. So siyempre, I said yes. Love is a many splendor.



Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything swell to pieces.


Nag-di-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng humirit ng, "Well, well, well. Look do we have here." What the fuss!



The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her, whatever is that, cut me some slacks! I didn't want this to get our
hand kaya I had to sip it in the bud. She accused me of steeling her boyfriend.



As is!!! I don't want to portrait the role of the other woman. Gosh, tell me to the marines! I told her, "please, mine you own business!"
Who would believe her anyway?



Dahil it's not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I'm so
happy. Even my boyfriend said liketwice. He's so supportive. Sabi niya, "Look at is this way. She's our of our lives."



kaya advise ko sa inyo - take the risk. You can never can tell. Just burn the bridge when you get there. Life is shorts. If you make a
mistake, we'll just pray for the internal and external repose of your soul.



I second emotion.



Thank you.




Saturday, September 27, 2008

Pinoy Movie Lines

Madalas ako'ng nangongolekta ng mga linya mula sa pelikulang pinoy. Minsan, tinatanong ako ng mga officemates ko kung bakit ko ginagawa to. Ang sabi ko, natutuwa lang ako sa mga imortal na linyang ito. Naalala ko pa ngang ginagamit ko ang mga linya ng pelikula sa kanila. Pero ang madalas ko'ng gamitin dati ay ang linya ni Sam Milby sa teleseryeng (oo! di ito movie!) Maging Sino ka Man. Kung ikaw ay isang true-blooded kapamilya, malamang alam na alam mo ang linyang "I never... said.... that I love you!". Ngayong araw na to, popost ko ang mga linyang aking napanood sa iba't ibang pinoy movies at ang iba nama'y nabasa ko sa iba't ibang forums.





1. “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!"—Cherie Gil, “Bituing Walang Ningning” (1985)




2. “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”—Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig” (1985)




3. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!"—Nora Aunor, “Himala” (1982)




4. “My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!"—Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo” (1976)




5. “Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?"—Hilda Koronel, “Gaano Kadalas ang Minsan” (1982)




6. “Ayoko ng tinatapakan ako. Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!"—Maricel Soriano, “Kaya Kong Abutin ang Langit” (1984)




7. “Hayop... Hayuuup... Hayuuupppp!"—Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo” (1979)




8. “Trabaho lang ito, walang personalan.”—Rudy Fernandez, “Markang Bungo” (1991)




9. “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!"—Vilma Santos, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” (1987)




10. “Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!"—Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi” (1983)




11. “Akala mo lang wala... pero meron! Meron! Meron!"—Carlo Aquino, “Bata, Bata...Paano Ka Ginawa?” (1998)




12. “Gutay-gutay na ang katawan nyo... pati na ang kaluluwa nyo!"—Sharon Cuneta, “Pasan Ko ang Daigdig” (1987)




13. “Sabel! This must be love!"—Carmi Martin, “Working Girls” (1986)




14. Sharon: “Ang problema naman sa ’yo, huli kang ipinanganak!"—Fernando Poe Jr. and Sharon Cuneta, “Kahit Konting Pagtingin” (1990)





15. “Wala akong pakialam… ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo ang... ahhhhh!"—Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap” (1983)




16. “Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!"—Sharon Cuneta, “Dapat Ka Bang Mahalin” (1984)




17. Alice: “Mamamatay ako, Ate, pag kinuha mo sa akin si Alex!”


Lorna: “Ipalilibing kita.”

Alice: “Ate, please!”

Lorna: “Nung inagaw mo sa ’kin si... muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay.”—Lorna Tolentino and Alice Dixson, “Nagbabagang Luha” (1988)



18. “Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.”—Vilma Santos, “Relasyon” (1982)




19. Rene: “Cheetaehhh... ganda lalake!”



Echo: “Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!"—Rene Requiestas, “Starzan”




20. “Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"—Vilma Santos, “Sister Stella L.” (1984)






Thursday, September 25, 2008

Torpeng Pinoy

Tahimik ako'ng nagmumuni-muni sa kaligayang nadarama ko ng biglang umalingawngaw sa ere ang isang kanta:


"Pano na kaya, di sinasadya, di kayang magtapat ng puso ko
bakit sa dinami-dami ng kaibigan ko, ikaw pa?"

Gusto ko'ng murahin ang may likha ng ingay na yun dahil naistorbo nito ang pagmumuni-muni ko ngunit agad ko'ng napagtanto na mula pala iyon sa aking cellphone. Noon ko lang naalala na nagpalit pala ako ng message alert tone.

Agad kong dinukot sa aking bulsa ang telepono at binasa ang mensahe.

"Boy: Miss pahiram naman ng pen mo saglit lang pls?
Girl: ok
Boy: nyay ayw nmn sumulat o?
Girl: Pwd yn, kkgmit ko lng nyan knna eh
Boy: Weh! cge nga sulat m nga # m?"


Oha!

Isang text message mula aking officemate. Tungkol sa kung pano dumiskarte ang isang lalaki sa babae.

May fighting spirit kumbaga ang isang taong kaya yang sabihin sa harap ng isang babae. Pero iba ang kaso sa isang torpeng pinoy. At ang lesson natin ngayon mga bata ay tungkol sa isang torpeng pinoy!!!

Para sa akin, may apat na uri ng torpeng pinoy. At ito ay ang mga sumusunod:


1. Mr. Shyguy - di gaya ng mga taong singkapal ng aspalto ang pagmumukha, mahiyain ang torpe sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa kanyang napupusuan.

2. Mr. Pipi - magaling sa communication skills pero biglang nawawala ang dila kapag kaharap ang kanyang lihim na minamahal. Kulang na lang na pati ang tonsil ay malunok dahil sa di pagsasalita.

3. Misteryoso - dahil may pagka mr. shyguy din, dinadaan ng mga ganitong tipo ang pagpapahayag ng kanilang damdamin sa mga sulat at text. Gamit ang alias ng
"Mr. Right", "RockyRoad", "Dudung" atbp, nagpapadala sila ng mga love quotes o love letters sa kanilang mahal.

4. Mr. Stalker - lihim na sinusundan bawat galaw ng kanyang minamahal. Alam lahat ng schedule of activities. Para bang si big brother. Laging updated.

Kaya ang isang torpe, gaano man kagaling sa academics o trabaho, matalino man o may yaman, pag nanatiling torpe, siguradong parang coke ang lovelife: zero. Natural alam ko, dati rin ako'ng torpe. :)












Tuesday, September 23, 2008

Ano'ng Themesong Mo?

Mahilig ang mga pinoy sa kantahan. Minsan nga, kahit ang musika ay walang hilig sa isang tao, ipagpipilitan pa rin nito ang sarili para makakanta. Wala ring pinipiling lugar ang mga pinoy sa pagkanta. Bahay, eskwelahan, simbahan, o kahit sa trabaho, tiyak may nagkakantahan. Kaya naman iba-ibang genre ang nalikha para sa mga tao'ng may iba't ibang tipo ng musika. Nandiyan ang rock, pop, jazz, blues, ballad atbp. At para sa mga romantiko, nandyan ang mga love songs. Madalas ginagawang themesongs ang mga ganitong uri ng kanta. At para sa ilang ko'ng mambabasa na naghahanap ng themesongs para sa iba't-ibang sitwasyon ng kanilang buhay, narito ang ilan:


Martir ka ba at laging hingahan ng problema sa lovelife ng kaibigan mo'ng minamahal mo rin? Pwes bagay sa iyo ang kantang KUNG AKO NA LANG SANA ni Bituin Escalante.


Nakatali na ba ang puso mo pero biglang tumibok para sa iba? KUNG MALAYA LANG AKO ni Kris Lawrence ang bagay sa trip mo.


Hinahanap mo pa rin ba ang sarili mo? Di mo ba malaman kung ano ang tunay mo'ng pagkatao? O baka alam mo na pero ikinahihiya mo. Pakinggan mo ang kantang HIDING INSIDE MYSELF.


Marami ba'ng nanlalait at nangmamaliit sa yo? Be proud ka dapat sa sarili mo! Wag mo'ng pansinin ang paninira ng iba'ng tao dahil sabi nga sa kanta ni Christina Aguillera, YOU ARE BEAUTIFUL!

Umiibig ka ba sa kaibigan mo ng di sinasadya. Natatakot ka bang malaman nyang minamahal mo siya dahil baka bigla na lang magbago ang lahat? Mukhang pareho kayo ng sentimyento ni Bugoy Drilon sa kanyang awiting PANO NA KAYA.


Pareho ba kayo'ng may nararamdaman sa isa't isa pero masyado pang bata para pumasok sa isan'g relasyon? Ok lang yan, kung kayo talaga sa hinaharap, eh di kayo! Basta ba kaya nyong ipangako sa isa't isa ang isang bagay tulad ng kanta ni Mark Bautista at Sarah Geronimo na AKO'Y MAGHIHINTAY.


Assuming ka ba na ikaw ang nagugusutuhan dahil sa mga nabasa mo sa talaarawan nya pero iba pala ang tinutukoy nya? DIARY ng Bread ang bagay sa yo.


Nung una ba, dull ang buhay mo at parang laging may kulang pero biglang nabago nag makilala mo siya? Bagay sa yo ang NOW THAT I HAVE YOU ng The Company.


At yan ang ilan sa mga nababagay na themesongs para sa iba't ibang sitwasyon mostly tungkol sa love.








Nagbabalik!!!

Matapos ang limang araw ko'ng pagbabakasyon sa Baguio, nandirito na naman po ako'ng muli. Miss nyo ba ko? Hehehehe. Bweno, sa aking pagbabalik, hatid ko ang mga iba't-ibang artikulo na maari'ng magustuhan ng mga nagmamahal sa akin at pintasan naman ng mga naiinggit lang. Kaya mula sa araw na ito, antabayanan ang mga future posts ko. At muli, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa damuhan.


Wednesday, September 17, 2008

oops... busy po

Nag-aantay ba kayo ng susunod ko'ng post? Ipagpaumanhin po ninyo dahil ako'y busy ngayong linggo'ng ito. Pupunta po kasi ako ng Baguio at mananatili dun ng 5 araw. Wag po kayo'ng mag-alala. Babalik po ako sa monday night at magpopost muli sa tuesday. Salamat sa inyong pang-unawa.





Monday, September 15, 2008

Mahiwagang Tinig (ang pagpapatuloy)

Maaga ako'ng nagising kinabukasan. Agad ko'ng pinuntahan ang landlady ko upang itanong ang mga nasaksihan ko kagabi.

"Ate, talaga po ban'g may kakaibang nangyayari dito sa apartment nyo?" tanong ko.

"aba'y wala. Matagal na ko dito at 10 taon na yang apartment na pinatayo ko pero ni isa'ng multo o anuman ay wala ako'ng nakita." sagot niya.

"Ah ganun po ba? Wala po bang alamat tong lupa na kinatitirikan ng bahay na to?"

"Iho, siguro nagdadrugs ka noh? Wahahahha" Ang tanging naisagot na lang ng landlady ko.


Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa opisina. Pansamantalang naalis sa balintataw ko ang pangyayari'ng yaon. Masaya ako'ng nagtrabaho at nagmonitor ng mga recorded calls ng aking mga agents. (dahil sa qa specialist ako, morning shift ako)


Alas nuwebe na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Dala ng sobrang pagod at stress sa mga managers, di ko na nakuha pan'g kumain. Naglinis na lang ako ng katawan at agad dumiretso sa aking higaan.

Pasado alas-dose ng madaling araw. Muli ko na namang narinig ang tinig.

"Bino!!! Di mo bah ako tutuhlungannnn? Ihlang arawww nah akhong nahihirapaaaan!"


Biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib. Para'ng naging silent movie ang buong apartment na tinitirhan ko at tanging tibok ng puso at ang boses na yun ang aking naririnig.

Sa kabila ng kahindik hindik na tinig, nanaig pa rin ang lakas ng loob ko at tinungo ang banyo kung saa'y patuloy ang hikahos na tinig.


"Nasan ka!!! Magpakita ka!" sigaw ko.


"Patuloy kang nagbubulag-bulagan! Ilang araw mo na kong pinapabayaan!!!" galit na sabi ng tinig


Nilibot ko ang buong banyo pero ni anino ay wala ako'ng nakita.


"Imulat mo ang iyong mga matahhhhh! Nandito ako!!!" ang sabi ng tinig


"ikaw!!! Hindi!!! imposible!!!" ang sagot ko.



"Ako nga. Responsibilidad mo ako pero ni hindi mo ko binibigyan ng pansin!!!!" ang sabi ng tinig.


Noon di'y natauhan ako'ng bigla. DI ko na naisip na napabayaan ko siya. Dahil sa madalas na trabaho. Bihira ako'ng makapasok sa banyo at sa office na lamang naliligo.

"patawarin mo ko. Ano'ng maaari ko'ng gawin?" tanong ko.


"Gawin mo ang nararapat." ang sabi nya.


Agad ko'ng kinuha ang toilet cleaner, asido, pamboba at 3 timbang tubig.

Binuhusan ko siya ng ilang ulit.

Maya-maya pa, tila nagliwanag na ang lahat.

"Hayyy. Salamat bino. Ngayo'y matatahimik na ko. Basta lagi mo'ng tatandaan ang mga responsibilidad mo." sabi niya.


"Lagi ko yang itatanim sa aking isipan." sabi ko.


Mula noo'y lagi ko nang pinananatiling malinis ang inodoro sa tuwing ito'y gagamitin ko. AT mula nga noo'y natigil na ang pagpaparamdam ng mahal ko'ng inodoro.


wakas








Saturday, September 13, 2008

Mahiwagang Tinig

"Bino... Bino...tulungan mo ko!"






Nagising na lang ako ng maulinigan ko ang boses na yun. Hindi ko pinansin sa pag-aakalang guni-guni ko lang.




"Binooooo! Hiraph nahh hiraphhh na kohh!!.. Tuhlungggan mohhh kohhh!"




Palakas ng palakas ang sigaw. Natiyak ko'ng may tumatawag nga sa akin. Agad akong bumangong mula sa aking kama at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig na yon. Nagmumula ito sa banyo. Dahan-dahan ako'ng lumapit sa pintuan at marahang kumatok.




"tuhlungan mo akoh!" ani ng tinig.




Napansin ko'ng nakatrangka ang pintuan. Hindi kaya may nakulong lang na tao sa loob ng banyo ko? Imposible! Ako lang mag-isa ang nakatira sa apartment na ito.

Agad ko'ng binuksan ang pintuan upang makita kung sino o ano ang nasa loob. Ngunit wala... Wala ako'ng natagpuan. Binusisi ko'ng maigi ang bawat sulok ng banyo. Wala talaga. Minabuti ko na lang na bumalik sa aking kama at ituloy ang pagtulog.

Ngunit sa aking isip ay may naiwang katanungan:

Guni-guni lang ba ang tinig na yun? Kung totoo mang narinig ko yun, bakit sa banyo? Ano ang misteryosong bumabalot dito?

itutuloy...





Thursday, September 11, 2008

Tips sa Pagsisinungaling

Hindi ka ba marunong magsinungaling? Nahihirapan o natatakot ka bang malaman ng iba na ika'y nagsisinungaling lang. Pwes heto ang ilang sa mga tips para maging epektibo ang pagsisinungaling mo. (Muli, gawa ko ito at hindi ni Bob Ong).


1. Magkaroon ng eye contact - tumingin ng diretso sa mga mata ng pinagsisinungalingan mo. Sa ganitong paraan, magmumukha kang nagsasabi ng totoo. Pero kung talagang hirap ka, tumingin ka sa ilong. Magmumukha ka ring nakatitig sa mata ng kausap ng mo gamit ang ganintong pamamaraan.

2. Be consistent - para maging epektibo, wag pabagu-bago ng kwento. Makakabuting gumawa ng script para sa iyong kwento. Imemorize at huwag kalimutan ang kaliit-littang detalye.

3. Be confident - huwag magpahalatang kinakabahan. Isiping para ka lang nasa final interview. Huwag nerbiyosin.

4. Huwag magwalk-out pagkatapos magsinungaling para di ka mahalata. Matapos magawa ang balak, sumimple lang ng dahan-dahang pag-alis sa crime scene.

5. Lastly, huwag magpapahuli! Ito ang katapusan ng iyong career bilang isang sinungaling pag nahuli ka.

At iyan ay ilan lamang sa mga tips. Mas maraming magaling magsinungaling kesa sa akin kaya yan lamang ang aking inilathala. Para sa iba pang tips, kumunsulta sa mga abogado, politiko at mga showbiz personalities.







Tuesday, September 9, 2008

Mga Tips sa Tamang Pagpapakamatay

Mga Tips sa Tamang Pagpapakamatay


Para sa ilang mga mambabasa ng blog ko na nagtatanong ng mga tips sa tamang pagsu-suicide, eto na ang ilan sa yon (ANUMANG PAGKAKAHAWIG MULA SA SULAT NI BOB ONG AY DI SINASADYA. SARILING BERSYON KO ITO! MGA GAGO!):




1. Kung pag-bibigti ang naisipang gawin, gumamit ng manipis na alambre sa halip na lubid. Makakatulong ito para di masyadong magkaroon ng marka ang iyong leeg. Mas madali rin ang pagpanaw mo dahil mas madali kang masasakal nito.



2. Sa pag-inom ng lason, huwag gumamit ng asido. Sa halip, gumamit ng toilet cleaner. Mas masakit sa mata ang asido pag ito'y inyong binuksan. Ang toilet cleaner naman ay mayroong bango na makakapagpaganda sa ambiance ng inyong pagpapakamatay.

3. Kung maglalaslas ng pulso, hiwain ito ng patayo sa halip na pahalang para siguradong tigok. Ilubog ang nilaslas na pulso sa tubig. Makakatulong ito para magpatuloy ang pagdaloy ng dugo at maisakatuparan ang iyong balak.


4. Kung magsusulat ng suicide note, makabubuting gumamit ng computer para madaling mabasa ng mauulila. Kadalasang nakakapagpalito lamang ang handwriting ng magpapakatiwakal. Pero para maging lehitimo ang sulat, pirmahan ito. Gumamit comic sans na font para medyo may comic appeal.

5. Pumili ng theme song. Mas makakadagdag sa emosyon pag mayroong background music habang ikaw ay magpapakamatay. Iwasan ang mga kantang masasaya tulad ng spaghetti ng sexbomb at kiliti ng baywalk bodies. Kailangang mellow ang music gaya na lang halimbawa ng inuman na ng parokya ni edgar.

6. Ihanda muna ang iyong kasuotan bago isagawa ang pagkitil sa iyong buhay. Makakabuting magsuot ng formal na damit para medyo elegante ang dating. Iwasan ang pagpapakamatay ng suot lamang ang boxer shorts o brief.

7. Siguraduhing malinis ang katawan. Maligo muna bago isagawa ang pagkitil sa iyong buhay. Dyahe naman kung makikita ka ng mga tao na patay na, mabaho pa.


8. Pumili ng uri ng libing. Mas makakatipid kung cremation ang gagamitin dahil isang gastusan na lang. Maari pang mapakinabangan ang iyong abo bilang pataba sa lupa.


Yan na po! Sana ay nakatulong ang mga tips na yan sa mga nagbabalak magpatiwakal. Paalala lamang. Ang mga naisulat ay ginagawa lamang ng wala sa tamang pag-iisip.






Friday, September 5, 2008

Bad Trip Ako

Bad trip ako ngayon.

Minsan na nga lang ako'ng lumabas ng bahay dahil babad lagi sa paglalaro ng ran online, eto't pagbibintangan pa ko sa kasalanan di ko ginawa.

Bad trip.

Bad trip.

Bad trip.

Wala ako'ng balak magpost ng mga lathalain liban dito sa sama ng loob ko. Kakabuwisit! Mga sinungaling!!! Ipokrito!

Wednesday, September 3, 2008

Almusal

Almusal. Agahan. Breakfast.


Anuman ang tawag, isa lang ang ibig sabihin. Pagkain sa umaga. Isang mahalagang kain para sa tuluy tuloy na sigla sa buong maghapon. Likas na sa mga normal na pilipino (normal: mga normal na araw. Excluded ang mga call center agents) ang kumain ng almusal bago pumasok sa eskuwela o trabaho, o bago simulan ang mga kanya-kanyang aktibidades sa isang araw. Para sa iba, kahit makalimutan'g mananghalian basta nakapag-agahan, mananatili ka pa ring masigla. At sa isang tipikal na pamilyang pilipino, narito ang ilan sa karaniwang laman ng hapag-kainan tuwing almusal.




1. Sinangag - mahilig sa heavy breakfast ang mga pinoy kaya importante ang bigas sa atin. Pero dahil iba ang ambiance ng umaga, mas masarap na sa halip na bagong saing na kanin, sinangag o fried rice ang mas mainan kainin.



2. Tuyo - karaniwang partner ng sinanga. Pagkaing gustung-gusto ng mga mayayaman dahil bihira silang makakain nito pro halos isuka na ng mga araw-araw na nakakatikim nito dahil sa hirap ng buhay.




3. Itlog/Hotdog/Ham/Bacon - pwede ring ipares sa sinangag. Paborito ng mga bata na papasok sa eskwela.




4. Pandesal - paborito ng masa. Kung walang oras magsaing, dumiretso na lang sa suking bakery at mamakyaw ng pandesal. Palamanan ng dairy cream o peanut butter at solb na ang almusal mo!




5. Champorado/Lugaw/Sopas - at iba pa'ng maiinit na pagkaing may sabaw na kalimitang itinitinda tuwing umaga. Pinakasikat ang champorado na sasamahan ng malabnaw na gatas. Pwede ring ipartner sa tuyo.




6. Puto't Kutsinta - isa ring alternatibo sa almusal. Pwere rin ang sapin-sapin, butchi, biko at iba pang kakanin.




7. Hotcake - ang cake na walang icing. Gawa sa arina, baking powder, itlog at gatas na pinaghalu-halo at iprinito sa kawali




8. Kape - oo alam ko hindi ito pagkain kundi isang inumin. Pero kasama to sa mga nakahain sa hapag tuwing almusal. Kalimitang iniinom ng mga tatay bago pumasok sa opisina at kapag wala silang gana sa inihanda ng kanilang asawa.




9. Juice - para naman sa mga bulilit. Noon, hindi pa sila pinapayagang magkape dahil bawal daw ito sa bata. Pero sa paglipas ng panahon, nakaugalian na rin ng mga magulang na painumin sila nito. Dahilan nila'y para magkaroon ng nerbiyos at takot sa kanila.




10. Breakfast cereals - Sige na nga! Sasama ko na rin to. Madalas almusal ng mga batang spoiled at pagkain ng mga nakakatanda na feeling nila'y nasa ibang bansa sila.



At yan ang munting listahan ko ng mga nakahain tuwing almusal.



Monday, September 1, 2008

Pagkakaibigan sa Maling Konstekto

Natural sa ating mga Pilipino na maging palakaibigan. Madali tayong makipagsalamuha sa mga taong nakapaligid sa'tin. Sa una mang impresyon, ikaw ay suplado, tahimik o wala lang, di mo maiiwasan kundi makipagkaibigan sa taong katabi mo. Ngunit paminsan ang pakikipagkaibigan ay nailalagay sa maling konteksto.

Sumakay ako minsan ng taxi dito lamang sa aming village papuntang SM Megamall para makipagkita sa aking kaibigan sa high school. Mukhang may napag-aralan ang driver dahil magalang siya at mukhang mapagkakatiwalaan. Dumating kami sa isang kanto pakanan ng V.Luna nang may isang jeep na bigla na lang tumigil sa kanto para kumuha ng pasahero.

Biglang nagsalita si Manong, "Pambihira talaga tong mga driver ng jeep. Parang walang pinag-aralan. Paminsan gusto mong murahin pero iniisip ko wag na lang. Wag mo na lang pagsayangan ng panahon ang mga taong walang pinag-aralan. Mahirap ng bumaba sa kanilang lebel."

Umayon naman ako ngunit syempre di natin dapat lahatin ang jeepney drivers. Pero humanga ako dahil may opinyon si Manong kaya napalapit na kagad ang loob ko. Mali man o tama ang kanyang sinabi, dahil meron siyang opinyon, humanga ako.

Nagtanong na siya ng mga bagay-bagay na ikinatuwa ko. Meron nga siyang pinag-aralan.

Ngunit nag-iba ang lahat nung pagdating namin malapit na sa Megamall. "Iho, magkano parati ang bayad mo galing sa inyo pa-Mega?"

Kako 80+. Bigla na'kong nabahala. Nabura na lahat agad ang aking naging konsepto sa kanya. Isa na namang taxi driver na dumidiskarte sa pasahero. Isa na namang opurtunista.

Naisip ko, wala na talagang pinipili ang mga tao: bata ka man o matanda, pag dating sa pera, wala ng respeto.

At tama na nga aking kaba, pag dating sa Mega, binigyan ko siya ng 100, 81 ang nasa metro. Kako kahit 10 na lang ang sukli, iling na sabi nyang, "Puro 100 na lang eh." Ngiti siya.

Di ko na nakayanang tumingin sa kanyang mukha sa aking pandidiri sa kanyang pagkatao. Gusto ko sana siyang pangaralan tungkol sa kanyang panggugulang lalo na't bata ako ngunit naalala ko ang sinabi nya: "Di ko na kailangang pagsayangan ng panahon ang mga taong di ko kalebel."

Sinara ko ang pinto at umalis, iwan sa kanya ang aking buong 100, na may kasamang tampo sa mga taong tulad nya.

Nasaktan ako. Siguro ganito talaga ang nagagawa ng kahirapan sa buhay. Pag hirap ka, magagalit ka kung bakit di pantay ang tingin ng lipunan sa'yo. Pero pag nasa pagkakataon, lilimutin mo lahat ang naging konsepto mo ng hustisya at ikaw mismo ang mang-iisa.

Napunta lamang ang pakikipagkaibigan sa wala. Nakakalungkot isipin ngunit isa lamang si Manong sa mga taong nakapaligid sa'tin na muli tayong kakainin ng buo para lamang makalamang. At sa paraang di makatarungan, paraan ng pakikipagkaibigan.