Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Thursday, July 31, 2008

Isan'g Buwan na ang Damuhan!




Tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon. Isan'g buwan na pala ang nakalipas mula ng tumubo sa cyberspace ang damuhan. Di ko na namalayan na in a span of one month, nagkaroon ako ng mga kaibigan at mga kaaway. Mayroo'ng natuwa sa mga pinost ko. Mayroon din namang nainis at nagsabing isang basura lang ang blog ko. Ganunpaman, ganyan talaga. I can't please everybody. Pero ang mahalaga sa akin ay mga kapwa ko blogista na napapaligaya ko sa tuwing bumibisita sila sa blog ko.

Maraming salamat sa mga pumayag makipagpalitan ng link. Sa mga hindi naman pumayag, mamatay sana kayo (Joke!). Di ko na po iisa-isahin ang mga pangalan nyo dahil makikita nyo naman ang mga blog nyo sa blogroll ko. Isa pa, hindi bagay ang isang mahabang talumpati dito. Ginagawa lang yun sa mga sessions ng senado at kongreso. Di naman ako politiko eh. Pero nagawa ko'ng mangampanya at manakot (katulad ng ginagawa tuwing eleksiyon) ng mga bloggers para manalo sa unang blog award na makikita nyo sa gawing kaliwa ng blog ko.

Kaya naman ako'y nagagalak. Thank you so much BENCH and PENSHOPPE for my wardrobe, ADIDAS and FILA for my shoes, REPLAY for my eyewear, BOYSEN for my hair, and KNORR MEATY PANGGISA for my skin. Happy viewing to ANGEL LOCSIN, BEA ALONZO and my Girlfriend TONI GONZAGA.

Kapintasan

Wala ako'ng maisip isulat sa blog. Para bagang nabablanko ang isip ko. Ilang oras din ako'ng nakatitig sa monitor. Pinapanood ang cursor na patuloy sa pagkindat. Mabagal ang pagdaloy ng ideya sa utak ko ngayon. Hindi katulad ng mga nakaraang araw na halos di ko masundan ang mga iniisip ko kahit pa 60 words per minute ang typing speed ko. Hanggang sa may napansin ako mula sa bintana ng aking kwarto. Mga istambay. Nakasalumpwit habang nagyoyosi (trivia: Di ako naninigarilyo. Ewan ko ba kung bakit gusto nila ang paglabas-pasok ng usok sa mga baga nila). Nang biglang may isang seksing babae na dumaan. AYUN! Tiningnan nila mulo ulo hanggang paa sabay tingin sa pwet ng ubod ng tagal. Ewan ko kung only in the Philippines to. Pero biglang sumagi sa aking isip ang mga naoobserbahan ko sa mga kabaro ko.

Karamihan sa aming mga lalaki ang kunyari naglalakad ng diretso ang tingin pero di mo alam, gumagana ang peripheral view para imonitor kung may mga chicks na nakatingin sa kanya. Style! May mga iba naman, pag pupunta sa isang party, nanghahunting ng mga girls. Pormang-porma pa. Kuntodo pabango at hagod ng buhok. Pero di mo alam, pag-uwi nyan sa bahay, diretso na sa kama at di na aalahaning magtoothbrush or maglinis man lang ng katawan KADIRI!

Dito ko rin lang sa pinas nakita ang mga lalaking ang gagara ng cellphone pero ang laki rin ng utang. N93, N81 at N70 ang mga cellphones pero pag may makikitext, wala silang load. Meron din akong mga napansin sa loob ng simbahan. Kung ang mga babae, kuntodo make-up, ang mga kabaro ko naman, kala mo aatend ng presscon. Alam ko namang masagwa ang magsimba ng gula-gulanit ang suot pero nandun ka para makinig ng salita ng Diyos, hindi para manghunting ng mga babae.

Dito rin sa Pinas napakaraming mga tambay sa kalsada. At napansin nyo bang ang daming langaw? Paano, ang daming dumudura sa kalsada at ang daming jumijingle kung saan-saan.


Siguro ganyan talaga. We have to accept that fact. Next time mga babae namana ang hahanapan ko ng butas just to be fair to us guys. Wahahahahah


Tuesday, July 29, 2008

Buwisit na NBI Muntinlupa Yan!

Pasintabi po, maglalabas lang ng sama ng loob.


July 22, 2008. Eksaktong alas otso ng umaga, nagpunta ako sa satellite office ng NBI sa Muntinlupa para i-renew ang aking clearance dahil kinukuha ng aking company. Maayos naman ang proseso. Actually, isa ito sa pinakamaayos na pagkuha ng clearance na naranasan ko. As usual, HIT ang name ko kaya after 5 working days ko makukuha. Masaya ako'ng umuwi ng bahay.

July 29, 2008. 1:30pm bumalik ako sa satellite office para makuha ang clearance. Mga 5 minutes lang ako sa pila at nasa counter na ko. Pero nakanamputcha, Hindi nagawa ang clearance ko! Sa halip binigay nila ang telephone number nila para tawagan bukas for updates. Ano namang klaseng pamamalakad to! Nagbago na nga kami ng Mayor eh, ganito pa rin! Di nyo ginagawa ang trabaho ninyo! Wala kayong ginawa kundi uminom ng mineral water at magpalamig sa air-conditioned office nyo! Punyeta kayo!!!



Monday, July 28, 2008

Say Mo sa Pagiging Malikhain ng Pinoy?

Walang dudang napakamalikhain ng pinoy pagdating sa pag-iisip ng mga pangalan ng tao, lugar at kahit negosyo. Pati na rin sa paglalagay ng mga babala. Heto ang ilan sa mga obra:


Sangla na! May libreng noodles ka pa!



Siguraduing may panti ang mga anak nyo!



Yan! Nakikiusap na ha!



Wag matigas ang ulo ha!




Bili na! Murang mura!




sige nga! bigkasin mo ang pangalan ng tindahan!







Saturday, July 26, 2008

Mga Uri ng Nililigawang Pinay

Marahil ay inyo nang nabasa sa blog na ito ang mga uri ng manliligaw na pinoy. Iba-iba ang style na gamit sa panliligaw. Ngayon naman, hatid ko sa inyo ang ilang uri ng mga nililigawang pinay. Sequel kumbaga. Kaya heto na ang ilan sa kanila:


1. Ms. Suplada
- babaeng masanggi mo lang ng konti ang buhok ay iirapan ka na at sasabihang bastos. Ang mga ganitong uri ay di nadadaan sa pagpapacute at pagpapapresko. Ok lang sana kung maganda, kaso karamihan sa kanila, walang hitsura.

2. Ms. Pakipot
- gusto rin naman, ayaw lang ipahalata. Aayaw-ayaw pero sa bandang huli bibigay din.

3. Ms. Maria Clara
- mga sinaunang babae na medyo may pagkaman-hater. Kalimitang may mga kamaganak na tiyahin na sa edad na singkwenta ay dalaga pa rin.

4. Ms. Bili mo ko nyan
- sila ang walang pakialam kung wala ka nang perang natitira o kung meron man ay pamasahe mo na lang. Madalas makita sa mga mall at lahat ng magustuhan ay ipinabibili sa nanliligaw.

5. Ms. Dabyana
- matakaw, malakas kumain at walang pakialam kung puno na ng mantika ang buong pagmumukha. Di alintana ang mga taong nakitingin. Basta ang mahalaga, makakain!

6. Ms. Diyeta
- kabaligtaran ng Dabyana. Conscious na conscious sa kanyang diet. Ayaw ng rice or carbs. Umiiwas sa mga chocolates at cakes dahil nakakataba. Sang ihip lang ng hangin, matatangay na sila dahil sa nipis ng kanilang mga katawan.

7. Ms. Kikay
- mga babaeng laging may dalang pampaganda. Ok lang sana kaya lang pati sa mrt, naglalagay ng harina sa mukha para daw di oily ang skin nila.

8. Ms. Anabel Rama
- bungangera. walang sinasanto. Ma-late ka lang ng isang minuto, sermon na ang aabutin po. Pinalalaki kahit maliit na issue.

9. Ms. Jealousy
- kahit wala kang ginagawang masama, magseselos. Madaming insecurities sa buhay ang taong ito na kahit aso, pinagseselosan nito.

10. Ms. Career
- ang taong inuuna ang karera sa buhay instead of love. Love can wait ang motto nito. Ayaw sa mga lalaking simple lang ang pangarap sa buhay.


Sino ka sa kanila? Kung wala man sa listahan ang personalidad mo, maswerte ka! Makakatanggap ka ng magandang balita. ^^








Friday, July 25, 2008

Chinovela sa buhay ng Pinoy





After the Mexican Soap Operas, followed by Latin telenovela, its the dawn of the Chinovela era or chinese telenovela.


Andaming pinoy na naman ang nagiging addict sa bagong version ng mga telenovelang ito. actually hindi na ito bago sa atin, dati ng may mga Chinovela na tayong napapanood pero yun nga lang hindi ito naka dubbed sa sariling wika natin.


Chinovela started sa channel 13 with Amazing twins, a story about destiny's twin (charlie and gary). tapos nagkaroon ng Meteor Garden sa channel 2... na tinapatan naman ng my MVP valentine ng 7... followed by the Poor Prince at nasundan na ng mga korean novels like endless love, lovers in paris, princess hours atbp.


Sa palagay nyo bakit mas nagugustuhan ng mga pinoy ang mga Chinovela ngayon kesa sa mga dati ng mexican at iba pang soap operas?

I think mas madali kcng maka adopt ang mga Pinoy sa mga Chinovela kasi bukod na sa malapit lang ung bansa nila e, medyo hawig din ang mga ugali, pananamit, at pati narin ang pag kilos natin sa kanila...Unlike sa ibang foreign telenovela na bihira lang mang yari ang mg cnasabi kong pag kakahawig!!! Isa pa ung mga tao sa chinovela e mas mga bata, teenagers kung baga kesa kina marimar etc...




Compared naman sa teleseryeng pinoy, di masyadong uso sa mga chinovela ang mga maseselang eksena gaya na lamang ng mga pagpapasabog ng bus, pagbabarilan, pagsasampalan na ala mara clara atbp. Basically, halos love story ang tema ng mga chinovela na talaga namang nakakakilig sa mga pinoy. Kaya naman naisipan na rin na iadopt ang mga ito sa ating sariling teleserye o kung hindi man ay gumawa ng bersiyon ng mga ito gaya na lamang ng My Girl ng channel 2 at Ako si Kim Sam Soon ng channel 7.


Anu't ano pa man, ang masasabi ko lang, di mababago ang lumang istilo ng ating mga teleserye kung di rin lang dahil sa pagsulpot ng mga chinovelang ito. Adios!






Wednesday, July 23, 2008

Tama na ang MO, Sya, Sila... IKAW ano ba Ginagawa mo?

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi
maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng
trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan
mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng
mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang
pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo
sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang
underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para
makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8
ng gabi. Bumalik KA sa parking lot
para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng
oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa
Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip
ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng
kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang
tao ang mga long distance na tawag mo..

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour
sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo
kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng
sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles
sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa
pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang
sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa
bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay
may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at
pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may
katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto
nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng
hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis
matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at
pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang
responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at
umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi
naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung
saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso
ng papel para itapon sa basurahan..

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang
hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa
pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa,
maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman
nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo
ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa
kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan
na ating sinumpaan sa ating pamilya
nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita
natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal
na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin
sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at
responsibilidad ng isang
magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang
magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa
atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang
tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi
kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog
sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa
loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga
lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid
na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi
pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa
Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang
sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o
Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay
agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may
digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na
handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga
mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng
isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa
konsyensya.. Medyo inuulit ko lang
ayon sa ating salita ang mga salita ni John ....F..Kennedy sa kanyang
kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating
bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang
Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang
kanlurang bansa ngayon."

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa
atin.


Monday, July 21, 2008

Mga Linya sa Pinoy Pocketbooks

Kalimitan na sa ating mga pinoy ang maghanap ng mapaglilibangan kapag tayo'y nabobored o walang magawa sa maghapon. Merong nanonood ng telebisyon, may mga naglalaro ng board games, mga nakikipagchismisan sa mga kapitbahay, nakikipaginuman sa mga katropa at kung anu-ano pa. Pero di maipagkakaila na karamihan sa mga pinoy lalung-lalo na sa mga kababaihan ang mahilig magbasa ng mga nobela o pocket books. Sa halagang 37.00 pesos, mayroon ka ng mabibili sa national bookstore at kung medyo tipid, mayroon din namang tig-lilimang piso lang. Minsan na din ako'ng nagbasa ng mga ito maliban sa FHM, Maxims at Playboy. Nanuot sa aking damdamin ang mga imortal na linya sa bawat nobelang aking nabasa. At heto ang ilan sa mga linyang yaon:



1. "I lived like a zombie through the tough years you were not around. You want to know why? Because you're my life. "

2. "Kung nalaman ko lang dati na ngayon na lang kita mayayakap uli sa harap pa ng maraming tao, sana ay ginawa ko na nang paulit-ulit noon pa, noong tayong dalawa lang."

3. "You look the way a woman should look like every morning of her life--perfectly made love to the night before. From now on, every morning you'd look that way. I'll make sure of that."

4. You're the most beautiful woman I've ever known. And the best thing about it is that you're mine. Akin ka lang. 'Wag mong kalilimutan yan."

5. "I know the road could still get bumpy time and again. Because this is something new to me. Please try to understand. But no matter what, I will never let go. I promise you that."

6. "Hindi ko alam na seloso ako kung hindi dahil sa 'yo. I want you all to myself. Madamot ako at seloso. Akin ka lang."

7. "I know someday someone will make you realize that love is not only in the movies. It's real..."

8. "I realized I've been so wrong about my definition of love. You made me realize it."

9. "Hindi ko plinanong ma-inlove uli sa 'yo. It was completely out of my plan. But here I am... hopelessly in love with you... again."

10. "After five years, her lips still tasted so sweet. And he was sure forever it would be."


Ilan lamang yan sa mga linyang aking natandaan kakabasa ng mga pocketbooks ng tita ko noong mga panahong kain-tulog lang ako. Pero aaminin ko, nagamit ko ang ilan sa mga yan sa mga babeng niligawan ko. ^^


Sunday, July 20, 2008

Buhay 80s

Kung ikaw ay pinanganak sa dekada 80, para sa yo ang artikulong ito.

NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...




1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss,
Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry),
Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks,
woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa,
one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New
Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros,
Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with
plaid long-sleeves.


2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice
at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or
marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid.
Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng
hanging shirt.


3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to
four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed
hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder
pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton
shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo
Hannah,Tickles and Regina's in Shoppesville.


4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis,
Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram,
Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.


5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa
Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St.
Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club
o Baguio Country Club.


6. Wala pang videoke kundi karaoke.


7. Ang preso lang may tattoo.


8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.


9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.


10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.


11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.


12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng
sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong
magtataho.


13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.


14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang
pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.


15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga
school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid
paper.


16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa
yon no'n.


17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.


18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.


19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.


20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na
siya.


21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.


22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.


23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang
balita.


24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.


25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.


26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.


27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.


28. Herbert Bautista was a campus politician.


29. P18 to $1 ang palitan sa black market.


30. May black market pa noon.


31. Illegal pa ang mga paputok.


32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.


33. Drag race sa Greenhills at Corinthians


34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.


35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.




Naaalala mo pa ba mga panahon na ito???



Saturday, July 19, 2008

Panalo po tayo mga Kadamo!



Taos-puso po ako'ng nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa naganap na botohan para sa IDOL BLOG '08. Binabati ko rin ang mga kapwa ko bloggers na lumahok sa patimpalak na ito lalung-lalo na ang napabilang sa top 3 na sina ENDAY at NER. Binabati ko rin si Marky sa magandang turn out ng mga boto.

Sa aking mga kadamo, maraming salamat po sa alternate ninyong boto sa amin ni Enday.
Sa mga kafriendster ko, Salamat din at sinuportahan nyo ako. Sa isang concerned voter na nagsabing gumamit daw kami nila enday at i am downloader ng proxy, salamat din sa opinyon mo pero naging tapat kami sa botohan. ^^ At sa mga bitter at may hinanakit dahil di sila nanalo (wag na nating pangalanan pa kung meron mang nagtatampo) May next time pa po.


Ang tagumpay ko ay tagumpay ng bawat Pilipino (Naks!)











Kursong Pinoy: PETIKSOLOGY

Nakatapos na ako ng aking pag-aaral taong dalawang libo at apat. Kumuha ako ng kursong computer science. Sino ba naman ang mag-aakalang sa call center ako babagsak matapos magbitiw bilang isang graphic designer sa isang pabrika ng mga websites. Minsan tuloy, naitatanong ko sa sarili ko, "Pano kaya kung ibang kurso ang tinapos ko?" Aminin man natin o hindi, maraming estudyante ang di pa alam kung ano'ng kurso ang kukunin nila kung makakatuntong sila sa kolehiyo. Iba na kasi ang panahon ngayon eh. May mga masscom graduates na nagiging telephone operator, mga graduate ng fine arts na naging tagapinta ng bubong, at ang mga teacher, aba may leading supermarkets na sa loob ng paaralan! Anumang kurso ang matapos, parang bale-wala. Kaya karamihan, pag di gusto ang trabaho at napipilitan lang, pumepetiks buong araw. Kaya naman, naisip ko, pano kung isa itong kurso? Ano'ng tawag dito? Ang sagot: PETIKSOLOGY.

Petiksology - hinango sa salitang PETIKS na siyang tawag sa mga oras na kunyari may ginagawa pero wala naman talaga. Tawag din sa sadyang pagpapabagal ng trabaho para makumpleto ang 8 oras ng walang ginagawa.

Sabi sa isang source na hindi ko malaman kung san ko nahagilap, ang "-oxology" ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya pag ito'y ikinabit sa salitang PETIKS, ibig sabihin, ito ay pag-aaral ng kapetikshan!

Kung tutuusin naman, may kabuluhan din ang kursong ito lalo na sa mga tao'ng nasa gobyerno! (Ang tamaan, GUILTY!!!) Marami'ng kawani ng pamahalaan ang nagtapos ng kursong ito. Di lang taong gobyerno kundi karamihan ng mga nagtatrabaho dyan! (heheheh, minsan, ginagawa ko yan. Kaya ikaw, wag nang magmalinis!)

Ano kaya'ng trabaho ang nag-aantay sa mga kukuha ng kursong ito? Teka, pano nga pala ang mga estudyante pa lang?

Yung mga tamad mag-aral at walang alam gawin kundi lustayin ang pera ng magulang kakakuha ng double degree na di naman tinatapos, pwede ito'ng gawing second course.
Kung may BS Chemical Engineering at BS Chemistry na double degree, Pwede ring magkaroon ng BS Commerce at BS Petiksology na bagay na bagay kung magtatrabaho ka sa customs!


Pasensyahan na lang sa mga tinamaan. Di naman maipagkakaila na talamak ang kapetiksihan sa Pilipinas. Naging witness na rin ako sa ganyan. Lunes na lunes, 3 oras ang lunch break sa NBI? Wahahahaa.

Pero masarap naman talagang pumetiks di bah? ^^


BDV-798131-BDV



Thursday, July 17, 2008

Mga Uri ng Manliligaw (PINOY STYLE)

Ang pinoy, kapag mayroong nakursunadahang babae, nanliligaw. Noo'ng panahon ng mga lolo't lola natin, uso ang haranan, pagsisibak ng kahoy at pag-iibig ng tubig para magpalakas sa babae. Buti na nga lang at di ko inabot ang panahong iyon dahil tiyak na patay na ko bago pa ko sagutin ng babae. Pero iba't ibang style na ang gamit namin ngayon sa panliligaw. Nacategorize na nga ang mga uri namin eh. Kaya sa iba'ng pinoy dyan na gusto'ng malaman ang mga style ng panliligaw at sa mga girls naman para malaman kung ano'ng uri ng manliligaw ang kumakatok sa inyong mga puso, heto ang ilan mga yan, pinoy style.

1. Mr. Gwapings
>> mayaman, gwapo, kilala, at higit
sa lahat may wheels. mataas ang
confidence nya
na hindi sya mababasted, kaya pag
nabasted..maapektuhan ng husto ang
kanyang
EGO. at teyk note, malas mo kung may
sour
grape attitude pa yan. pwede nyang
sabihing "sus
kala mo kung sinong maganda e
pinagtyatyagaan
ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie
>> ang type ng manliligaw na kada
magkikita kayo e wala nang alam na
sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o
kaya "i love
you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit
na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma.
kung
baga dinadaan nya sa pangungulit para
mabilis
ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
>> linya nya ang "sagutin mo lang
ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng
magustuhan
mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." !
@#$ ka
na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot
mo na yan,
makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
>> eto yung type ng manliligaw na
pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka
sa tanong
na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo
susundan
pa nya ulit ng tanong "nsan ka
ngayon?" "sinong
kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at
kung anu-
ano pa. basta tungkol sa daily
activities mo
kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it
>> pag binasted mo ang
ganitong type ng manliligaw, asahan mo
bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto
pa, hinding
hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman
>> dadaanin ka sa matatamis na
salita. parang si Mr. Everything din
kaya lang sya
mas matindi mang-uto. yun bang
tipong.."ang
ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang
lambot ng
mga kamay mo" at iba pang pang-uuto
mapasagot
ka lang.

7. Mr. Good Dog
>> eto ang nakakatuwang
manliligaw. kase payag syang
magpaalipin. taga
bitbit ng bag mo o kahit ng mga
kaibigan mo. kahit
magmuka syang buntot sa tuwing may
gala kayo
ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas
kung
baga. pero pag sinagot mo na, for sure
gaganti
yan.

8. Mr. Anonymous
>> motto nya ang "action speaks
louder than voice". wala kang kaalam-
alam,
nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-
bait sayo. e
akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance
>> sya ang pinakamasugid
mong manliligaw. kahit 100 tayms mong
sabihing
ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-
asa ang
sasabihin nya parin "Please give me a
second chance"

10. Mr. Romantiko
>> jologs ang mga paraan nya sa
panliligaw. manghaharana,
pakikisamahan mga
barkada mo, liligawan parents mo at
laging may
dalang flowers and chocolates tuwing
dadalaw.
pero madalas nakakapagpakilig sya ng
nililigawan
nya dahil sa kanyang "malinis na
hangarin" awww!

Ako? naging Mr. Stalker, Mr. Romantiko at Mr. Anonymous! Hehehehe.


Wednesday, July 16, 2008

Salitang Bakla

Minsan, habang abala kami ng mga teammates ko sa pagtanggap ng mga tawag sa mga amerikano tungkol sa problema ng kanilang dsl connection, nagulat na lang kami ng marinig ang 2 bading na quality assurance officer na nagsasalita. Oo, alam ko'ng normal naman ang magsalita, kaya nga sa call center ako nagwowork eh. Hehehe. At ok din magusap ang mga agents sa tagalog. Pero medyo hindi namin maintindihan ang mga sinasabi ng dalawa dahil sarili pala nila'ng lenggwahe ang gamit nila. Mga salitang bakla. Ganun din ang mga salitang ginamit nila nung kinocoach nila kami sa performance namin. Hindi naman tunog propesyonal, ok lang. Nakakaaliw silang pakinggan lalung lalo na pag tinitingnan mo silang magsalita. At eto pala ang ibig sabihin ng mga salitang yaon na kung tutuusin ay kailangan ding malaman dahil ilan sa mga ito ay ginagamit na rin ng mga babae gaya na lamang ng mga girlfriends namin:


Dedma/Deadma - to ignore/dead malice
usage:
Deadmahin mo nalang. It's not worth it.

Windang - feeling or looking harassed brought about by pressure or busyness
usage:
Andami-dami ko pang gagawin! Nawiwindang na ko!
Girl, ok ka lang? Mukha kang windang.

Anda/Andalush - money
usage: Ayaw na ko bigyan ng anda ni mudra. Magtrabaho na daw ako.

Kebs/Keber - to not care
usage:
A: Ateng, sabi ni __ di ka naman daw magaling talaga magsulat.
B: Kebs ko ba jan, di naman siya maganda.

Utaj - person/people
usage: Bakit walang utaj sa tambayan?!

Purita Mirasol - poor/broke
usage:
A: Thursday ngayon, gimmick tayo!
B: Sorry bakla, purita mirasol ang lola mo.

Mashonda - old; Also Tander, Thundercats, Thunderbelles
usage: Gwapo sana, pero mashonda na.

Kiaw/Kiyaw - hundred
usage: Nakapulot ako ng five kiyaw sa Freedom Park!

Cynthia - a play on the words "Sino siya?"
usage: Kilala mo ba yun? Cynthia Patag?

Sinitch - play on the word "Sino?"
usage:
A: Sinitch yung nag-host ng In Heat party kagabi? Ang sexy ah!
B: Si Tasha yun. (bwahahaha!)

Fly - go leave usage: Sige fly na ko, may class pa ko.

Crayola - to cry
usage: Nag-break na sila ng boyfriend niya. Ayun, crayola ever ang lola mo.

Pamin/Paminta - closet gay
usage: I swear, pamin yan, naaamoy ko ang matres niya.

Japan - go/leave (see Fly)
usage: Japan tayo sa Rob, kelangan ko bumili ng tsinelas.

Char/Charing - joke
usage: Ayoko nga sa nirereto mo sakin, wala naman kotse. Purita. Char!!!

Kurash - correct
usage:
A: Uy, diba BS Math ka? Tama ba, 1+1=2?
B: Kurash.

Notabelles - penis
usage: Ang laki ng notabelles ni (insert name)!

Plangak - mismo/correct
usage:
A: Ibig mo bang sabihin, nag-jug na kayo a long time ago, wiz mo lang sinasabi sakin?
B: Plangak!
*Jug [joog] means sex.

Churva/Chever - wala lang, filler. You can also attribute whatever meaning you want to this word.
usage:
A: Pede mo bang kausapin sa Sir Torreta para sa permits?
B: Ayoko nga, ma-chever pa ko.

A: Hoist, nag-chever daw kayo ni Boy kagabi sa Square!
B: Chever lang yun, sus.

Warla - to fight/argue
usage: Trulili ba na warla ever kayo ng gurlaloo mo?

Chuckie Dreyfuss - ugly; also Chaka
usage:
Siya ang neighbor mong dakotanotabelles? Chuckie Dreyfuss!

Junakis - child/offspring
usage:
A: Gurl, punta ka Isis, magpapainom ako.
B: Hindi carry, ateng. Kelangan mag-alaga ng junakis, wala ang animal husbandry.

Wiz - no/none
usage:
A: May ballpen ka?
B: Wiz.

Na-sight - see/seen; a play on the word na[kita]
usage: Na-sight mo ba ang boyfriend ko?

Mudra - mother
usage: Mudra, penge allowance.


Mga Katanungan ng Isa'ng Pinoy

Tayo'ng mga pinoy, napakahilig humanap ng sagot sa mga tanong. Dahil kung walang tanong, walang sagot. 'Pag walang sagot, walang tanong. Maraming tanong ang hindi mabigyan ng tamang kasagutan. Pero sa isip ng isang tipikal na pinoy, nagagawan ng paraan na sagutin ang mga tanong na tinatanong na kailangang sagutin. (GULOOOOO! Wahahahahaha). Ilang sa mga tanong na ito ay nasagot ko na at ng iba pang pinoy na handa kayong bigyan ng katatawanan. Matawa man kayo o hindi, la na ko'ng pakialam! (hehehehehe). Eto na ang ilan sa mga katanungang binigyang kasagutan:

1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?


Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit ngunit bayag ni Tiya
Pusit.


2. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?


Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan
itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag
gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good
to me!)


3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?


Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong
pakikinggan ay f.m.


4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?


Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag
may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang
tinatawag na "fire escape".


5. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?


Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay
hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng
hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.


6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya
kaya sila tinawag na chicken joy?


Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't
sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi inakailangang sa
jolibee patayin ang manok upang maging ito ay maging > masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may
kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi
chicken joy kundi...mcchicken singles.


7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?


Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"? Nakagat ako
minsan ng langgam.......


8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week ,
at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ?
bakit?


Dalawa ang dahilan.


Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil
sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga
nagtatrabaho sa 7-11.


Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.


9. Bakit di mataas ang highway?


Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ang skyway.


10. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?


Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan
sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover.
Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika
ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga
kotse ay hindi lumilipad sa Flyover ngunit sa ibabaw ng
flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa
flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong
sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata,
Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng
pangmayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo...ako
lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon
kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na "sense
of Humor". namamatay ng maaga ang palaging seryoso.




Mga Pasaherong Pinoy sa Jeepney

Ito po ay isang artikulong isinubmit sa akin ng dati ko'ng nobya.

Uuwi ulit akong mag-isa.
Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang
hirap atang magpanggap na may ginagawa. Ang galing ko na ngang matulog ng
dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung
pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming
umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa
ako para lang maiwasan sya.
Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o
di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman
ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong
kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe.
Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi
ako?
Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.

Case # 1: "Aray, ano ba?"
Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung
ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi
nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Kaya
ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry
kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit ko na
at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2: "Blah, blah, blah...'
Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng
pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo
yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa
kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at
di na makapagpigil, tinitingnan ko sila na parang gusto kong dukutin ang
lalamunan nila.

Case # 3: "Pakiabot lang po..."
Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging
taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng
driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman
ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya
naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga.
Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at
umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang
bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad
mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad
nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pwede ba
wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4: "Makikiusog nga..."
Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga
babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay
halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita. Kapag
ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.
Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5: "Ooozzz."
Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang walang
dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang laway. Kapag
may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang
pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa
balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute ibang usapan na yan.
Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at
ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6: "Mama, para ho..."
May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto
na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo.
Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang
sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung
minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga
pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para
at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may
gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong
mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang
mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung
minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na
sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho, bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo
extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa
sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang "Para" pala ang dapat nyang
isinisigaw. Nyahaha...

Case # 7: "Love birds..."
Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na
kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated
18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila.
Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at biglang bibitaw ang kamay sa
pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman
bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap
sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang
inggitan...

Case # 8: "Estudyante blues..."
Maraming estudyante na nagbabasa ng libro sa loob ng jeep habang nasa
biyahe. yung iba sa sobrang ganda ng binabasa ay nadadala sa kwento..'Yung
nakasakay ko minsan na dalagita ay taimtim na nagbabasa ng "Noli Me
Tangere". Hindi nya napansin na malapit na syang pumara at sa gulat na
bababa na pala siya ay mahinhing sinabi sa driver "Paalam".

Case #9..."Mama, ba-bye...."
Minsan naman may nakasakay ako, 2 magkaibigan na walang ginawa kungdi
magkwentuhan ng mga katatawan. Nakakaaliw silang pagmasdan lalo pa't halos
magkanda-luha-luha na ang kanilang mata sa kakatawa. At ng oras na para
bumaba ang isa sa kanila...narinig ko ang sabi niya na habang natatawa parin
.."teka muna bababa nako sige babay" sabay sigaw sa
driver...."Mama....ba-bye!"


Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong
kwento kaya lang uwian na eh.
Magbi-byahe pa ako.
Sasakay na ako ng jeep.
Uuwi ulit akong mag-isa.


Tuesday, July 15, 2008

PATALASTAS: ISANG ALAY SA AKING MGA KAIBIGAN

Dahil ako'y tinanggap nyo bilang isang blogmate, malugod ko'ng iniaalay sa inyo ang tag na ito:



Maraming Salamat po!!!


IDOL BLOG '08 (AKALAIN MO'NG NOMINADO AKO!)




Tumpak mga Kadamo! Nominado po ang inyong lingkod sa patimpalak na pinasimunuan ng kapwa ko blogista na si MARKY.
Kaya naman ako'y kumakatok sa inyong mga puso na sana nawa'y pagbigyan ang aking munting kahilingan na iboto po ninyo ang aking blog sa patimpalak na ito. Ang mapabilang po mga nominado ay isa ng malaking karangalan ngunit ang mapabilang sa TOP3 o maging kampyon ay lubos ko po'ng kasisiyahan. Nasa side bar po ang voting poll.

PAALALA: Ang hindi bumoto, habang buhay na magdurusa! (JOKE LANG!)

Salamat po sa inyong suporta.


Monday, July 14, 2008

PINOY-ENGLISH EXPRESSIONS

Here are funny and erroneous Filipino English expressions that have been perpetuated over time.

1. Commute

What Filipinos mean: when someone uses public transportation.
What the English word means : to travel, period.


2. Salvage

What Filipinos mean: summary execution especially done outside the public's eyes.
What the English word means : to save something.


3. Next next week

How it should be phrased : week after next


4. Tuck out (shirt not tucked in pants)

Tuck out? Untucked is the proper term.


5. Main branch

No such thing. Should be main office.


6. Long cut.

No such thing. 'Long' and 'cut' are in fact contradicting. Should be 'long way.'



What other erroneous/funny 'Filipino English' phrases do you know?

Best Things about Pinoys (Part 2)

Ikalawang Bahagi:


21. Pakidala - Isang personalized door-to-door remittance at delivery system sa mga OFW na di nagtitiwala sa banking system, at nageexpect din ng family update mula sa pinakausapang magdala ng padala.

22. Choc-nut - pinoy version ng toblerone. Wahahahah. Paborito na ng pinoy bago pa ang M&Ms at Hershey's.

23. Kamayan style - kumain ng nakakamay kesa gumamit ng kutsara't tinidor. (SARAPPPP)

24. Chicharon - baboy, bituka, bulaklak. Sarap isawsaw sa suka at ipartner sa beer.

25. Pinoy Hospitality - "kain tayo" ang laging sinasabi pag nakita tayong kumakain. Pagpapatunay ng pinoy hospitality

26. Adobo, Kare-kare, Sinigang - Mga luton'g bahay ni nanay! Talaga namang masustansiya na, masarap pa.

27. Lola Basyang - Sino naman ang di makakaalala sa lolang ito na nagsimula sa radyo at umabot hanggang tv. Paborito ko rin to eh. hehehehe

28. Pambahay - There's no place like home 'ika nga. Kaya naman komportable tayo kahit sando at shorts lamang ang suot pag nasa bahay.

29. Tricycle - ang taxicab ng pinoy na naghahatid sa inyong mga tahanan. May libre pang alikabok!

30. Dirty Ice Cream - Pinoy na pinoy ang mga flavors gaya na lamang ng tsokolate, ube at mangga.

31. Yayas - trusted pinoy na naging major Philippine export bilang OFW. Mababait at maasahan kahit na may accent ng pagiging bisaya (karamihan)

32. Sarsi - Ang pinoy rootbeer. Naalala ko pang hinahaluan ng lola ko ng binateng itlog ang sarsi.

33. Pinoy fruits - Atis, guyabano, chesa, mabolo, lanzones, durian, langka, makopa, dalanghita, siniguelas, suha, chico, papaya, singkamas.

34. Pinoy Celebrities - Movie stars, broadcasters, beauty queens, public officials at all-around conrtoversial figures: Aurora Pijuan, Cardinal Sin, Charito Solis, Cory Aquino, Emilio Aguinaldo, the Eraserheads, Fidel V. Ramos, Francis Magalona, Gloria Diaz, Manuel L. Quezon, Margie Moran, Melanie Marquez, Ninoy Aquino, Nora Aunor, Pitoy Moreno, Ramon Magsysay, Richard Gomez, San Lorenzo Ruiz, Sharon Cuneta, Gemma Cruz, Erap, Tiya Dely, Mel and Jay, Gary V.

35. World Class Pinoys - naglagay ng pangalan ng Pilipinas sa mapa Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Luisito Espinosa, Lydia de Vega-Mercado, Jocelyn Enriquez, Elma Muros, Onyok Velasco, Efren "Bata" Reyes, Lilia Calderon-Clemente, Loida Nicolas-Lewis, Josie Natori.

36. Pinoy Taste - bangungot ng isand Dietician. masyadong maalat, masyadong mataba, masayadong matamis - tulad na lang ng burong talangka, itlog na maalat, aligue, bokayo, kutchinta, sapin-sapin, halo-halo, pastilyas, pulburon, longganisa, tuyo, ensaymada, ube, halaya. Tayo lang din ang naglalalagay ng asukal sa ating sphagetti.

37. The sights - Banaue Rice Terraces, Chocolate Hills, Corregidor Island, Fort Santiago, Baguio. atbp.

38. Gayuma, Agimat, Anting-anting - love potions at amulets. Mga pag-asa ng ibang pinoy.

39. Barangay Ginebra, Jaworski, PBA - Talaga namang basta basketball ay nagkakaisa ang mga pinoy.

40. People Power _ EDSA 1, EDSA 2, EDSA3. Haaaayyyyyy


Marami pa yan.... abangan!!!



Saturday, July 12, 2008

Best Things about Pinoys (Part 1)

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon noh? Ang dami nang nagbabago. Ilan'g beses na rin tayo'ng nagpapalit ng pangulo. Ang dating murang bilihin noon, parang ginto na ang presyo ngayon. Patuloy pa rin sa pagtaas ang presyo ng krudo sa world market na sadyang nakakaapekto sa ating mga Pilipino. Pero alam ba ninyong mayroon pa rin namang mga bagay na hindi nagbabago maliban sa hitsura ko. Mga classics 'ika nga. Para bang mga selyong nakatatak na sa kaibuturan ng ating puso at pagkatao (O ha! lalim ng tagalog!), nagdidikit sa atin na paran'g kambal-tuko. Ano nga ba ang mga ito na talaga namang maganda sa pagiging pinoy? Eto na ang una'ng parte:

1. Merienda - Siyempre! five times a day ang kain natin! Agahan, Tanghalian, Merienda, Hapunan, at midnight snacks.

2. Sawsawan - Iba't ibang uri na talaga namang gumagarantiya sa kalayaan ng ating mga panlasa. Paborito: Toyo't calamansi, suka at sili, patis.

3. Kuwan, ano. - Loss for words? Subukan mo yan at magugulat ka kung bakit naiintindihan pa rin ng mga pinoy ang gusto mo'ng ipahiwatig.

4. Tingi - Buti na lang may mga maliliit na tindahan! San ka pa ba makakabili ng sigarilyo, sabon, paminta, asin asukal atbp in small amounts sa muran'g (mura pa kaya?) halaga?

5. Humor - Ewan ko ba, magaling talagang magbitaw ng joke ang mga pinoy.

6. Spirituality - Bago pa man dumating ang mga kastila sa Pinas eh ang mga ninuno natin ay may mga kanya-kanya nang anito, bathala atbp.

7. Po, Opo, mano po - Tanda ng pagiging magalangin. Hindi pa to nawawala!

8. Pasalubong - Siyempre, maguilty ka naman kung paguwi mo galing abroad eh wala ka nito.

9. Beaches - 7,000 mahigit na isla. San ka pa? Dami natin nyan! Boracay, Batanes, Palawan.

10. Bagoong - May dalawang uri: bagoong-alamang at bagoong-isda. Alamang ang tuyong version at liquid form naman ang bagoong-isda.

11. Bayanihan - Likas na sa atin ang pagkakapit-bisig. Walan'g iwanan lalo na sa inuman!

12. Balikbayan Box - Pag may pasalubong ka mula abroad, dito mo ilagay!

13. Pilipino Komiks - Tulad na lang ng Hiwaga Komiks, Aliwan, Liwayway, Funny Komiks, Lagalag, Kulafu, Kenkoy, Dyesebel (na binaboy na ng GMA-7) at marami pa'ng iba.

14. Folk Songs - Kaya nga may AAWITAN KITA

15. Fiesta - San mang sulok ng Pilipinas, may Fiesta. Kahit gaano kahirap, basta fiesta, tiyak na langing may pagkain sa hapag-kainan.

16. Aswang, Manananggal, Kapre - Yan at mga dwende, galing sa mga makukulay na alamat natin.

17. Jeepneys - Makukulay na sasakyan na pangunahing transportasyon ng masa.

18. Dinuguan - Blood stew or bloody beef/pork. Masarap ipares sa puto! Makalat pero masarap!

19. Santacruzan - Hindi lang to isan'g beauty contest! Sumasalamin din sa pagiging relihiyoso ng mga pinoy.

20. Balut - Nafeature sa fearfactor! Mga di nabuong sisiw na lumalangoy sa sabaw. Sarap!

Dalawampu pa lang yan ha. Abangan ang pagpapatuloy sa mga susunod na post ang iba pang magagandang bagay sa pagiging pinoy.






Pagkakaiba ng Mayaman at Mahirap (ayon sa damuhan)

Kung naging mayaman kaya ako, ano kaya ang naging kapalaran ko? Call center agent pa rin kaya ako o may-ari na ng kumpanyang pinapasukan ko? Whahaha. Libre lang mangarap sabi nga sa kanta ng kamikazee (tama ba spelling???). Sa panahon ngayon, lubhang malaki na talaga ang pagkakaiba ng mga mayayaman sa mga mahihirap. Katulad na lang halimbawa sa pananamit. Pag mayaman o angat ka sa buhay, bumabagay ang kahit ano'ng suotin mo. Tulad na lang ng scarf. Kapag rich ka, aba, bagay na bagay, pero kung mahirap ka, mukha ka lang abu-sayap member. Hehehehe. Iba rin ang mga salitang ginagamit nga mga mayayaman sa mga mahihirap. Halimbawa:

Mayaman : "Uy Friend! Kamusta na? Anak mo?? Ang cute ah! PETITE!"
Mahirap : "Hoy Mare! Kamusta na? Anak mo?? BANSOT ah!

Mayaman: "Hey dude, what's that? RASHES?"
Mahirap: "Yak pare, ano yan? GALIS?"

Mayaman: "Junior, stop that! It's DIRTY!"
Mahirap: "Dyunyorr!, tigilan mo yan, AH AH yan!

Heheheeh. Kapansin pansin din ang pagiging ingglisero ng mga mayayaman.
Slang ika nga. Sa pangalan nga lang eh iba na ang tunog.

Mayaman: What's yah name? Abigail? (pronounced as Ebeegeyl)
Mahirap: Uy! Si Abaigail oh! (pronounced as AHBIGEYL)

Siyempre ang mga yan ay opinyon ko lamang. Sa pananaw ng iba, pwedeng totoo ang mga yan. Pwede ring hindi para sa mga guilty. Kung may tinatamaan man, wala na ako'ng pakialam! Basta ang alam ko, malaki ang pagkakaiba ng mga rich sa poor. Adios! ^^




Thursday, July 10, 2008

Mga Iba't Ibang Uri ng Estudyanteng Pinoy

Heto na naman ang isang katangian ng mga pinoy kapag nag-aaral. Iba't ibang uri ng mga estudyante ang bumubuo sa isang silid-aralan. Para ba'ng hindi makukumpleto klase kapag wala ni isa'ng uri nila.

SILENCIOS - Mga uri ng mag-aaral na ubod ng tahimik. Sa totoo lang, may dalawang uri pa nito. Ang una ay ang tinatawag na UFO or Unidentified FLOATING Object dahil LUMULUTANG lang ang kanilang pag-iisip. Para ba'ng nangangarap ng gising kaya tahimik! Pangalawa ay ang mga VIBRATORS na katulad ng kanilang mga sarili, nakasilent mode din ang mga cellphones at agad kukunin kapag nagvibrate. Umaasang di sila mahuhuli ng mga guro kapag nagchecheck ng mga mensahe sa phone!

EINSTEINS - Mga nasa top-ten na estudyante na walang pakialam sa mga kaklase kahit na ubod ingay ng mga ito. Di alintana ang pagiging terror ng kanilang guro at sila pa mismo ang lalapit sa mga ito para magtanong kung tama ba ang mga formula na ginagamit nila sa pagsosolb ng mathematical problems.

UTI STUDENTS - Mga estudyanteng minu-minuto ay nagme-may i go out para magwee wee (umihi). Matagal pa ang nilalagi nila sa rest rooms kesa sa silid-aralan. Animo'y lubid ang iniihi.

CORRECTORS - Sila naman ang mahilig mamuna sa pronunciation ng mga guro nila. Kapag may maling nasabi ang guro lalo na sa english word, agad nilan'g pupunahin at uulit-ulitin.

ATHLETE'S FOOT - Mga basketball players, soccer players, badminton players atbp na kaya lang yata pumasok sa paaralan ay para maging varsity players. Mataas ang kanilang mga marka sa Physical Education pero ligwak naman sa english, math at science.

POMADA BOYS - Mga lalaking estudyante na parang dinilaan ng kambing ang mga buo dahil sa kintab dulot ng gel. Conscious sa physical appearance kaya di mawawala ang suklay at polbo. Ewan ko kung puro gel lang ang laman ng utak ng mga ito.

KIKAYS - counter part ng pomada boys. Minu-minuto kung magretouch ng sarili. Lamang ng bag: facepowder, polbo, facial wash, makeup, perfume, lipstick, lipgloss etc..

AKBAYAN - mga estudyanteng mahilig magrally para sa "no tuition fee increase", "patalsikin ang dean/principal", at iba pang kung anong maisipang irally. Mas inaalala ang lagay ng paaralan kaysa lagay ng kanilang classcards.

KOLOKOYS - ang kwelang clown ng isang klase. Hindi mawawala sa bawat section ang isang komikero o komikera na laging may dalang mga jokes at one-liner na biglang gigising sa boring na klase.

Ilan lamang yan sa uri ng mga estudyanteng pinoy. Maaring ang iba ay kumbinasyon ng mga nabanggit. Aminin man natin o hindi, walang buhay ang paaralan o isang kolehiyo kung wala sila. Siyempre pa, papatalo ba naman ang mga GURO? Mayroon din sila'ng iba't ibang uri pero yan ay ating tatalakayin sa mga susunod na araw.









Wednesday, July 9, 2008

Mga Uri ng Mamimili sa Tindahan

Noong bata ako, madalas ako'ng bumibili sa tindahan. Anu-ano ang mga binibili ko? Bubble gum, chocnut, lollipop, chiz curls, vetsin, bawang, paminta, mantika at kung anu-ano pa. Nagkaroon din kami ng munting tindahan na hanggang ngayon ay kumikita pa. Minsan nga ako pa ang nagbabantay para makaiwas sa mga nangungupit ng benta (kadalasan kasi nawawala ang pinabilhan ng tindahan, cguro namimisplace lang). At sa tuwing nagbabantay ako ng tindahan, kapansin-pansin ang iba't-ibang uri ng mamimili. May nakakatuwa, may nakakaaliw, at mayroon din namang nakakabuwisit. Anu-ano ba ang uri nila? Narito:

SAUCY GIRLS - mga kikay na english-speaking kuno ang drama. Mga pasosyal na kala mo ay sinapian ng espiritu ni Kris Aquino dahil sa galing nilang mag-Taglish. Lalapit sa tindahan at biglang magsasabi ng "Kuya, may I buy pleasssseeee?" at pag tinanong mo eto ang sasabihin "Uhmmmmm, I like to have 1 chocnut and 1 sampalok." Pasosyal ka pa ha! Hehehehehe

KANTO BOYS - kalimitan sa mga ito ay mga lalaking walang trabaho na ang hilig lang gawin ay tumambay sa tapat ng tindahan. Bibili ng isang yosi at lagpas 5 oras tatambay para mapagusapan kung ano ang labas ng jueteng, ending at kung anu-ano pa'ng sugal.

BULILITS - mga batang magpipilit na bilhin lahat ang laman ng tindahan. Oorder ng chocnut, oishi, kirei, lollipop, chicklet etc... at ibibigay ang bayad na.... PISO. Iyakan blues na pag di mo napagbigyan ang pobreng bata

CHIKADORAS - eto naman kadalasan mga ale to na di naman bumibili sa tindahan sa halip ay nandoon lang at nakikipagtsismisan. Hindi mo na kailangang manood ng The Buzz o maglogon sa pep.ph dahil parang nakausap mo na rin ng harapan sila cristy fermin dahil sa dami ng tsismis na alam ng mga ito.

Utangeras - Magingat! Ito ang nakakatakot sa lahat ng mga kustomer. Style pa ng mga ito, lalapit sila sa tindahan at sisimulang makipagkwentuhan. Kesyo, ang init ng panahon, nakita nya si ano sa mall at kung anu-ano pa. Kapag napansin nyang interesado ka na sa mga kwento nya, sesegway na ang mga ito at babanat na ng "Mayroon ka bang corned beef dyan, pakuha muna at babayaran ko mamaya. Inaantay ko lang ang pera ng manugang ko." Patay ka na! 10 years yan bago magbayad!


Marami pang ibang uri ng mamimili sa tindahan pero ang mga nabanggit ko ay ilan lamang sa mga taong madalas kong nakakasalamuha tuwing ako'y nagbabantay ng aming tindahan. Kahit gustuhin mo'ng mainis sa ganitong tao, alalahanin ng mga kustomer pa rin sila at may kasabihan nga'ng "the customer is always right". Kaya naman KUNG SINO ANG MAY GAWA NG KASABIHANG YAN, SIRA ULO PALA YAN EH!!! PAKSHET!!!!




ISANG PATALASTAS: TOP 10 PINOY EXPATS BLOGS CONTEST

Binibigyang daan ko ang isang patimpalak handog ni thoughts ko to.

THE SEARCH IS ON!!!
FOR THE TOP10 PINOY EXPATS BLOGS
JOIN/VOTE NOW!


BLOG PROMOTION
How to promote your site through this project?
The Search Organizer ask bloggers to make a post or entry about the search for the 2008 TOP 10 PINOY EXPATS BLOG. Once you posted it, inform the organizer here and your site will be included (if available with banner) in the search site sponsor page. It will be a wonderful opportunity to be expose and to be included in the list since the search will alst till December.
So make a blog entry now!


CONTEST DETAILS

1. HOW TO VOTE?


Complete filling the info boxes and write the URL of the blog/site you're voting at URL No. 1 to 10. You can vote one or 10, depends on you.


2. CRITERIA/REQUIREMENT


A blog to be eligible should be;


a) manage by an OFW, Pinoy Expat or Living Abroad.


b) post includes the life of Filipinos abroad, and promote peace and goodwill.


c) should be the source of inspiration and hope for Filipino's.


d) should enrich the culture and heritage of the Philippines and the Filipino people


3. You can view results HERE


4. You can Vote up to 10 Blogs/URL per one email/Url/IP Address.


5. Banner which you can find below and must be displayed to the sidebar of the nominated blog.


6. The Top 10 Winners will be feature with a 150x150 ads in the site and will have a whirlwind of publicity and media exposures as we are in contact with some of the topnotch blogger and media people. An official award certificate will also be mailed or presented. Other prizes and freebies will come as we progress with the search project.


7. Promote and ask your friends to vote for you now. As we keep on progressing, prizes will soon be announced. Please be inform that we are only 3 days old from the date of this posting.


VOTE NOW




ISANG PAGBABAGO!!!

Maligayang pagdating! Malamang ay inyong napansin na ang damuhan ay lumipat na ng bagong tahanan. Mula sa freewebs.com ay narito na ang damuhan sa blogger. Ganunpaman, minarapat ko'ng ipaskil muli ang mga dati'ng lathalain. Ito'y upang mabigyang-daan ang mga bagong bisita na mabasa ang mga ito. Patuloy po sana kayo'ng bumibisita at mahiga sa damuhan. Maraming salamat po.

Pinoy Jokes

July 8, 2008 12:33am

Likas na sa ating mga Pilipino ang magpatawa. Kahit saan, ginagawa natin ito. Kahit pa anon'g hirap ng buhay ay nagagawa pa nga nating ngumiti di ba? Minsan nga pumunta ako ng lamay, aba! parang party ang napuntahan ko dahil sa sobrang tawanan ng mga nagsusugal kapag panay ang tama nila sa sakla. Kaya di naman nakapagtatakang magaling gumawa ng mga jokes ang pinoy katulad na lang ng mga sumusunod:

Intsik: Bili kayo panty. Kapag sinuot ito, hindi kayo mabubuntis.

Babae: Bigyan mo ako ng tatlo. 3 months later, galit si babae: Bakit ako
nabuntis?

Intsik: Baka hinubad mo!

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******

GF: Hayop ka, niloloko mo ako!

BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah!

GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae,
magkahawak
pa kamay nyo! Niloloko mo ako!

BF: Makinig ka muna... hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasama
ko
kanina ang niloloko ko!

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******


Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.

Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!

Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******



Mother superior: Hala, layas dito sa kumbento!

Madre: Bakit po? Dahil po ba sa paggamit ko ng vibrator?

Mother superior: Hindi, ayoko lang may nakikiaalam sa gamit ko!

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******




Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!

Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!

Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******



A priest at a church.

Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?

Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******


Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang
takip
ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?!

Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!


************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******


Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!

Ama: Aba, magaling! Anong subject yun, anak?

Anak: Pregnancy test po itay!


************ ********* ********* ********* ********* ********* ********* ******
******

Corny noh??? Pero natawa ako eh. hehehehe. Kanya-kanyang trip lang yan eh. ^^


Carabao English

July 6, 2008]

Kani-kanina lang ay may natanggap akong isang text message mula sa aking officemate sa call center. Ito daw ang english-tagalog dictionary ngayon. Natawa rin naman ako kahit medyo may kalumaan na ang joke. Di ko rin kasi maisip kung meron nga bang pinoy na ganito ang pagkakaintindi sa mga salitang inggles.
Example:
Titser: Juan, give me a sentence in English.
Juan: Ma'am is beautiful, isn't she?
Titser: Very good. Now translate that in Tagalog.
Juan: Maganda si Ma'am, hindi naman di ba?
Oh di ba? hehehe. Eto ang ilan sa mga salita ng bagong english-tagalog dictionary.

ASPECT: pantusok / pandurog ng yelo
CITY: bago mag-ocho
DEDUCT: ang bibe
DEFEAT: ang paa
DEPOSIT: ang gripo
DETAIL: ang buntot
DEVASTATION: istasyon ng bus
EFFORT: kung saan nagla-landing ang erflane
MELT: ngamit mantali sa mewang mara indi maulog ang
mantalon
PERSUADING: unang kasal
DEPRESS: ang nagkasal sa persuading
PREDICATE: pakawalan mo ang pusa
PROTESTANT: tindahan ng prutas
STATUE: ikaw ba 'yan?



Pinoy Names

July 6, 2008

Pinoys are very creative when it comes to almost everything. When it comes to names though, we seem to ran out of creativity and thus we commonly see the following things;

1. dad and mom's name; this is specially in the case of the first born when the marriage is overflowing with love still thus we have names like jason dahil si jane ang nanay at si samson ang tatay... papano kaya kung kung satur ang pangalan ng tatay at kim naman ang nanay? siguro magiging SAKIM ang pangalan ano?

2. long names made short; yung iba naman isang kilometro ang haba ng name na ibibigay sa anak (wawa naman pag nag-aral magsulat ng pangalan ang bata) tapos kukunin na lang first letters para sa nickname. kaya naman ang kristina cassandra naging KC, ang billy joe naging BJ. papano kaya kung ang name Trisha Ursula Liza Ellen pagiging TULE kaya ang palayaw hehehe

3. foreign sounding names: there was a time, (buti na lang hindi na) na ang uso is lagyan ng snky ang ending lahat ng palayaw para maging foreign sounding kaya naman si oscar naging orsky, si jen naging jensky

4. common name unique spelling: ang uso naman ngayon napakasimply na pangalan naging complicated ang spelling, kaya naman si pedro naging peydrow, si leah naging leeyah

so ano ang point ko? wala lang basta ako ang pangalan ko ay si Spikey Phedrozky Eric Roy Maykel nyahahahaha


Bisayang Bersiyon ng mga kanta

July 5, 2008

Nagbabrowse ako ng mga video sa youtube ng di sinasadyang makita ko ang mga tagalaog versions ng mga sikat na kanta. Ang pinoy talaga, basta kalokohan, lahat gagawin makapagbigay lamang ng saya sa mga kapwa pilipino. Mayroong natuwa, mayroon di namang di gaanong nasiyahan. Pero para sakin, napaka creative talaga ng pinoy!!! Eto ang ilan sa mga bidyo.












Pamahiin

July 3, 2008

Tayong mga pinoy talaga, napakaraming mga paniniwala o tinatawag nating mga pamahiin, kesyo bawal ang ganito, bawal ang ganyan. Gaya na lamang ng mga sumusunod na kayo na ang bahalang magpasya kung totoo o hindi.
Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan.
(Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)

Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan.
(Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)

Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain.
(If a person sleeps on her book, she will have a good memory.)

Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip.
(After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)

Kapag Gabi Na (When Night Falls)
Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)

Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay.
(Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)

Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang.
(When walking with friends, especially at night,always travel as a group of even number. If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)

Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.
(Washed clothes should be taken fromt he clothesline at night, lest they be stolen and worn by dwarfs.)


Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon.
(Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)

Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito.
(Better to find money on New Year's Day than spend it.)

Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao.
(Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)

Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay, sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay.
(When the bells ring on Easter Sunday, shout at the top of your lungs and you will have a long life.)


Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo.
(Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)

Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.
(Never give a pair of shoes away for free. Either throw up the shoes up int he air and let the prospective owner pick them up, or let him or her buy it for five centavos.)

Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo.
(Don't seat on books, or you will be dumb.)

Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit.
(Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves. When harmed, they may retaliate by making you sick.)

Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu.
(Before stepping on an anthill, first ask to be excused. Otherwise, a spirit may play tricks on you.)

Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon.
(Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)

Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon.
(If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)

Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto.
(Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)

Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit.
(Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)

Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
(If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)

Upang maalis ang iyong takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos.
(To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)

Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes.
(Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)

Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan.
(If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)

Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran.
(To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)


Kalokohang Pinoy... Sa Pelikula

July 4, 2008

Hinango mula sa http://chika_minute.blogs.friendster.com/my_game/2007/09/mga_kalokohang_.html
marami ka ng paboritong pelikula.
marami ka ng inulit-ulit.
pero alam mo ba ang paghihirap na ginugugol ng
mga prodyuser sa paggawa ng mga pelikulang ito ??
halikayo at samahan nyo ako na ungkatin ang
mga kalokohang pinoy pagdating sa paggawa ng pelikula
na hindi mawari kung sinasadya o tanga lang tlaga sila
sa mga konseptong pelikula ..
>kapag buntis ang asawa, madalas pagdating sa kalagitnaan ng pelikula ee duduguin ito o kaya naman ay bigla itong iiyak at sasabihing " aray!!! ahhh!!! manganganak na ata ako !!! "
>kahit comedy, may action pa din sa plot ng pelikula
>hindi nawawalan ng leading lady kahit pangit ang bida..
>laging may sindikato na kaaway o kalaban ang bida.
>involve ang shabu o pera sa awayan..
>kahit super suntikan, habulan o barilan, hindi man lang pinagpapawisan ang magkaaway.
>pati leading lady marunong bumaril..
>hindi nawawalan ng mga line ang bida at kontrabida lalo na ang mga katagang :
" sumuko ka na !!!" o kya naman ay " uubusin ko ang bala ko sa katawan mo !! "
>kahit maraming problema, may love scene pa rin .
>laging may song and dance number ang bida kahit action star pa sya..
>usually ang kontrabida ay sila paquito diaz, romy diaz, ricky davao at matt ranillo III.
>hindi nawawalan ng kissing scene ang bida kahit nsa gitna sila ng matinding bakbakan at sasabihin sa isa't isa : " mahal kita, kaya anu man ang mangyari tayo pa rin .. "
>ang bida kahit ubos na ang bala, hindi pa din patay ang kalaban at sugod pa din ng sugod..
>laging namumulot ng baril ang bida kapag ubos na ang bala nya.
>si FPJ, sobrang pawis na pawis kahit naglalakad lang.
> pagkatapos umiyak ng leading lady dahil nabaril ang bida, tsaka lamang ito dadalhin sa ospital.
>kahit huli na ng dalhin sa ospital, marerevive at marerevive pa rin ng doktor ang bida.
>kapag tapos na ang pelikula lalo na ang comedy, biglang magsisitalunan ang mga cast at hihinto ang film.
>kahit hindi marunong manligaw, sasagutin ng babae ang bida lalo na kapag probinsya ang set.
>kahit tumakas ang bida at babae ng pagkalayu-layo ay masusundan pa rin sila ng mga kaaway.
>laging may scene na nag-iinuman at biglang babastusin ang leading lady at ipagtatanggol at gugulpihin ang mga sunog-baga.
>kapag nagkaharap ang magkaaway ay magkakatutukan sila ng baril at parehong walang bala, bigla bgila itong mauuwi sa suntukan.
>kapag nanliligaw ang bida, pupunta ito sa bahay ng babae kahit hindi ipinakita na alam ng bida ang address nito sa mga naunang scene.
>kapag comedy, magkaribal ang bida at kontrebida sa iisang babae.
>usually, hindi nawawala ang sidekick ng bida sa comedy.
>kahit matanda na ang bida, may leading lady a rin.
>kapag nagkamali ang bataan ng sindikato, babatukan ito o kya ay pagsasabihan ng masasamang salita.
>sa comedy, kapag mga babae o sidekick lang, kahit dos por dos ay makapapatay sila ng kalaban.
>laging may dalawang lasing na nag-iinuman kaya lagi silang natatakasan ng hostage o biktima nila.
>kapag may atraso ang bida, gagawing hostage ang pamilya nya.
>hindi nawawala yung pagkaduling o harlequin style na pagkamatay ng mga sindikato.
>ang madalas na title ng mga action ay barumbado tulad ng " sayo ang tondo, akin ang cavite" , " marami ka pang kakaining bigas"
>kapag comedy naman ay madalas na pangalan din ng bida tulad ng " buddy en sol" , " pido dida" , " elvis and presley"
>laging may scene na hinahabol ng mga pulis na naka-mobile ang tumatakbong bida at matatakasan pa rin sila nito.
>sa comedy, usong uso ang mga jukebox o novelty songs para theme songs.
>sa mgafantasy, hindi nawawala ang scene sa ibang planeta.
> ang mga magic e corny ang pagkagawa o makulay lang.
>sa mga superhero, hindi nawawala ang paglipad.
>hindi alam ng babae na hero pala ang leading man nya kahit retaso lang ang maskara nito.
>laging may isang bagay na involve para amging superhero ang bida tulad ng bato , barbell.
>si cesar montano kahit patalikod bumaril e mnakakapatay pa rin .
>nausong gawaan ng " the movie" ang mga youth oriented tulad ng G-MICK at T.G.I.S.
>ang seiko films e expertise ang paggawa ng bold movies..
>usually ang bold dati ay pinapangalan sa maselang bahagi ng katawan na itinatago sa mga pangalan ng pagkain tulad ng "itlog", "patikim ng piña" at "talong"
>kapag may love o bed scene na biglang nagfe-fade ang screen at mapupunta sa ibang set.
>kapag nagpa-punchline ang side kick ng bida, macocornihan ang mga kasama at may expression na "ACHECHE!!!"
>sasabihin ng kontrabida na maghihiganti siya sa bida kahit na wala pang ginagawang masama ang bida.
>laging contradict ang mga sidekick tulad nila panchito, babalu at rene requestas.
>kapag mali ang suggestion ng sidekick e hahampasin siya ng diyaryo sa ulo.
kaya sa susunod e unawain ninyo ang pelikula ..


Pinoy ka kung....

Pinoy ka kung...
July 2, 2008
paalala: ang aritkulong ito ay hindi likha ng may akda. Ito ay kinuha lamang sa isang website.
... kung mahilig kang sumingit sa pila.
... mahilig kang mag basa ng komiks at liwayway.
... palagi kang late sa trabaho sabi mo trapik.
... mahilig ka sa imported... na manok.
... lahat ng uri ng alak at sugal alam mo
... mahilig sa libre at arbor.
... pero mahiyain ka pag inaalok.
... mahilig mangutang ng pera.
... mahilig manghiram ng gamit.
... mahilig ka sa "sale" at second hand.
... mahilig kang uminom at mambabae.
... paborito mong kanta sa videoke ay "my way"
... mahilig ka sa lagay at padrino
... mahilig lumingon sa seksing tsiks
... pag humigop ka ng sabaw ay "sssyyuuuuuupppp"
... mahilig kang dumura sa kalsada at umihe sa pader
... mahilig kang magtapon ng basura kahit saan
... mahilig kang manghingi ng pasalubong pag may galing abroad
... galing ka lang ng abroad, spokening dollar ka na.
... ayaw mo ng nasasapawan ka
... mahilig kang bumile ng souvenir item
... mahilig kang magpa picture na may kasamang sikat
... may asawa't anak ka na, nakapisan ka pa rin sa nanay mo.
... mahilig kang manood ng bold at pene movies
... mahilig mag mag usyoso pag may aksidente o gulo.
... mahilig kang mag uwi ng mga gamit sa mga business stablishments na pinupuntahan mo gaya ng kutsara at tinidor, pati ba naman twalya sa "anito inn" inuwi mo rin. hahahaha


Nung Bata Ka Pa, Nagawa mo ba to??

July 2, 2008

1. *kumakain ka ba ng aratilis?

2. *nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis
tingting?

3. *pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at
di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

4. *marunong ka magpatintero, saksak puso,
langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

5. *malupit ka pag meron kang atari, family computer
or nes?

6. *alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,
right, left, right, a, b, a, b, start?

7. *may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,
Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag
nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard
Gomez?

8. *addict ka sa rainbow brite, carebears, my little
pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z,
daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?

9. *nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si
annie at type na type mo ang puting panty nya?

10. *marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na
talaga ng 5.25 na floppy disk?

11. *inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo
magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210, Melrose PLace at Baywatch?

12. *gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang
bangs mo o kaya michaels?

13. *meron kang blouse na may padding kung babae
ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake
ka?

14. *nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig
ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

15. *kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit
girls? e si luning-ning at luging-ging?

16. *alam mo ibig sabihin ng Time Space Warp at di mo
makakalimutan ang Time Space Warp chant?

17. *idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect
Strangers?

18 *eto malupet... six digits lang ba ang phone
number nyo dati?!

19. *nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3
bentesingko lang ang dala?

20. *cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo
ang song na "eh kasi bata"?!

21. *inabutan mo ang Magnolia Chocolait na
nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig
ng nanay mo sa ref?

22. *meron kang pencil case na maraming compartments
na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

23. *noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun
Factory at ang Sugarland?

24. *alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong
sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,
asawa ni marie"...?

25. *sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at
nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?

26. *inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at
yung diyes na square?

27. *lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat
talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...
diba naninipit yun?

28. *alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera
yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno
pati ang mga kwento na bida si juan at pedro...?

29. *meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam
mo hanggang ngayon...? aminin!!!

30. *laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag
pinapawisan ka o kaya dyaryo or movistar magazine?

31. *bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble
gum, tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal at the famous LALA na uutuian ka ng
tindera na lasang MILO?

32. *kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes
ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay
ka tawagin ang porn as BOLD?

33. *takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla
magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA
NG 23 YEARS OLD...

KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA
20-23 YEARS OLD KA NA...


WAG KA NA MAG DENY... TUMAWA KA NA LANG...


Mga Tags

Ang espasyong ito ay para sa mga handog na tag ng mga kapwa ko blogista. At heto ang ilan sa mga tags:


mula kay May

_____________________________________________________________




mula kay Ner


_____________________________________________________________



mula kay Coolbuster



We need friends for many reasons,all throughout the season.

We need friends to comfort uswhen we are sad,

and to have fun with us when we are glad.

We need friends to give us good advice,

We need someone we can count on,and treat us nice.

We need friends to remember usone we have passedsharing memories that will always last.


________________________________________________________________mula kay Supergulaman